[A/N: May mga iniba pala ako sa first chapters. Yung full name ni April ginawa ko nang April Beatrice Montejo tapos tinanggal ko na yung mga realistic part para fictional lang lahat. Liceo de Manila University na yung school ni April, National University of the Philippines yung kina monette at czerina, tapos signum yung unang school na gustong pasukan ni Sandro. Sorry sa abala hahaha.]
Magkahalong kaba, excitement, tuwa, pagkabahala, pagtatae haha charot, basta mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon kasi first day of school na! Naglalakad na ko ngayon papuntang LdMU. Buti nalang may kamag anak kami na nakatira malapit lang sa LdMU na nagdesisyon na lumipat sa probinsya kaya doon nalang ako nakitira. Magastos din kasi magrent ng dorm. Kasama ko yung pinsan ko kasi hindi siya sumama sa family niya para makapag aral dito sa manila. Heavenleigh Martinez ang pangalan niya. BS Psychology yung course niya sa Signum. Malapit din kasi itong LdMU sa Signum.
[A/N: Kung binabasa niyo yung Her Sixth Sense: Precognition, kilala niyo si Heavenleigh. Siya yung bidang babae dun haha ang writer nun ay si NotSoPretty_Me, mah soul sister and pakner in crime hahaha. Try niyo rin basahin, yung mga mahilig diyan sa science fiction, maganda yun.]
Pagkadating ko sa classroom, nakita ko si Annika kaya doon ako umupo sa tabi niya. Kakilala ko na siya kasi nagkaroon kami ng freshmen orientation one week bago magpasukan. Siya yung una kong naging ka-close, Si Annika Villafuerte. Sound rich? Cause she is. Business tycoon yung parents niya pero hindi niya sinabi sa amin kung ano yung business nila. Siguro ayaw niyang isipin ko na nagyayabang siya. Though, hindi ko naman iisipin yun. Ang bait niya kaya tapos ang humble pa at hindi maarte.
Maya maya, dumating naman si Isabel. Isabel Garcia. Bali, tatlo kaming naging friends nung freshmen orientation. Naalala ko tuloy sina Monette at Czerina. Nakahanap na kaya sila ng kapalit ko? Huhu. Going back to Isabel, probinsyana din siya kagaya ko at hindi rin mayaman, may kaya lang. Full scholar siya.
Philosophy yung una naming subject. Dahil first day palang ng klase, orientation palang ang naganap. Tapos pinabili kami nung book na Exploring the Philosophical Terrain. Hindi naman required pero recommended kasi maganda daw talaga yung book na yun.
Sa Algebra naman nag lesson agad kasi marami daw topics. Tinuro na sa amin yung real numbers and its properties tapos onting segway sa next topic.
After two subjects, lunch break na namin. (two hours kasi per subject)
Pumunta kami sa cafeteria para bumili ng foods. Naghiwahiwalay kaming tatlo kasi malaki yung cafeteria kaya maraming pagpipilian. Dali dali akong lumapit sa isang stall nang makita kong pizza yung tinitinda doon. Pizza is life. Kaso nung papalapit na ko, biglang sumakit yung tiyan ko nang sobra as in kaya nag CR muna ako.
May nakita akong babae na umiiyak pero hindi ko muna siya pinansin kasi ang sakit talaga. Pero wala namang lumabas na jerbaks. Bakit kaya? So lumabas nalang ako sa cubicle after 2 minutes. Tapos andun parin yung girl na umiiyak. Nakaka curious naman, kaso ayoko naman siyang kausapin dahil hindi naman kami close baka masabihan pa akong chismosa. Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa akin.
"Sorry"
-sabi ko. Bakit ko pa ba kasi tinignan."It's Okay. Nakakainis, bakit pa kasi ako nagkaroon ng ganitong sumpa."
-siya"Sumpa?"
Lumapit ako sa kanya kasi na feel ko na okay lang sa kanya."Oo, lithromantic kasi ako."
-s"Ha? Ano yun? Btw ako nga pala si April."
"Bettina"
Naalala ko sina Annika at Isabel. Baka hinanap na ko nung mga yun. Wala na tuloy akong kasabay mag lunch. Pero okay lang nakaka curious kasi talaga tong babaeng to eh.
"Ano yung lithromantic?"
-me"Hmm... Ganito yun... Ilang beses na tong nangyayari sa akin. Yung mga lalaking nagugustuhan ko, once na magtangka na silang manligaw sakin, bigla nalang akong natuturn off sa kanila."
Nagulat ako sa narinig ko.
"Kanina lang si Jeff, matagal ko na siyang gusto. Masaya ako nung mga panahong close lang kami, kilig kilig lang. Pero kanina, tinanong niya ko kung pwede siyang manligaw, at yun kagaya ng laging nangyayari sakin, naturn off nanaman ako sa kanya. Pangatlo na to. Ayoko na."
Bigla kong naalala si Sandro. Ganun na ganun yung nangyari sa akin. Grabe hindi ako makapaniwala. So lithromantic ako? Hindi lang pala yun weird feeling, may word pala talaga na pwedeng gamitin para dun. Buti nalang napadpad ako sa CR na to.
"Wait lang.... Nangyari na yan sakin...."
-me"Talaga?? Oh my gosh. Ang saya ko dahil sa wakas may makakarelate narin sa akin."
-b"Oo, uhmm... Nung february lang. Sandro ang pangalan niya."
-me"Ahh"
-b"Paano mo nalaman yang term na yan?"
-me"Nag search ako sa google"
-b"Paano?"
-me"Edi nilagay ko, what do you call a feeling when you ganun ganun ganyan ganyan."
-bOo nga noh. Hindi ko yun naisip. Akala ko kasi talaga wala lang yun eh. So ibig sabihin pala pwedeng mangyari ulit yun sa akin? Masaya ako kasi nakahanap ako ng term na nagdedescribe yung experience ko. Iririsearch ko nga din yun mamayang gabi. Pero at the same time nakakalungkot din, para kasing imposible na na magkalovelife yung mga kagaya namin.
"Magkakalovelife pa kaya tayo?"
-me"Hmm... Posible naman... Pero mahirap... Dapat mahal ka talaga nung guy tapos alam niyang ganun ka kaya hindi niya gagawin yung mga bagay na nakaka turn off para sa atin. Kaso mahirap yun para sa kanya kasi kailangan niya pang i-monitor yung kilos niya."
-b"Ahh.. Kaso mukhang malabo naman na makahanap tayo ng ganung guy at parang ang selfish naman natin kung idedemand natin yun sa kanila."
-me"tama"
-bSabay na kaming kumain ng lunch ni Bettina. Nag usap pa kami kaya medyo marami na kong nalamang infos tungkol sa kanya. Ang saya naman, may bago na kong friend. Tapos parang soul sisters pa kami kasi pareho kaming lithromantic. 2nd year na siya tapos AB Philosophy ang course niya. Nagbigayan kami ng contact details para makapag hang out kami someday.
Pumunta na ko sa next subject at nakita ko sina Sab at Niks (Isabel at Annika).
"Ui, april, anong nangyari sa'yo bakit nawala ka kanina?"
-N"Oo nga, akala namin nilamon ka na ng lupa."
-S"Hahahaha, uy sorry talaga ah. Hinanap niyo ba ko?"
-me"April, ay hindi, pinabayaan ka lang namin."
-N"HAHAHAHAHA"
-me"Ang tagal ka naming hinanap. Paikot ikot kami sa cafeteria."
-S"Uy sorry talaga girls ah. Kasi sumakit yung tiyan ko tapos nag CR ako tapos...
Naisip kong saka nalang sabihin sa kanila yung tungkol sa pagiging lithromantic ko. Hindi kasi kami makakapag usap ng maayos ngayon dahil padating narin yung prof namin malamang.
...uhm may nangyare pero saka ko nalang sasabihin sa inyo."
-me"Ayy ang daya naman sabihin mo na nakaka curious!"
-N"Oo nga, pa-suspense pa to."
-S"Basta, mahabang kwento. Saka na kapag may time tayo."
-mePagkatapos ng klase, umuwi na agad ako. Excited na 'kong magresearch about sa lithromantic.
------------------
In a very random and unexpected way, I met someone who had the same experience as my past. I found a soul sister.
BINABASA MO ANG
Curse of her own feelings
Teen FictionPaano kung sarili mong feelings tinatraydor ka? Paano kung mahal mo siya ngayon pero bukas gusto mo na siyang mawala? Paano kung yung mga bagay na pinapangarap mo eh hindi mo naman pala talaga gustong mangyari? Paano ka magmamahal kung alam mong mal...