Chapter 10

21 2 0
                                    

Wala ako sa mood makipag usap sa kahit sino sa kanina.
Hindi ko alam pero simula ng dumating kami dito sa resort nila jane tahimik nako. Hindi ko sila kinakausap kaya nagpa iwan nalang ako dito kwarto na tutulugan namin. Siguro kasi masakit ako ulo ko kaya ganto ako! Lahat sila nandun sa labas para maghanda ng mga kakainin namin . Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sumilay dito ang napakagandang muka ng kaybigan ko . Jane . Kaybigan pa ba talaga?
"Wala kabang balak lumabas?
-Umupo sya sa dulo ng kama ko at diretsong tumingin sakin .
Naiirita ako sa kanya kung kausapin nya ko parang walang nangyari .
"Mamaya nalang!
-Walang gana kong sagot sa kanya . Bukod sa pag iwas nya samin ng walang dahilan ni kyla may isang bagay pa na kinaiinis ko sa kanya . Yun ay ang pag nakikita ko silang magkasama ni ace!
"Gwen?
-Di ako sumagot at hinintay ko nalang ang susunod na sasabihin nya .
"May problema ba?
-What kind of question is that? Baliw ba sya? O tanga tanga? Alam nya naman na may problema samin tapos magtatanong pa sya?
"Nitong mga nakara- ....
-Di ko sya pinatapos tumingin ako sa kanya ng diretso .
"Bat di mo itanong sa sarili mo?
-Mahinahon padin ako sa pagsasalita pero sa loob loob ko gusto ko na syang sigawan sa sobrang gigil ko sa kanya!
Hindi namamansin at iiwas ng walang dahilan? Kelan pa ako nagkaroon ng kaybigan na abnormal?
"Anong problema mo jane?

"Ikaw? Anong problema mo?
-Oww! Mukang magkakaalaman kami ngayon ha. Kung si ace ang dahilan nya then go! Magsama sila .
"Ikaw ang problema ko!

"Baket dahil ba kay ace?

"Anong problema mo at bigla mo nalang kaming iniwan ni kyla at kay ace nadikit? May gusto kanaba sa kanya?
-Nakakatawa lang na dahil sa taong gusto ko nasisira kami ngayon! Sa simpleng di pag papansinan umabot kami dito ngayon
"Kaybigan ko si ace!
-Natawa ako sa kanya. KAYBIGAN! Pesteng pagkakaibigan yan . Kaybigan? Kaybigan ba tawag dun? Kung umakto sa harap namin akala mo sila na!
"Eh sya? Yun ba ang turing nya sayo?
-Napapansin ko naman na may gusto sa kanya si ace eh . Kaya mas lalo akong nagagalit sa kanya , kasi sa lahat ng babae bakit sya pa .
"Hindi ko kasalanan kung magkakagusto sya sakin!
-Nakangisi pa sya sa sinabi nya. Nang aasar pa talaga sya! Sa ginagawa nyang yan lalo akong nanggigigil sa kanya .
Sa nakikita ko ngayon lumalabas na ang tunay nyang ugali .
"So? Yun yung dahilan kung bakit ka nagagalit sakin? Kasi may gusto sakin yung taong matagal mo ng pinapangarap!
-Di ako mababaw na tao pero tama sya , yun nga yung dahilan ko ngayon kaya galit ako sa kanya pero hindi parin nawawala sa isip ko yung tanong na bakit sya biglang umiwas .
"Oo tama ka yun nga! Eh ikaw anong magandang dahilan mo sa tanong ko na bakit bigla ka nalang umiwas at hindi napansin? Parang hangin nalang kami sayo! Kung iwasan mo kami parang wala tayong pinagsamahan .
-Kung kaya nyang magpaka war freak pwes kaya ko din!
Sa tono ng boses ko parang gusto ko nang maghamon! With smirk pa yan .
Diresto akong nakatingin sa kanya at hinihintay na sumagot sya! Pero imbis na sumagot sya tumayo sya at nagsimulang maglakad pero bago pa sya tuluyan makalabas ng kwarto narinig ko syang nagsalita .
"Kasi alam ko na dun din naman tayo papunta!
-Mahinahon nyang sagot sa sakin . Pagsabi nya nun tuluyan na syang lumabas!
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya .
"Kasi alam ko na dun din tayo papunta!
-Dun din kami papunta? Baket?

Kyla :

Susunduin ko sana si gwen sa kwartong tinutuluyan nya pero nakita ko si jane na lumabas mula sa pinto ng kwarto ni gwen . Anong ginawa nya dun? Sa pagkakaalam ko hindi sila ok! Hindi KAMI ok!
Hinintay ko syang mawala sa paningin ko bago ako tumuloy sa kwarto namin ni gwen!

Jane :

"Kasi alam ko na dun din tayo papunta!
- Oo alam ko dun din kami pupunta dahil sa magiging desisyon ko .Pagtapos ko sabihin ang mga salitang yun lumabas nako ng kwarto!
So eto na yung last? Akala ko maaayos pa to! Mukang hindi na pala . Ang babaw ni gwen! Sobrang babaw nya . Dahil lang ba gusto ako ni ace? Kaya mas lalong nadagdagan ang galit nya sakin? Oo alam ko galit sya kasi nga dahil dun sa pag iwas ko tapos lalo pang nadadagan dahil sa nangyari ngayon! Oo alam ko may gusto na sakin si ace kahit di nya sabihin pansin ko sa kanya yun. Napag isip isip ko dati na kung sakaling dumating yung araw na ligawan ako ace sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papayag kasi gusto sya ni gwen pero dahil sa nangyari ngayon nagbago na yun , nagbago na ang desisyon ko at yun ay sasagutin ko na si ace kung sakali man na manligaw sya! Di ko sasayangin yung pagkakataon na alam kong magiging masaya din ako! Ngayon pa na gusto ko na din sya , gusto ko din si ace!

Gwen :

Baligtad yata ang pag iisip ko ngayon kanina nung nandito sila na labas , nandun ako sa loob , pero ngayon na nandun na sila sa loob ngayon ako naman ang nandito sa labas .
Tangek talaga ako minsan!
Gabi na pero nandito padin ako tabing dagat! Gusto ko kasing mapag isa . Wala kasi akong balak makipag kwentuhan kay kyla ngayon kaya lumabas muna ako!
Maganda dito sa resort nila jane. Meron swimming pool dun sa katabi if trip mo sa pool tapos dito naman sa kinalalagyan ko ay may dagat!
Habang tinitingnan ang mga paa ko na nababasa dahil sa tubig ,  hindi mawala sa isip ko
ang nangyari kanina sa pag uusap namin ni jane . Totoo nga may gusto sa kanya si ace! Masakit na nung iniisip ko palang ang tungkol dun pero mas masakit pala pag nalaman mo na ang totoo . Nung narinig ko mula kay jane ang tungkol dun gusto ko nang umiyak! Bakit sya pa ace? Sa kaybigan ko pa! Wala ba talagang pag asa na sakin nalang sya mag kagusto? Para naman maging masaya ang lovestory ko .
Nanatili akong tahimik na nakaupo sa buhanginan ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko . Nang lingunin ko kung sino yun nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino sya .
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko ng maabutan ko syang seryosong nakatingin sakin.
"Gabi na . Bakit nandito kapa?
-Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalita sya . Sa simpleng salita nya nagkakaganito nako. Iba talaga ang dating nya sakin!
"Hindi ka pa ba inaantok?
-Umiwas ako ng tingin saka sumagot .
"Di pa ako dinadalaw ng antok e . Ikaw bakit nasa labas kapa?
-Nanatili akong nakatingin sa dagat habang hinihintay ang sagot nya .
"Hinanapan kasi kita!

Ace

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon