Part 16

1.2K 20 3
                                    

Hmmmm, sabado ? anong kayang pwedeng aksayahin ? ay teka. Makapunta nga ng SM

://

"Parang masmaganda to ? " nakasimangot na yung saleslady sakin, bakit? kaya nga saleslady sya diba ? Ang dami kong pinakuhang sandals sa kanya, ang daming magaganda, ang hirap tuloy pumili.

"Hoy ikaw ! " lumapit sakin yung p.a ko, nagdadaldalan lang sila ng isa kong bodyguard e. Tsk!

"Anong masmaganda? Ito o ito ? " tinaas ko yung kaliwa kong paa, and then yung isa naman, magkaibang sapatos ang nakasuot sa paa ko, yung isa black edition yung isa naman red

"Ayan po . " tinuro nya yung nasa kanan, yung red edition, ang panget naman ng taste nya tsk.

"Pakilagay na to " tinanggal na ng saleslady yung black editiong sandal na napili ko. Ayoko nga ng red. Yan yung pinili ng p.a. ko e!

"Pakibayaran at pakikuha na din " sabi ko sa p.a ko, tumayo na ko at umalis, pupunta naman ako sa mga damit, hmm.. Ano nga bang style ang bago ?

"Ay unggoy ! " Arrgh ! nahulog lang naman yung ice cream ng lalaking nakabunggo ko, pinatabi sya ng nasa kaliwang bodyguard ko, hindi ako nakatingin sa kanya, nakatingin lang ako sa sapatos ko, bwiset na lalaking to! hindi ba nya alam na bago lang to at galing pa ng France!

"ika -- |" Si Hinston?

"Ang arte mo talaga ! Para ice cream lang e ! Oh ayan, ayan ! " umupo sya sa lapag at pinunasan ng panyo nya yung paa ko

"Pwede ba ! " inilag ko yung paa ko, nakakairita yung panyo nya e!

"Sigurado ka bang malinis yang panyo mo ha !" sigaw ko ulit sa kanya

"Oh ayan! Ayan! " pinunas nya sa mukha nya yung panyong pinunas nya sa paa ko, pero yung kabilang side naman nung panyo, nakatanga lang naman yung mga bodyguards ko, mga hunghang.

"E marumi naman yung mukha mo e ! anong pinagkaiba ha ? " nagulat sya sa sinabi ko, yung mga taong chismosa nakatingin lang samin, nakatambay at nagawa pang kuhaan kami ng litrato. Hay nako naman!

"Umalis ka na nga lang! Hindi mo na malilinisan yan at hindi mo rin naman kayang tumbasan yan! Ano pa bang magagawa ko? " naglakad na ko at hindi lumingon sa kanya, chin up ang datingan, nakasunod lang yung mga bodyguards ko at nakatingin yung mga tao sakin, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

*puukk * Ano yon ? hinawakan ko yung buhok ko, may malamig, tinignan ko naman, ano to! Ice cream?! tinignan ko yung pinanggalingan ng naghagis sa buhok ko, si Hinston! Walang hiya talaga tong lalaking to!

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon