Chapter 10: Landi mode on

35 1 0
                                    

~I'm not surprised
Not everything lasts
I've broken my heart so many times
I stopped keeping track~

Tunog ng alarm ko. Gumising na ko kahit antok na antok pa ko. Four and a half hours lang tulog ko ngayon dahil 2am na ko natapos sa mga homeworks ko kagabi.

Ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, inayos ko na yung mga gamit ko. Hindi ko na naayos kagabi kasi nakatulog agad ako.

Lumabas na ko ng bahay.

WAIT.... BAKIT MADILIM PA???
7am.... Na.... Ano to.... Wait...
Chineck ko yung phone ko.
7am nga... Pero bakit ganito?

Nag online ako para mag tanong kahit kanino kung anong oras na. Sakto online si Aina. (Yung EIC namin nung HS)

Me: Ainaaaaaaaaa

Aina: Uy, April :))

Me: Anong oras na?????

Aina: 4:08

Me: Ah. Okay thanks :))

OMYGHAD. So ibig sabihin 3am ako nagising? Wth ano ba yan wala na nga kong oras matulog tapos ganito pa yung nangyari. Bakit mali yung oras ng phone ko????

Flashback

Nakaka bother naman. 1am na gising parin ako. Parang ang sakit lang. Wait i-advance ko nga ng three hours para naman di ko masiyadong feel na nagpupuyat ako.

Ayan better, maniniwala nalang ako na 10pm palang.

-End of flashback-

Napa face palm ako. Haaay. Di ko pala naayos bago ako matulog. Jusko naman April. Ano nang gagawin ko?

Pero medyo nabunutan narin ako ng tinik kasi inisip ko baka gabi na pala ako nagising tapos hindi ako nakapasok.

Hindi na ko makakatulog nito kasi naligo na ko. Nagbasa basa nalang ako ng books ko dito.

I-text ko kaya si Joshel? Tutal may time ako ngayon. Gising na kaya yun?

To Joshel Salvador:

Good morning?

Message sent!

Joshel: Aga magising ah :)
Me: May nangyari lang hahaha
Joshel: Ano?
Me: (Kinwento ko yung nangyari)
Joshel: HAHAHAHA Oh my god April. You're so cute.
Me: Cute????!!! Mygahd
Joshel: Yes hahaha okay lang yan babe.

Babe? Sige na nga patulan ko na kalandian nito.

Me: Thank you babe hahaha
Joshel: Omg you called me babe hihi
Me: Siyempre naman babe

Wait baka umasa to? Waaaa

Joshel: I love you babe

Hays mga lalaki talaga. Ganun lang kadali sa kanila na manglandi ng babae. Hindi manlang nila iniisip yung mafifeel namin? Paano kung seryosohin ko to tapos umasa ako diba? Buti hindi ako ganun. Sorry Joshel, sanay na ko sa ganyan.

Me: I love you too :*
Joshel: Sweet naman ng babe ko.
Me: Anything for u babe

Akala siguro niya inosente ako? Kasi good girl ako? Well, he's wrong. Ilang beses na ko naka encounter ng ganyan kaya sanay na ko.

Nagtext lang kami ng nagtext ni Joshel tungkol sa kung anu-anong mga bagay habang naglalandian. Nang pumatak ang ala siete, nagpaalam na ko para pumasok.

Pumunta na ko sa classroom namin for Philosophy. Pagpasok ko nagulat ako kasi hindi ko classmates yung mga nakita ko. Tumingin sila sa akin. Mga 4 seconds ko silang tinitigan bago ko isara ang pinto na parang walang nangyari. Saka ko naalala na tuesday pala ngayon at hindi Philo ang first subject ko. Haaaaay. Ganito ba ang nagagawa ng puyat?

Curse of her own feelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon