Chapter 9b: Joshel

34 1 1
                                    

April's POV

Haaaay. Pasaway talaga itong si Monette. Wala na kong nagawa.

Umalis na yung guy.

"Net naman. Wag mo ibibigay number ko dun ah."
-me

"Hmm.... Pag iisipan ko."
-mo

Nakakainis talaga hahahaha

"Tara uwi na tayo."
-me

"Wag muna. Minsan na nga lang tayo magkita. Lubusin na natin to habang hindi pa tayo ganun ka busy sa acads."
-c

"Oo nga, tara Padis tayo."
-mo

Hindi na ko umangal. Wala naman akong magagawa sa dalawang to.

"Haaay. Bahala kayo."
-a

Pagdating namin sa Padis andun nanaman yung tatlong guy. Sinusundan ba nila kami? Inaya ako nila monette at czerina na sumayaw pero di ako pumayag. Ano nangyari sa dalawang to? Biglang naging party girls.

Mamaya nakita ko kasama na nilang sumayaw yung tatlong guy kanina. Haaaay. Nag twitter nalang ako at kumain.

"Hello"

Hays. Yung naka blue na polo.

"Hi"

Malamig kong bati.

"I'm Joshel."

Haaay ayokong makipagkilala at sabihin ang name ko sa breezy boy na ito pero ayoko namang maging rude.

"I'm April."

"I heard na ayaw mong ibigay yung number mo. Wag kang mag alala hindi kita pipilitin. Hindi ko na hihingin kay Martin. Hahahaha"
-j

Okay naman pala siya.

"Salamat"
-me

"Saan ka nag aaral?"
-j

"LdMU"
-me

"Ahh. Anong year and course mo?"
-j

"1st year, BS Medical Instrumention. Ikaw?"
-me

"Ahh. Nice! Ako Business Management sa NUP."
-j

"Ay wehhhh???! Schoolmate mo pala silang dalawa."

-Sabay turo ko dun sa dalawang bruha na mukhang baliw kasasayaw.

"Talaga? Nice. Anong course nila?"
-j

"Broad Comm sila pareho.
-a

"Ohh. Yun din sana ang course na gusto ko kaso kailangan namin ng magmamanage ng business namin pag wala na si daddy kaya napilitan akong mag business."
-j

Grabe. Ang sad naman.

"I'm sorry to hear that. Pero pwede ka namang mag apply bilang Junior Reporter sa GRP. Alam ko tumatanggap sila kahit hindi comm major eh."
-me, Actually balak ko din mag apply dun.

"Oh yes. Actually balak ko talaga yan. Kaya nga nag apply ako sa student publication ng NUP para may advantage ako pag nag apply ako dun."
-j

"Wow! Same tayo haha nag apply din ako as sports writer naman sa The Licean."

Ayun. Okay naman siyang kausap at mukang mabait kaya napasarap yung kwentuhan namin. In the end, binigay ko rin number ko. Hahahaha

10pm na kaya sapilitan ko nang hinila yung dalawa baka mamaya malasing pa. Grabe first time nilang uminom ngayon. Bwisit yung dalawang guy na yun, sina Martin at JP.

Dahil sa traffic, 11:00 na ko nakauwi sa bahay. Nakita ko si Heaven na gising pa at gumagawa ng homeworks sa sala.

"Good eve Heavs."
-me

"Uy, hello Aprice. Ginabi ka na ah"
-h

"Oo nga eh. Pasaway kasi yung mga best friends ko. Wait.... Aprice?"
-me

"Hahahaha diba April Beatrice ka? Edi Aprice."
-h

"Hahahahahahahahaha"
-me

"Bakit ka natatawa?"
-h

"Parang ipis naman bhe."
-me

"Hahahahahahaha oo nga noh. Okay lang yan. I love inventing weird nicknames talaga eh."
-h

Hindi na ko masiyadong nakipagkwentuhan kay Heaven kasi halata namang busy siya. Grabe hindi ata ako matutulog ngayon kasi gagawa pa ko ng homeworks. Pero okay lang kasi nag enjoy din naman ako kasama yung dalawa kong bruhang best friends.

2am na ko natapos sa homeworks ko. Chineck ko muna phone ko bago matulog.

-1 new message-

Hi April :) This is Joshel :)

-Sender: Unknown-

Sinave ko na yung number niya. Hindi na ko nagreply kasi baka mapahaba pa usapan namin, kailangan ko nang matulog. Bukas nalang to.

Curse of her own feelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon