Ang saya talaga kapag nasa isang sasakyan ka kasama yung mga classmates mo noh. Parang ang sarap magkwentuhan. Kasalukuyan akong nakasakay sa isang van kasama ang mga classmates ko papunta sa isang contest na pinangalanang Division Schools Press Conference. Karamihan kasi ng panlaban ng school namin ay classmate ko dahil nasa star section ako.Pero bago ako magpatuloy dito, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si April Beatrice Montejo. Haaay. Ang haba ng name ko no. April ang tawag sa akin ng halos lahat ng kakilala ko.
Ayan sa wakas naka arrive narin kami sa Don Enrique Malapastanganan Memorial High School. Doon kasi ang venue ng patimpalak. Pagkababa namin, nagpaalam muna ako sa adviser ko na mag c-CR lang ako ang sabi nila puntahan ko nalang sila sa canteen. Hindi ko naman alam kung saan yung canteen pero okay lang kasi madali lang naman magtanong.
"Ingat ka ah mananalo ka pa"
-Ms Mariece, siya yung adviser namin sa journ."Hala mam sana po"
-AkoNgumiti lang siya at pagkatapos dumiretso na ko sa CR.
Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin, lumabas na ko at nagsimulang mag tingin tingin kung sino ba ang pwede kong tanungin.
May nakita akong guy, hoy hindi ako malandi ah sadyang siya lang yung pinakamalapit sa sight ko na sa palagay ko eh hindi awkward tanungin since nakaupo lang siya.
"Kuya saan po ba yung canteen dito?"
-AkoNgumiti siya bago nagsalita.
"Dirediretso ka lang jan, pag may nakita kang garden pasok ka dun sa garden tapos dirediretso lang, paglabas mo sa garden nasa tapat lang nun yung canteen."
-Siya"Ah sige thank you ah"
-Ako"No worries"
-SiyaSinunod ko yung sinabi niya. Nung nasa garden na ko, napansin ko na walang katao tao sa lugar na yun. Tahimik at medyo nakakatakot. Hindi lang medyo!! Dahil duwag ako mas pinili ko na lumabas dun sa garden since onti palang naman yung nalalakad ko. Sobrang kabado ako nun. Paranoid kasi ako at sobrang lala ng imagination ko. First time ko pa naman sa school na ito sa malay ko ba kung may multo dun huhu.
Medyo hinihingal ako nung nakalabas ako sa garden tapos may guy na nakakita sakin. Lumapit siya sakin.
"Uy bakit ba tumakbo? May humabol ba sayo na multo"
-SiyaTinignan ko lang siya na parang nagtataka.
"Sus kunware ka pa eh takot ka sa multo no?"
-Siya"Huh? Anong takot sa multo? Baka ikaw. Hindi ako duwag no"
-Ako"Talaga lang ah."
-SiyaAkmang aalis na siya nang bigla ko siyang pigilan.
"Wala na bang ibang daan papunta sa school canteen niyo bukod sa pagdaan dito sa garden"
-Ako"Wala na eh yan lang talaga."
-Siya"Ahh"
-Ako, sabay tingin sa garden"Natatakot ka ba?"
-Siya"Hindi noh! Medyo hindi lang ako comfy kasi madamo pero kaya ko dumaan jan mag isa"
-Ako"Okay"
-SiyaUmalis na siya at nakita kong umupo siya sa isang bench malapit.
"Kaya ko to"
Pumasok na ko sa garden. Shet sobrang nakakatakot talaga huhu pero hindi ko talaga kayang kainin yung pride ko eh at isa pa kung magpapasama ako sa lalaking yun nakakatakot din mamaya rapist pala yun hays.
Bigla akong nakakita ng palaka. Shet takot ako sa palaka. At yung atmosphere nakakatakot talaga huhu mahaba pala itong garden na to. Kaya naman wala pa ko narating ko kanina, bumalik na ko at nagdesisyon na magpasama dun sa lalaking yun. Since nakausap ko na siya, hindi na ko masiyadong mahihiya.
"Oh ano, bakit bumalik ka ulit?"
-Siya habang ngiting ngitiAba narealize ko na shet gwapo siya. Double purpose na itu.
"Oo na takot na ko. Pasama please"
-Ako"HAHAHAAHAHAHAHAH"
-siyaSinimangutan ko lang siya.
"Ohsige tara na"
"Kasali ka ba sa dspc?"
-Siya"Oo"
-Ako"Nice. Ako rin eh"
-Siya"Talaga???? Anong category mo?"
-Ako"Sports writing"
-siya"omg pareho tayo"
-Ako"Oh talaga? Filipino ako"
-siya"Hindi pala tayo magkalaban. English ako eh"
-AkoHindi na masiyadong nagtagal ang usapan namin dahil nakarating na kami sa tapat ng canteen.
"Uy salamat ah, sorry sa abala"
-Ako"No problem. Matulungin talaga ako sa mga bata"
-SiyaInirapan ko siya.
"Hahahahahaha"
-Siya"by the way, ano name mo"
-Ako"Sandro"
-Siya"Nice to meet you sandro, see u later sa contest"
-Ako"Nice to meet you----?"
-Siya"April"
-Ako"Okay, see u"
-SiyaUmaga palang nun kaya nauna muna yung contest para sa ibang categories. Pagdating ng 1pm, pinapunta na lahat ng sports writers sa gym para panoorin yung icocover namin.
Kasama ko si Monette Ocampo. Siya yung sports writer naman ng school namin sa Filipino.
"April April!"
-Monette"Oh?"
-me"Tignan mo yung guy na nasa side na yun, yung naka uniform na pang Enrique. Ang gwapo."
-mo"Saan...... AH"
-me"Bakit? Kilala mo siya?"
-mo"Oo, nagpasama ako sa kaniya kanina kasi natatakot ako dumaan sa garden"
-me"HA? WEH? WAIT? So magkakilala kayo? At anong garden? Omg nag date kayo sa garden?????"
-mo"Ha? Ano ka ba? Grabe to kung anu-ano agad inisip. Oo magkakilala kami. Kanina lang."
-me"Ano name niya?"
-mo"Sandro"
-me"So ano yung garden na sinasabi mo?"
-mo"Yung garden na madadaanan bago makarating sa canteen. Diba kanina di ako sumabay sa inyo kasi nag CR ako. Yun lang kasi yung daan. Eh ang creepy kaya nagpasama ako."
-me"Wow ang haba ng pubic hair ni ate. Talagang sa gwapo pa nagpasama!"
-mo"Well"
-me"Pero kunwari ka pa, hindi lang kaya yun ang daan. Pwede ring doon sa may estrada bldg."
-mo"WEHH???? BAKIT SABI NIYA SAKIN DUN LANG ANG DAAN?"
-mo"OMG!!! Di kaya dahil gusto ka niya talagang samahan??? Crush ka niya ganern??"
-mo"Baliw! Grabe imagination nito. Kakameet lang namin kaya kanina."
-me"Pwede naman yun ah! Love at first sight"
-mo"hala haha wag na nga tayo mag assume baka di lang talaga niya alam"
-me"Hindi alam? Dito kaya siya nag aaral"
-mo"Ay basta bahala na kokomprontahin ko nalang siya tungkol dito."
-meTinawag na kami ng contest person dahil magsisimula na yung game kaya naudlot yung kwentuhan namin ni monette.
--------
This is how it began.
BINABASA MO ANG
Curse of her own feelings
Подростковая литератураPaano kung sarili mong feelings tinatraydor ka? Paano kung mahal mo siya ngayon pero bukas gusto mo na siyang mawala? Paano kung yung mga bagay na pinapangarap mo eh hindi mo naman pala talaga gustong mangyari? Paano ka magmamahal kung alam mong mal...