Part 68

546 9 2
                                    

" Ha? Ah...oo, ibig sabihin.."

" Oo.. kita mo nga naman. Hindi ka pa nakinig sa kapatid mo? Alam mo, sa totoo lang. Magaling sya, matalino. Masmatalino sa'yo. Kung sa bagay, babae sya. Masmalakas ang instinct ng mga babae kaysa sa mga lalaki.” Nagulat naman ako sa sinabi nya.

://

" Naaalala mo ba nung unang punta ko sa inyo? Diba may dare kami ni Shena? " Sabi ni Mhimoi. Napaisip naman ako. Oo naaalala ko nga. Yung gabing tumakbo si Shena at kinaumagahan hindi nya ko pinapansin.

" Sinabi ko sa'yo na mag act sya as weird diba? " tama, sinabi nya nga yon.

" Naniwala ka naman? " dagdag pa nya.

" Oo, ewan. Medyo. Teka nga! Ano ba Mhimoi? Ano bang problema mo? " hinawakan ko yung balikat nya, pero hindi sya kalmado. Nanlilisik ang mga mata nya at halatang galit na galit sya sakin.

" Sinabi ko sa kanya na ikaw ang kapalit sa tatlong hiling nya. Pero natakot sya, nagalit sya sakin. Doon ko lang nalaman na hindi pala dapat ako maghiganti sa'yo. Dahil kapatid ko ang napuruhan. Kapatid mo rin dapat ang managot. " mahinahong sabi nya. Mahinahon pero nakakatakot.

" Hindi ko alam na si Drake--

" Hindi mo alam?! E bakit hindi mo inalam?! " galit na galit na sabi nya

" Sinugod ako ng mga kaaway ko non. Mag-isa lang ako Mhimoi. "

" Iniligtas mo yung sarili mo! Bakit hindi mo iniligtas si Drake?! " nanghina ako bigla.

 

" Hindi ko alam.. hindi ko alam na si Drake yon "

" Alam mo! Alam mong may batang sumigaw! But you take it as an opportunity para makatakbo ka! Yung mga frat na bumugbog sa'yo, alam mo ba kung sinong ginantihan nila ha?! Alam mo ba ha! Si Drake yon Hinston! Kahit anong takbo nya para hindi sya mahabol ng mga sira ulong yon! Nahabol sya dahil bata sya!! Anong magagawa ng isang batang lampang tumakbo ng mabilis para hindi sya mahabol ng limang lalaking may dalang kutsilyo? E kung ikaw ngang matanda hindi mo nagawang labanan sila! Ngayon sabihin mo! Sa tingin mo hindi dapat ako maghiganti sa'yo ha?! " hindi ko alam ang gagawin ko. Pinilit ko syang yakapin, kahit pumipiglas sya. Hindi ko sya binitawan.

" Hinston.. Hmp.. ang tanga tanga mo! hmp.. bwisit ka.. bwihisit k-k-ka.." nagulat ako bigla nang mahimatay si Mhimoi. Sinugod namin sya sa pinakamalapit na hospital. Sabi ng doctor, hindi nya daw kinaya yung galit nya kaya bigla nalang syang nawalan ng malay. Ayos lang naman daw sya, ang kaso. Hindi daw maganda sa isang tao na nagkikimkim ng galit. Marami daw sakit na nadudulot, bukod sa psychological. Nagkakaroon din ng deficiency sa pagtulog at pagkain. Maraming sinabi si Doc pero ang mahalaga, magigising na din daw si Mhimoi maya-maya. Wag daw muna akong magpapakita sa kanya, masmaigi na daw yon para kay Mhimoi. Bago ako umalis, kinausap ko muna si Drake.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon