Part 30

815 15 0
                                    

" jmgaktph " hindi ko marinig yung sinasabi nya, basta nakita ko syang kumakaway dun sa glass. Tinatawag ako.

://

" Tapos na " pinakita nya yung dalawang pares ng sapatos sa magkabilang kamay nya. Natuwa naman ako dahil hindi masyadong marami, tapos pagtingin ko don sa paanan nya ang daming box ng sapatos. Nagfake smile ako dahil nagulat ako. Grabe! Ganyan ba kayong mga babae mamili ng mga gamit nyo? Lahat ba ng mga yan magagamit nyo? Huu!

" 16, 835.50 " Binigay ko na ung atm ko dun sa cashier. Mukhang mapapaadvance ako ng allowance kay Mama ah!

" Tara? " sabi nya habang nakahawak sa braso ko at ngiting ngiti. Ano daw? Anong tara? Bibili ulit?

" Tara! " sabi ko ng papilit

" Ooohhkaaay!! " tumakbo na sya papalayo, habang tumatakbo sya salita sya ng salita, tawa sya ng tawa, kwento ng kwento, yung mga tao nagtitinginan sa kanya. Awww, anghel sa langit kalabitin mo sya please! Hindi nya naman ako kabasay e. Nauna syang tumakbo, ang dami ko kayang bit-bit?

" Tapos -- " bigla syang tumingin sa gilid nya. Ayun hinahanap nya na ko. Patay, tinakpan ko yung mukha ko.

"Hoy! " sigaw nya sakin.  

" Wai,,,,t. " sabi ko ng hirap na hirap. Papano ako makakalakad? Tapos tumakbo ulit sya papalapit sakin

" Akin na nga! " kinuha nya yung isang plastik sa lapag, to think na tatlo yung plastik sa lapag bukod pa sa tagsampong hawak ng magkabilaan kong kamay.

" Oh? " tanong nya palingon, nagsimula na kasi syang maglakad.

" Huh? "  

" Tara na! " 

" Okay " anak ng tinapa, ang sakit na ng kamay ko. San ba pwedeng ideposit to?

" Ma'am " biglang may lumapit na naka all black na babae sa gilid ni Mhimoi sabay nagbow.

" Pati ayon " Pumito yung babae sa likod nya. Grabe ang daming lumapit. Kinuha nila yung mga hawak ko at ang nag-iisang hawak ni Mhimoi. Akala ko mga normal na tao lang yung mga sumusunod sa'min. May mga nakapangbahay at nakacivillian. Lahat yon body guards nya? Grabe mga sampo ata yon. Wala ba talaga syang tiwala na hindi ko sya sasaktan? Lumakad na sya at sumunod na ko. Umalis na yung mga bodyguards nya, kami nalang dalawa at ang iba pang namamasyal dito.

" Oh? Bat tumahimik ka? " tanong nya, ako naman hindi pa rin nagigising sa katotohanan 

" Ha? Wala tara! Wala pa kong sapatos eh. " sabi ko at lumingon sya sa likuran nya

"Ayun! " tinuro nya yung shoe shop. Pumasok na kami. Bumili na ko ng sapatos, mga tatlong sapatos. Isa lang talaga dapat ang bibilhin ko, pero sabi nya kasi masmaganda kung iba-iba kada pose. Ayoko sana e, wala eh! Mahirap kumontra sa mga babae. Jackpot pagnanalo ang lalaki.

" San tayo next? " Saan nga ba? Ang mga babae pagnagtanong ng ganyan ibig sabihin gusto pa nilang gumala. Right? hmmm

" Mageeight na, gusto mo ba sa ferris wheel? "

" Sigee! Hindi pa ko nakakasakay e!"

" Huh? Sa yaman nyo hindi ka pa nakakasakay? "

" Oo. Sino naman isasama ko? " Nagkwento sya ng nagkwento about sa family nya, yun nga. Ang karaniwang problema ng mga mayayaman. Time is gold... to earn money. Kaya siguro sya nagrebelde? Ay teka hindi, hindi naman sya pasakit na anak, yung palasagot. Nang-aaway ng magulang, nanginginom, naninigarilyo, nagdadrugs, sumasama kung kanikaninong lalaki at kung ano-ano pang kabulastugan. Hindi sya ganon. Wala namang masama sa pag-inom. Wag nga lang sosobra.

" Dalawa " sabi ko dun sa nagbibigay ng ticket. Nandito na kasi kami. Pumasok na kami sa ferris wheel. Marami akong gustong tanungin sa kanya. Katulad nalang ng pagiging mabaet nya sakin.

" Umaandar ba tayo? " Tanong nya sakin, ngumiti lang naman ako. Pano ba naman kasi e ang bagal talaga ng pag-ikot nito. Pero masmaganda na din yon. Bukod sa pagiging worth it ng bayad e masmatititigan mo pa ang buong sakop ng SM MOA ng matagalan. Medyo nakakatuwa din dahil kami lang ang tao dito. Walang ingay, walang asungot at walang nakakarinig samin.

" Pwede ba kong magtanong? "  sabi ko sa kanya

" Hindi mo nga sinagot yung tanong ko e! " huh? 

" Ano ba yung tanong mo? " 

" Wala. Ano ba yung itatanong mo ha? " tumingin sya sakin, nailang nanaman ako. Tumingin naman ako sa bintana

" Bakit hindi mo na ko tinatarayan? " sa totoo lang nag-aassume ako.

" Bakit? gusto mong tarayan kita? " napatingin naman ako sa kanya

" Ha? hindi no! "

" E bakit ka pumayag sumama sakin? " say it, please!

" Bakit ayaw mo ba? " 

" Hindi naman, gusto ko lang talagang malaman.. "

*KATAHIMIKAN*

" Okay sige wag na yon., e bakit ka malungkot kanina? " tanong ko nanaman

" Ang dami mo namang tanong! Yung totoo? lalaki ka ba o bakla? " pagtataray nya sakin

"Gusto mo ba talagang patunayan ko? "

"Oo "

:// end of part 30 :// 

-girllivingtodfullest

The first kiss is never made accidental, the first kiss is happen to be your first time to kiss someone intentionally - girllivingtodfullest 

http://girllivingtodfullest.tumblr.com/

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon