Chapter 6: College here we go!

46 1 1
                                    

Ito ang araw na matagal kong inintay at ng mga tao sa paligid ko. Bumangon na agad ako sa kama ko at naligo. Pagkatapos kong kumain ng breakfast, inayusan na ko ng tita ko. Kinulot niya ko tapos nilagyan ng simpleng make up. Eye brows, eye liner na sa gilid lang, light lipstick at liquid foundation lang ang nilagay niya sa akin.

Pagkadating sa school, sinuot ko na ang light pink na toga. Oo, light pink talaga. Sa mga lalaki naman, royal blue.

Nakita ko na ang mga classmates ko.

"Wow april ang ganda mo ngayon ah."
-Aina

"Maganda naman talaga ako."
-me

Sabay tumawa kami.

"Monetteeeeee! Czerinaaaaa! Huhu pag college na tayo walang iwanan ah. Dapat may communication parin tayo."
-April

Nga pala, best friend ko si Monette. May isa pa kaming friend, si Czerina Mayumi. Mapapahiwalay ako sa kanilang dalawa. Sa National University of the Philippines kasi sila mag-aaral, ako naman sa Liceo de Manila University. Tapos pareho pa sila ng course, BA Broadcast Communication. Haaay.

"Kakalimutan ka na namin, magkasama kami ng school ikaw lang nakahiwalay! LdMU pa more!"
-Czerina sabay hagalpak sa tawa.

"Oo nga hahahahaah araw araw magtitweet kami ng picture namin, iinggitin ka namin."
-M

"Grabe kayo!"
-Ako sabay pout

Tapos nagtawanan kami at nagkwentuhan tungkol sa nakaraan habang hinihintay na magsimula ang graduation.

Salutatorian nga pala ako. Si Czerina ang valedictorian tapos si Monette, 3rd honorable mention. Pero sa aming tatlo, si monette yung pinaka active sa mga extra curricular, siya din yung SSG President ng school namin.

Sa academics, top 1 ako. Pero mas maraming extra curricular points sakin si Czerina kaya siya yung naging valedictorian.

Nag apply ako ng scholarship sa LdMU at nakakuha ng 50% scholarship kaya makakapag aral ako dun. BS Medical Instrumentation yung kinuha kong course.

Sa wakas nagsimula din ang graduation, maya maya tinawag na ko para i-address yung speech ko.

"To welcome the guests and graduates, let's call on, April Beatrice Montejo"

Umakyat na ko sa stage. Grabe sobrang kinakabahan ako. Ang dami namin sa batch, 1.6k kami lahat.

"A pleasant morning for each and everyone of us. I want to start this speech by saying thank you to all of the people who helped me reach this triumph. First of all, thank you Lord, this is all for you. Thanks to my family, specially to my mom for the endless support and attention. To my friends who made my highschool life colorful and unforgettable. Monette, Czerina, and to my other classmates, thank you. Last, but definitely not the least, I want to give my sincerest gratitude to all my teachers. Thank you for your endeavor. You have the biggest contribution for all the knowledge we gained in four years. For those people I forgot to mention, you all know who you are, thank you.

............................."

Pagkatapos ng aking speech, bumalik na ko sa aking upuan.

Maya maya pinatugtog na yung graduation song namin, At the Beginning. Nag iiyakan na yung iba kong classmates pero ako hindi, lamang kasi sa akin yung excitement. Gusto ko nang maging college. Mamimiss ko rin naman sila pero ayokong damdamin masiyado. Kasi I know may mas magandang door na handa nang magpapasok sa akin.

--------------------
Isang linggo na ang nakalipas matapos yung graduation ko. Matagal din pala akong tengga dito sa bahay, sa august pa kasi yung pasukan eh April palang. April. April. Haaay. My birth month. Pero sabi nila enjoy-in ko na daw to kasi trisem sa LdMU kaya hindi na ko magkakaroon ng matagal na bakasyon.

Nagsisearch ako ngayon dito sa google ng mga dormitories malapit sa LdMU. Malayo kasi ang Maranon sa Manila kaya kailangan ko talagang mag dorm. Nakaka excite na nakakakaba.

Tapos nagsearch narin ako ng mga freshman survival guides at mga orgs na pwede kong salihan. Nagbasa basa rin ako sa Liceo de Manila Secret Files para magkaroon ng onting idea kung ano ba ang mga nangyayari dun sa LdMU. Sobrang na-e-excite na talaga ako.

August din ang pasukan nung dalawa kong lokaret na kaibigan. One week bago yung pasukan, nagshopping kami nina Czerina at Monette sa SM Maranon para bumili ng mga damit at magbago ng look. College na kaya change change din! Hahahaha.

Nagpagupit ako ng shoulder length tapos pinawavy ko sa baba. Nagpa highlights din ako na light brown. Bumili ako ng eye brows sa etude house at lip balm. Odiba nagdadalaga na ang lola niyo.

--------------------
College here we go!

Curse of her own feelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon