Part 55

735 8 1
                                    

" Kekwento mo sakin lahat ng tungkol kay Bling! " diretso kong sagot, tinignan ko naman yung reaction nya, wala lang. Pang tao pa din.

" Sige .. " 

://

Nagshower muna ako. Dumiretso na ko sa c.r. ko at nagmadaling magsabon at mag tooth brush.

" Hinston! " sigaw nya sakin pagkalabas ko ng c.r.Nakatowel naman ako, hindi lang siguro sya sanay makakita ng abs ng lalaking napakapogi.

" Sorry! " tumakbo na ko papuntang dressing room at nagbihis.

" Pano ba natin sisimulan? " tanong ko sa kanya. Nakaindian seat sya sa higaan nya at katapat naman nya ko na nakaindian seat din.

" Ganito, para masaya. Tutal naman matalino ka sa math at ako naman ay hindi. Tatanungin kita ng Science  " nanlaki naman yung mata ko, Science? May alam ba ko don?

" Bakit ? Magaling kaba sa Science ? " seryosong tanong ko pero nginitian nya lang ako

" Depende, kung mga scientific term e papatay ako, pero kung mga scientist at mga definition of terms, e... kaya ko naman" ngumiti nanaman sya ng parang nananakot

" HAHA, Sige Sige. Ang itatanong mo sakin ay Science at ang itatanong ko naman sa'yo ay Math? Ganon ba yon? " naeexcite tuloy ako.

" Huh? Hindi... tatanungin mo din ako ng Science .. " nakangusong sabi nya

" Huh? E hindi nga ako magaling sa Science.. " nakacross arms na sya

" E basta, dapat tatanungin mo ko ng alam ko! " pasigaw na sabi nya

" Ano? Ang duga naman non, edi panalo kana?! " nakasimangot na sabi ko

" E basta, Science lang, walang Math, walang bwisit na numbers " binaba nya na yung kamay nya.

" Hala? Ang duga naman non.. Lugi ako.. Magaling ka sa Science tapos wala man lang akong alam don. Dapat tatanungin din kita ng wala ka ding alam .. "

"ANO!? Sinasabi mo bang bobo ako sa Math !?! " nilakihan nya ko ng mata. Nagulat ako sa kanya, bigla kasing sumigaw e

" Ha? Hindi ahh.. Ano lang.. ah, masmagaling ka lang talaga sa Science.. ano sige, start na tayo? " arg, napasubo tuloy ako

" Oh sige, ikaw unang magtatanong.. "

" Sige.. " Patay .. anong itatanong ko? Anong oras naba? Matulog nalang kaya ako? Ang lugi naman kasi ng dare namin.. 

" Oy ano na? Hanggang 3 lang ha ! Kung sino makatama ng tatlong beses, sya na yung panalo. Kapag mali, bawas! "

" Ha? Papano kung walang tama? " 

" E di negative! May utang ka sakin! " 

" E? E may utang pa nga ko sayo e! " yung tinutukoy ko ay yung binasag kong limouscine ng pinsan nya, kaya ko namang bayaran yon. Kaso, baka pag binayaran ko e... hindi na kami magkaroon ng koneksyon. Masmaigi ng may utang ako para lagi nya kong sinisingil.

" E di doble na utang mo! Ano ba yan, kala ko ba magaling ka sa Math? " HAHA, ang yabang nito oh, sige nga. Tanungin ko na nga..

" Saan nanggaling ang salitang taxonomy?  "  haha, panalo na ko.

" Ano ba yan! Sabi ko scientist at definition of terms lang e! Bakit may origin kang nalalaman! Wag yan! Change question! " tumingin sya sa gilid nya na nakataas yung kilay at naka cross arms. Ang duga naman nito! Kapag hindi alam e pinapabago yung tanong. Pwede ba yon ?

" Hindi pwede no! Edi negative kana! " pagmamatigas ko. Gusto kong malaman lahat ng tungkol kay Bling, dapat ako manalo!

" Bwisit! Edi negative! Ako na! Sinong nakadiscover ng Vulcanization?! " ay kilala ko yan! Sino nga ba yan? Yan yung tatak ng gulong, ano ba yon? arrgghh... yun! Goodyear! tama si Goodyear!

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon