Part 20

1K 17 1
                                    

"HOYYY ! " Hindi nya na ko nilingon. San naman sya pupunta? Sa pagkakaalam ko, scholar sya ng school nila? Sa kasamaan ng ugali nya, nakuha nya pang maging scholar? Mayaman naman sila, para saan naman yung pagiging scholar nya? Tsk!

://

"Ano kayang pwedeng gawin ? " naglalakad ako ngayon sa freedom park, wala e. Tinatamad akong pasukan yung prof namin. Asan kaya yung asungot kong kapatid? Baka binubully nanaman yon. Nako naman, sa totoo lang, kaya naman naming ipapatay yung mga nangbubully sa kanya, yun nga lang masyado syang mahina, baka daw multuhin sya. Ayaw nya naman sabihin kila Mama't Papa dahil daw baka mag-iskandalo sila, so ako nalang yung kinausap nya. Lilipat ako sa school nila kapalit ng serbisyo nya, gagawin nya lahat ng ipapagawa ko at ang kapalit naman non, ipagtatanggol ko sya. Simple as basic

"Hoy payat ! " sino yon ? napalingon ako sa sumigaw

"Hoy ! pipe ! magsalita ka nga ! " ano ba yon ha ? tinignan ko, ang ingay e !

"Layuan nyo nga ko ! " natumba yung matabang kaaway ni Drake, huh ? teka, alalay ko yun ah! Ay hindi. Kapatid ko pala

"Sorry sorry, kasi naman " tinayo ni Drake yung kaaway nya, dalawa yung kaaway nya e. Lumapit na ko, para naman may magawa ako ngayong araw. Boring e

"Dun ka ! " tinulak bigla nung mataba si Drake, aba..Hindi ba alam nitong matabang to na ako lang ang pwedeng mangbully sa payatot na alalay kong yan. Hala sige, papatikman kita ng putik.

"HOY TABACHOY AT LOLLIPOP! " napatingin sila sakin, pati si Drake, ngumiti naman bigla si Drake na parang nailigtas ng pinaka na pinaka na pinakang magandang sobra sobrang pinaka na super hero, at matic na yon , thank you ! nabasa ko yung nasa isip mo. Okay let's start the World War 3!

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon