April's POV
RSPC NAAAAAAAAA!!!!
Katabi ko ngayon si Aina sa bus. On the way na kami sa Baguio, doon kasi ang venue ng RSPC. Sobrang excited na ko! Bukas na ko kakabahan kapag contest na haha buti second day pa ang sports writing.By category parin ang arrangement ng quarters kaya kasama ko parin sina Ara, Jake, uhm Sandro at iba pa.
Sepak takraw yung ikinover naming sport at ginawan ng article. Sa ngayon, hindi ko na masiyadong hinihiling ang makapasok sa NSPC. Masaya na ko na narating ko ang RSPC.
Fast forward. 5th place ako kaya hindi ako qualified sa NSPC. Pero masaya narin ako at least nanalo. Ang dami kaya naming magkakalaban. Si Sandro ang galing niya talaga. Second place siya kaya mag e-NSPC pa siya. Sayang hindi ko siya nacongratulate kanina kasi sumakit yung tiyan ko. Mamaya nalang sa quarters.
Habang nakasakay sa tricycle na maghahatid sakin sa school na pinag-i-stay-an namin, nag isip isip ako.
Gwapo. Matalino. Mabait. Makulit. Ilan lang yan sa mga katangian na nagustuhan ko kay Sandro.
Mabilis kaming naging close. Naging madalas ang aming pagkukulitan. Naalala ko kagabi, lumabas ako sa quarters para magpalamig nang bigla siyang lumapit sakin.Ang dami naming napag usapan ng gabing iyon. Nagkwentuhan kami ng matagal. Ang sarap sa pakiramdam.
Gusto niya rin kaya ako? Sana. Kasi feeling ko siya na yung perfect guy para sa akin.
Nakabalik na ko sa quarters namin. Habang inaayos ko ang gamit ko, kinalabit ako ni Ara at inutusang tumingin sa pintuan.
Sa may pintuan, nakatayo siya. Si Sandro. May hawak siyang mga bulaklak. Nakangiti siya sa akin. Lumapit siya at sinabing.....
"April.... I like you... Can I court you?"
-SiyaNaghiyawan ang aming mga kasamahan pero pansin kong nagulat sila nang makitang hindi ako nakangiti.
Matagal kong inintay ang scenario na ito. Gusto ko siya. Nasa kanya na lahat ng mga kagustuhan ko sa isang lalaki. Ngunit ngayong nangyari na, bakit iba yung naramdaman ko?
Akala niyo magiging masaya ako noh? Akala ko rin eh.
Hindi ko na tinanggap yung flowers na hawak niya, lumabas nalang ako sa classroom at nagmadaling makalayo.
May mga bagay talaga na mahirap intindihin, isa na dun yung feelings ko. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman basta sa mga oras na to, gusto kong lumayo sa kanya.
-------------------
It's just a while ago when I wished he like me too; but, suddenly and unexpectedly, my feelings changed.
BINABASA MO ANG
Curse of her own feelings
Подростковая литератураPaano kung sarili mong feelings tinatraydor ka? Paano kung mahal mo siya ngayon pero bukas gusto mo na siyang mawala? Paano kung yung mga bagay na pinapangarap mo eh hindi mo naman pala talaga gustong mangyari? Paano ka magmamahal kung alam mong mal...