Pinagpupunit ko yung mga papel sa basurahan ko dito sa kwarto habang iniisip kung anong masamang espiritu ang pumasok sa akin at biglang naging ganun ang takbo ng isip ko?
Ginamitan ba ko ng amuyag? Oo amuyag, reversed ng gayuma. Pampawala ng feelings. Haay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko pa kayang kausapin si sandro kahit sobrang nakokonsensya na ko sa ginawa ko. Pinahiya ko ba naman siya.
Naisip kong sulatan nalang siya kasi naiilang talaga ako sa kanya.
Eto yung nilalaman ng sulat na ginawa ko:
Dear Sandro,
Sobrang nahihiya ako sa'yo. Sorry kung napahiya ka dahil sa akin. Sorry kung ganun yung inasal ko. Aaminin ko sa'yo, gusto na kita simula pa nung DSPC. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ganoon yung naramdaman ko nung binigyan mo ko ng flowers...... Sorry sandro. Sobrang naiilang na ko sa iyo ngayon pero wag mong sisihin yung sarili mo, kasalanan ko to. Kasalanan to ng utak ko. Hindi ako nababagay sayo. Gwapo ka naman, mabait pa at matalino, I'm sure marami pang ibang babae diyan na magkakagusto sa'yo. I don't even need to say sorry because I'm doing you a favor. You can meet numerous girls in the future that are prettier, and a lot better than me. Thank you, Sandro for being a good friend.
-AprilPaano ko kaya ito ibibigay sa kanya? Ahh ipapadaan ko nalang kay Clarence. (Sports writer din siya sa Don Enrique, binanggit siya sa chapter 2, 4th place siya sa DSPC)
-Calling Clarence-
"Clarence, hello"
-me"Napatawag ka April"
-C"uhm... Pwede ba tayong mag meet? May ipapaabot lang sana akong letter para kay Sandro"
-me"mmm.... Bakit hindi mo nalang sa kanya iabot?"
-C"Hindi pwede eh... Kasi... Naiilang ako... Hindi ko siya kayang kausapin"
-me"Hala. So ganun nalang yun? Hindi mo na siya kakausapin kahit kailan matapos ang lahat?"
-C"Ang hirap kasi Clarence eh...."
-me"Kung ako sa'yo, kausapin mo siya ng personal. Ang rude naman kasi para sa kanya kung yung last message mo eh letter lang. Diba close friends naman kayo? Sayang yung napagsamahan niyo. Kahit closure lang naman sana. Last naman na yan eh kaya harapin mo na yung kinakatakutan mo. Hindi ka naman kakainin ni Sandro. Haha"
-C"..........."
-me"Sabagay clarence, may point ka. Sige kakausapin ko siya."
-me"better"
-C"Thank you Clars ah"
-me"No prob apes"
-C"Hahaha bye"
-me"bye"
-C-Call ended-
Haaaaay. Tama si Clarence. Kaso, paano? Bahala na. Once in a lifetime lang naman to. Pagkatapos nito, wala na kong problema.
Si Sandro naman yung tinawagan ko.
-Calling Sandro-
"Hello... San...dro.."
-me"Hello, tito to ni sandro, naiwan ng pamangkin ko yung phone niya dito sa bahay. Hindi niya na to mababalikan. Gusto mo ibigay ko nalang sa'yo yung roaming number niya?"
-TRoaming number? Wait scam ba to? Yung kunwari may kamag anak daw sa ibang bansa tapos hihingi ng load? Hala mukhang nakuha ng scammer yung phone ni sandro!!!!!
"hija, anjan ka pa ba"
-T"Ahh... Wait po kuya, roaming number???"
-me"Ahh oo hija. Oo nga pala onti lang ang nakakaalam kasi biglaan. Nasa California si Sandro ngayon at ang papa niya kasi inaayos na ni sandro yung admission papers niya para sa California Institute of Technology, dun siya mag aaral ng college"
-tOmg! Ang sosyal naman ni Sandro. Akala ko sa Signum siya mag aaral.
"Babalik pa po ba siya dito? Paano po yung NSPC tsaka yung National MTAP Metrobank Quiz Show?"
-me"Babalik pa siya kasi nag aayos palang naman siya ng admission requirements. Sa may ata ang balik niya."
-t"Ahh sige po. Thank you very much po. Pakitext nalang po sa akin yung roaming number niya."
-me"Okay"
-t"babye po"
-me"bye"
-t-Call ended-
Haaaaay. May, eh february palang ngayon. Mukhang magbibigay nalang talaga ako ng letter. ASAP kasi ito dapat eh. Mas lalo akong nahiya nung nalaman ko na sa CIT siya mag aaral. Wala akong karapatang i-reject siya. Isa lang naman akong hamak na buwan sa kalendaryo, charot! Itetext ko nalang sa kanya yung letter. Nasa america naman siya ngayon, maraming magaganda dun. Tama. Tama lang na nireject ko siya. Hahahahaahaha
Message sent!
I feel relieved.One day na ang nakalipas at hindi parin siya nagrereply. Nabasa niya kaya? Tatawagan ko siya. Tatanungin ko lang kung nabasa na niya tapos bye bye na.
-Calling Sandro-
"Hello, Sandro"
-me"Napatawag ka April"
-sBakit ang kalmado niya? Parang walang nagyari.
"Ahh.... Tatanong ko lang sana kung.... Nabasa mo yung text ko.."
-me"Ahh oo nabasa ko na kahapon pa."
-s"Okay. Thanks"
-me"no prob"
-s-call ended-
Bakit ganun? Hindi manlang siya nagreact? Parang okay lang sa kanya? Pero actually okay sakin yun kasi at least hindi ko na siya nakausap ng matagal kasi nga naiilang na ko sa kanya. Pero nakakapagtaka lang, di kaya nagpanggap lang siyang may gusto sakin? Kasi parang wala lang sa kanya. Oh baka galit siya sakin? Haaaaaay. Ewan ko na. Magkakalimutan din naman kami. Bye bye Sandro.
--------------------
I let go a perfect guy who likes me back and I hate myself for that.
BINABASA MO ANG
Curse of her own feelings
Novela JuvenilPaano kung sarili mong feelings tinatraydor ka? Paano kung mahal mo siya ngayon pero bukas gusto mo na siyang mawala? Paano kung yung mga bagay na pinapangarap mo eh hindi mo naman pala talaga gustong mangyari? Paano ka magmamahal kung alam mong mal...