Gwapo. Matalino. Mabait. Makulit. Ilan lang yan sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya.
Mabilis kaming naging close. Naging madalas ang aming pagkukulitan. Naalala ko kagabi, lumabas ako sa quarters para magpalamig nang bigla siyang lumapit sakin.Ang dami naming napag usapan ng gabing iyon. Nagkwentuhan kami ng matagal. Ang sarap sa pakiramdam.
Gusto niya rin kaya ako? Sana. Kasi feeling ko siya na yung perfect guy para sa akin.
Dahil tapos na ang awarding, bumalik na kami sa kanya kanya naming quarters. Habang inaayos ko ang gamit ko, kinalabit ako ng kasamahan ko at inutusang tumingin sa pintuan.
Sa may pintuan, nakatayo siya. Ang lalaking gusto ko. May hawak siyang mga bulaklak. Nakangiti siya sa akin. Lumapit siya at sinabing.....
"April.... I... I like you... Can I court you?"
-SiyaNaghiyawan ang aming mga kasamahan pero pansin kong nagulat sila nang makitang hindi ako nakangiti.
Matagal kong inintay ang scenario na ito. Gusto ko siya. Nasa kanya na lahat ng mga kagustuhan ko sa isang lalaki. Ngunit ngayong nangyari na, bakit iba yung naramdaman ko?
Akala niyo magiging masaya ako noh? Akala ko rin eh.
Hindi ko na tinanggap yung flowers na hawak niya, lumabas nalang ako sa classroom at nagmadaling makalayo.
May mga bagay talaga na mahirap intindihin, isa na dun yung feelings ko. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman basta sa mga oras na to, gusto kong lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Curse of her own feelings
Подростковая литератураPaano kung sarili mong feelings tinatraydor ka? Paano kung mahal mo siya ngayon pero bukas gusto mo na siyang mawala? Paano kung yung mga bagay na pinapangarap mo eh hindi mo naman pala talaga gustong mangyari? Paano ka magmamahal kung alam mong mal...