" Kung alam ko lang na mawawala ka.
…. Sana hindi na ko nagpapigil na gantihan ka. ..
…Hinston….
…I want you beside me...
….forever…. "
Idinikit ko ang labi ko sa labi nya. Ito ang unang beses na hinagkan ko sya. Ayokong malungkot. Gusto kong masulit ang mga oras na to. Naramdaman ko namang hinalikan nya rin ako. Walang ibang pumasok sa isipan ko kung hindi ang magpasalamat sa Diyos. Hindi ko din alam kung bakit.
://
Minulat ko na ang mga mata ko. Pinunasan ko ang mga luha nya. Idinikit ko ang noo ko sa noo nya. Sya naman ay nakahawak sa tagiliran ko at ako naman ay nakahawak sa ulo nya. Niyakap ko syang muli. Niyakap ng mahigpit.
" Kapag binigay mo yang puso mo. Isama mo na rin ang saakin. Para naman dalawa na ang puso ni Tita. Para kung sakaling atakihin syang muli. May reserba sya " seryosong sabi nya. Natawa naman ako.
" Kapag binigay mo yan, mabubulok yan. Dahil pagkatapos ng heart transplant, hindi na muling aatakihin si Mama " tumingin naman ako sa kanya at madalian syang hinalikan.
" Wag ka ng malungkot. Aantayin naman kita. Pagkadating mo, nandon lang ako nag-aabang sa'yo " bigla nya namang hinila ang ulo ko at muling idinikit ang labi nya. Siguro nga, may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat.
" Ang unfair mo. Palibhasa hindi ikaw yung maiiwan. E kung ako ang magdonate. Papayag kaba?! " pagsusungit nya.
" Sige ba! Okay lang ba sayo? " nilakihan nya naman ako ng mata. Niyakap ko nanaman sya. Ang sarap sa feeling na ang lahat ay official na. Maraming salamat Sayo. Naniniwala na kong lahat ay planado mo, na lagi kang tama. Na lahat ay may dahilan. Kung ito na ang huling linggo ko sa mundo. Magiging masaya parin ako. Dahil sa wakas, naramdaman ko din sa buong buhay ko kung ano nga ba ang pagmamahal.
" Galit pa rin ba sakin si Shena? " tanong naman nya.
" Siguro " napatingin naman sya sakin.
" Hayyy. Ang dami ko kasing kaartehan, pati tuloy sya nadamay " hinila ko naman sya.
" Magiging ayos din ang lahat. Gusto mo ba syang makausap? " napatingin naman sya sakin.
" Oo naman, pero hindi pa siguro ngayon. Sige na, pumasok kana. Baka pagod na din si Drake. Kawawa naman yon, hindi pa kumakain. " naglakad na nga kami papunta sa room ni Mama. Syempre, holding hands *insert Hinston's smile here*
" Mommyyyyy!! " bigla naman akong napatakbo sa pagpasok nang marinig ko si Shena, ang daming nurse sa loob. Hindi ko alam ang ginagawa nila. May pinipihit yung babae para magkaroon ng oxygen si Mama. Ano bang nangyayari? Hinanap ko kaagad si Mrs. Cooper. Isa naman sya sa nagchecheck kay Mama.
" Doc, anong nangyari? " napatingin naman sakin si Mrs. Cooper
" Something just went wrong. Samahan mo muna si Shena. " tumakbo naman sakin si Shena at agad akong niyakap.
" Doc, nakahanap na ko ng Donor " napatingin naman silang lahat sakin. Ngumiti naman si Dr. Saywaan, ang doctor ni Mama dito sa hospital.
" That's great! " sabi ni Mrs. Cooper. Kinausap naman ako ni Dr. Saywaan.
" That would be a blessing to you iho. " tinap nya ko.
" Vince, sa labas muna kayo ni Shena " inilabas naman ni Vince si Shena. Si Drake din lumabas muna. Huminga muna ako ng malalim atsaka kinausap si Mrs. Cooper.
" Mrs. Cooper, napagdesisyonan ko pong... ako nalang ang donor.." nagulat naman si Doc. Napatingin naman ako kay Mama.
" Kuhain nyo na po yung puso ko para mailigtas na si Mama. Kahit ngayong gabi nyo na po isagawa ang heart transplant. Ayos lang po sakin, sige na Doc. Bago pa mahuli ang lahat " hinawakan ko naman ang kamay ni Mama at hinalikan.
" If that's what you want, I cannot object with that. But let me remind you Mr. Lee that before the operation, you have to take several examinations " sabi naman ni Mrs. Cooper.
" I know, then let's start the examination....now "
" Don't be impulsive Hinston. This is a serious decision " pagkokontra ni Mrs. Cooper.
" I'm not a kid anymore Mrs. Cooper, I mean what I say. Let's start... before it's too late " diretsahang sabi ko. Ginawa nga namin ang mga examinations. Ang dami kong tinake, echocardiography and radionuclide scans, assessment of pulmonary vascular health, answering brief history of cardiac disease, measurement of maximal oxygen, perfusion tests at marami pang iba. Lahat yan chineckan ko para matapos na lahat ng mga evaluation. Pumirma na ko para matapos na ang lahat. Bukas daw mangyayari ang operation. Kailangan kong magpahinga at magpalakas para daw maging successful ang operation. Konti nalang Mama, magiging ayos din ang lahat.
" kuya.. " sabi ni Shena pagkapasok ko. Nagulat naman ako nang makita ko si Mhimoi, bati naba sila ni Shena?
" Bakit? Teka.. Kumain na ba kayo? Kayo Mhimoi, bat hindi pa kayo umuuwi? " napatingin naman sakin si Mhimoi
" Ikaw Drake? Umuwi na kayo, gabi na ha? Baka mapano pa kayo sa daan " hindi nya naman ako pinansin. Napatingin naman ako kay Shena, tinititigan nya lang ako.
" Bakit? Mukha ba kong multo? " tinignan ko naman si Vince. Tinititigan nya lang din ako.
" Ano bang problema pre? " nagtatakang tanong ko.
" Ikaw? Anong problema mo? Bakit ka gumawa ng desisyon ng hindi ka man lang nagsasabi? " nagtaka naman ako sa sinabi ni Vince
" Bakit? Kapag ba lumabas ako, kailangan ko pang magpaalam sa inyo? " sabi ko naman sa kanila.
" Wag ka na ngang magkunwari. Alam na nila. " iritang sabi ni Mhimoi.
" Ba't mo sin--
" Para hindi matuloy " pagsisingit nya.
" Hindi na pwede, nakapirma na ko " umupo ako sa couch
" ANO?! " sabay-sabay na sabi nila. Napatingin naman ako kay Shena dahil ni-hindi man lang sya nagsasalita.
" Shena! " tumakbo sya palabas ng pintuan. Hinabol ko naman sya. Nasa labas na kami ng room ni Mama.
" Akala ko ba lalabas na si Mama bukaS? Kuya ? Ha? Hmp.. hmp.. " bumuhos nanaman ang mga luha nya
" Ssshh.. Lalabas na nga sya. Diba nagpromise ako? " niyakap ko naman sya.
" Nagpromise ka nga, pero ikaw naman yung mawawala? Kuya naman... hmp, wala na nga si Daddy… tapos mawawala kapa? Kuya … hmp hmp " tumingala sya sakin
" Andyan naman si Drake, sure naman ako na aalagaan ka nya. Basta, pagkagising ni Mama. Sabihin mo, nag-abroad ako ha. Tsaka mo na sabihin na kasama ko na si Papa. Para naman hindi sya mabigla " lalo naman syang napaiyak.
" Ssshh " niyakap ko pa sya ng masmahigpit.
" Hindi ba pwedeng maghanap nalang tayo ng donor? Kuya? Please? Sige nanaman kuya.. wag mo kong iwan hmp.... " hindi na ko nagsalita.
" Kapag nakakakita ka ng stars. Kung ano ang unang kuminang, nandon lang ako " mashinigpitan nya naman ang pagyakap nya. Napaluha na din ako. Ikaw na ang bahala sa kanya LORD. Handa na ko.
:// end of part ://
- Girllivingtodfullest/Gltdf
www.girllivingtodfullest.tumblr.com
Everything has the LORD's plan endings - Girllivingtodfullest
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)
Teen FictionPapano kung si BAD boy ay mainlove kay BAD girl ? maiinlove naman kaya si BAD girl ? http://girllivingtodfullest.tumblr.com/ Please watch trailer :)