" Huh? AHAHAHA! Hindi na nila kinakatakutan e no? HAHAHA! Akalain mo yun, naging magkakaibigan pa sila? " kwento ni Vince, mahilig talaga tong magnarrate ng movie. O sige makikigaya na din ako. Tapos na kasi yung movie, e sa credits nung movie meron pang karugtong na movie. Nawala bigla yung ulo ng babae, naglalaro sila ng guess the word, yung ia-act nila tapos huhulaan, kaya ayon. PUGOT ULO ata yung sagot don. E multo na talaga dun yung babae kaya nagagawa nyang ibalik yung ulo nya. Tapos ayon, yung tatlong kaibigan ni Pee Mak na si Maurio e nagulat, si Mario naman e tuwang tuwa sa asawa nya, may anak na din sila. Pero yung anak e multo na din. Namatay kasi yung babae dahil nahirapan sa panganganak. Basta ayon na yung kwento. Inaantok na din ako.. Matutulog na kami at ihahanda ko pa yung higaan namin...ni Mhimoi.
://
Matutulog na kami at ihahanda ko pa yung higaan namin...ni Mhimoi.
" Oh dahan-dahan " sabi ni Mhimoi, tinayo ko na kasi si Shenak, sa totoo lang, parang ang gaan ng loob nya kay Shenak, masdama ko pa nga na kapatid turing nya e.
" Ohh let me guide Shena.. " kinuha naman ni Afisha yung kamay ni Shenak.
" No Afisha, it's okay.. " sabi ko, iniwas ko yung kamay nya sa kamay ni Shenak, nasa gilid lang naman si Mhimoi at yung dalawa naman e nanonood lang.
" I mean, let me guide her, I prefer to sleep on her room" kinuha nya ulit yung kamay ni Shenak
" Are you sure ? " hinayaan ko na syang hawakan yung kamay ni Shenak
" Yes " Nagsimula na silang humakbang, eto talaga hindi pa gumising e. E kung binuhat ko nalang sya, kaso ayaw nyang binubuhat sya, sumasapi sa kanya si Shomba.
" Couz? You really sure huh' ? "
" Yep! " masiglang sagot ni Afisha kay Grace
" E kung ganun naman pala, dito nadin kami ni Hon! " hinatak ni Vince yung bewang ni Grace.
" Huh? e asan naman? " pagtataka ni Grace
" Edi sa guess room. Sige pre, good night! " dumiretso na sila ni Grace sa guess room, at wala man lang talagang paalam. Napatingin naman ako kay Afisha at medyo nakalayo na sila ni Shenak.
" Tara? " sabi ko kay Mhimoi. Nagnod lang naman sya. Nagsimula na kaming maglakad papunta ng kwarto ko. Nang nasa pintuan na kami, sya yung pinauna kong pumasok. Nakapasok na kami at sinara ko na yung pintuan. Binuksan ko yung ilaw
" Dito nalang ako sa lapag " sabi ko habang umuupo sya sa kama
" Malamang, dyan at dyan ka talaga matutulog no! " sabi nya habang humuhiga, ang sungit talaga nito. Pumunta na ko sa cabinet ko at kinuha yung extrang kumot at unan. Dati kasi, nakikitulog din dito si Vince, kaya naman minabuti na ni Mama na may extra ako lagi. Nilatag ko na yung kumot, foam at unan. Tapos pinatay yung ilaw.
" Ganito ka ba matulog? " tanong nya, hindi ko sya makita. Nakahiga na ko e. Pero naramdaman kong gumalaw sya, siguro gumilid.
" Anong ganito ? " seryosong tanong ko
" Ganito, maglalatag tapos hihiga, hindi man lang magshashower o mag totooth brush. May C.R. ka naman sa kwarto nyo at mukha namang mayaman kayo, pero bakit ang dugyot mo? " Bigla akong napatayo sa sinabi nya
"Grabe ka naman! Hindi naman ako dugyot no! Mamaya pa ko magshashower pag tulog kana! Mamaya silipan mo pa ko! " tumayo din sya
"Hoy ang kapal mo ha! Mamaya nga baka rapin mo pa ko e! hmp! " humiga na sya at nagtalukbong ng comforter
"Hoy ! I wouldn't mind taking advantage on you! Yuck! " humiga na din ako at nagtalukbong ng unan sa ulo
" Talaga ! " sigaw nya
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)
Novela JuvenilPapano kung si BAD boy ay mainlove kay BAD girl ? maiinlove naman kaya si BAD girl ? http://girllivingtodfullest.tumblr.com/ Please watch trailer :)