" Oh? Ibig sabihin ba nito, ikaw na maglalaba ng panty mo? " sabi ko. Natawa naman silang lahat. Binatukan naman ako ni Shena
" KUYA! " at sabay sabay kaming nagtawanan.
://
Ako na ang pumirma sa operation ni Mama. Sabay-sabay naman naming pinunit ang kasunduan na pinirmahan ko kagabi para sa heart transplant. Eto na ata ang pinakamasayang parte ng buhay ko.
Ilang oras makalipas. Sinimulan na ang operasyon.
AFTER 7 WEEKS
" Ikaw! Dun ka nga! " tinulak naman ako ni Mhimoi. Kumuha sya ng pintura sa mukha, pinipinturahan nya si Shena.
" Aray ko naman! Ano ba kasi yang nilalagay mo sa paa ni Shena?! " bigla namang umusok ang ilong ni Shena.
" Anong paa! Mukha ko to no! Lumayas ka nga dito! " ngumisi naman si Drake. Nandito kami ngayon sa bahay nila, tumatambay. Inaayusan ni Moi moi si Shena. Tinanggal nya yung salamin ni Shena at pinalitan ng contact lense. Tinuruan din nya si Shena kung pano mag-ayos. Nagustuhan naman ni Shena ang bago nyang ayos. Lalo na si Drake, halatang kilig na kilig sya sa ganda ng kapatid ko.
" Hoy! Anong tinutunganga mo! Sabing lumayas dito e!" sigaw nanaman ni Moi Moi
" Moi moi naman! Masama bang manood?! " sabi ko naman. Tumatawa naman si Drake, naglalaro sya ng psp nya.
" Bakit?! Gusto mo din ba ng make up ha?! " pang-aasar nya
" Dun! Alis! " tinulak nya naman ako
" Magsama kayo ni Drake! " dagdag pa nya
" Hoy! Bat ako nadamay dyan?! " sabi naman ni Drake. Umupo nalang ako sa tabi nya
" Bat kasi inaayusan mo yan ate ha?! " tanong ni Drake kay Moi Moi.
" Diba nga may dinner date tayo mamaya kasama sila Mama at Tita? " sagot naman ni Mhimoi. Oo nga pala, si Mama kaya? Nakaayos na kaya yon?
" Tara Drake, layas tayo. Bayaan mo sila dyan. " Pag-aaya ko kay Drake
" San kayo pupunta?! " sigaw naman ni Shena
" Bye hon " humalik naman ako sa pisngi ni Mhimoi
“ Ingat “ sabi naman nya.
" Papasyal lang kami shenababe " hahalik palang si Drake binatukan na agad sya ni Shena
" Ugh! " Napangisi naman ako.
" Wag kayong magpapalate mamaya ha! " sigaw ni Shena kay Drake.
" Tara na nga! " sabi ni Drake. Lumabas na kami ng bahay nila at dumiretso sa garahe nila.
" Ako naman magdadrive ngayon. Sakay na! " pag-aaya ni Drake
" San ba tayo gagala? " tanong ko naman habang pumapasok sa auto nya
" Dyan lang, may alam akong kainan. " nagulat naman ako
" Loko e kung kakain lang tayo, dito na lang tayo kumain sa inyo " at pinaandar nya na nga ang auto nya. Wala din akong nagawa. Pumunta kami sa isang Korean Restaurant. Nag-order ng mga trip namin. Iinom sana kami ang kaso, may dinner nga pala. Kaya naman nag-order nalang kami ng Ice Tea para kunwaring alak. Naisipan naman ni Drake na magpicture kami para inisin si Shena. Sumang-ayon naman ako.
Maraming nangyari pagkatapos ng kaguluhan. Una, naging succesful ang operation ni Mama. Pangalawa, nagpa bangs si Mhimoi, bagong buhay daw kasi. Pangatlo, nagkabati na si Shena at Mhimoi. Pang-apat, nagwork out kami ni Drake para lumaki ang katawan nya. At take note, nagkaroon sya ng eight packs. Panglima, naging kasyoso namin sa business ang mga Smith's. Pang-anim, pumunta si Lee Min Ho dito sa Pilipinas para kausapin si Mhimoi. Inamin yon sakin ni Mhimoi, sa araw na rin yon umamin sya na ako na nga daw ang pinakapoging lalaki sa buong mundo, ay mali. Na ako pala ang mahal nya hehe. Pangpito, sabay-sabay kaming nag OJT. Doon din sa araw na yon ako pinuntahan ni Mhimoi, sa office namin. Doon nya inamin ang nararamdaman nya. At ang Pangwalo, nalaman ko na malapit ng matapos ang kwento namin.
[ Author's note: Waaaaa!!! Matatapos na din sya sa wakas! Maraming maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa imagination ko. Wuhooo! Party party. Ay sarreehh, masyado akong nakiepal. Oh Eto na ang kasunod na nangyari haha! ]
* BONUS PART *
Halos kompleto na kami para sa Dinner date ng buong Pamilya. Andito na sila Tito at Tita na magulang nila Mhimoi, mga future parents in law ko. Nasa Spiral Restaurant kami. Dito yon sa Sofitel Philippine Plaza.
" Andito na po sila, Madam. " sabi ng isang gwardya. Napangiti naman ako, sila Vince, Grace at Afisha ang tinutukoy nya. Kakauwi lang ni Afisha galing sa India. Hindi naman nakasama ang Daddy nya dahil sa sobrang hectic daw ng schedule, ganun din ang Mama nya.
" Uy pre! Ang laki na ng tyan ha! " bati ko kay Vince. Oo nga pala, nalimutan ko. Si Grace, ilang months ng buntis. Masaya naman kami para sa baby nila. Sabay-sabay na kaming nagdasal at kumain.
:// the en---
Teka! Nalimutan ko nga palang sabihin. Si Bling, nahire ulit sya bilang isang gwardya------ko.
:// the en---
Teka! Excited naman, meron pa pala. Si Drake............tuli na.
NOW PLAYING: IGNORANCE BY PARAMORE
:// End Of Story ://
- Girllivingtodfullest/ Gltdf
♥ March 26. 2014 ♥
Maraming maraming salamat po! :)
www.girllivingtodfullest.tumblr.com
Para po sa mga pictures nila Mhimoi at Hinston. Pwede nyo pong ivisit ang facebook page ko :D www.facebook.com/girllivingtodfulleststories
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)
Ficção AdolescentePapano kung si BAD boy ay mainlove kay BAD girl ? maiinlove naman kaya si BAD girl ? http://girllivingtodfullest.tumblr.com/ Please watch trailer :)