• Chapter 3 •

25 0 2
                                    

Jef's point of view

Hi there everyone!!!! Yes! May POV ako. Ngayon lang 'toh. Pagbigyan nyo na hahaha.

My name is Johanna Elise Fontabella, in short Jef. Astig na pangalan ko 'noh? Echos hahahaha.

Bakit ako merong POV? Sabi kasi ni author malaki daw part namin dito ni Eunice.

Anyway, simple lang ako. Simpleng babae na may pangarap sa buhay. At higit sa lahat may crush, ay wait! Mali mali. May MGA crush! Harooowt hahahaha. Pero may pinakacrush talaga ako. Si Paulo. 1year ko ng crush yun. Ewan ko ba kung crush pa 'to eh. Nalaman ko nga na lilipat sya sa section namin. Magiging close ko kaya sya? Haays.

Anyway highway! Maiba naman. Passion ko ang pagsasayaw. Yep. Mahilig ako magsayaw. Mahal ko ang pagsasayaw ^_^. May laban nga kami ng streetdance next next month. Next week pa naman ang practice kaya petiks muna.

Si Riezza pala, naging friend ko yan dahil kay Eunice. Si Eunice kasi classmate ko nung elementary kaya ganern. Sa grupo ako yung happy go-lucky lang, go with flow din kumbaga 😊. Di naman ganon kastrict parents ko, gusto lang nila iparanas sakin yung naranasan nila nung HS sila.

Dami ko ng ebas. At isa pa, ako po ang pinakamadaldal sa grupo. Yes, ako talaga hahahaha. XD

"Jef samahan ko sandali!"-Louise

Istorbo naman 'to. Kitang nagkekwento pa ko eh hahaha anyway, sige byeee! Samahan ko lang 'tong kaklase ko. :)))))

****

Eunice's point of view

Hi mga pips! Ako ang friend ni Riezza simula nung third year. Oh yes!!! Nagkakasawaan na kami sa mukha, talaga! Pero kahit ganon lab ko yan.

Ako si Eunice Catalan. Ako ang tagaletterig ng anek-anek nilang dalawa. Opo. Maganda po ang penmanship ko. Ako rin ang pinakamasipag magsulat ng notes! Aba oo, si Jef at Riz mga hayup yun yon eh pagsusulatin ako tas iuuwi notebook ko at kokopyahin nila. Magaling talaga! Tsk!

Hindi ako masyadog madaldal. Sakto lang naman. Pero pinakamadaldal po talaga si Jef buset na babaeng yon. (Peace Jef! ✌)

Simpleng babae lang ako. Katulad ni Jef at Riz. Di kami mga peym. Si Jef, peym yon pano kasi nagsasayaw. Maraming nakakakilala at maraming kilala yung babaeng yon.

Sa Ouran Academy kami nag-aaral. (A/N: reads as oh-ran)

Wala na kong masyadong maikwento. Si Jef na bahala dyan, tutal madaldal naman yon hahaha. Byeeee!

***
Riz' point of view

"RIEZZA FLORENCIO!!!! SINABI NG GUMISING KANA EH!!!" O.O

*Booooogsh*

Aray ko! Si mommy kasi eh!!! Ganda ganda na ng panaginip ko gigisingin pa ko. Buset naman!!!! >.<

"GUMISING KANA!!!! MAY NAGHAHANAP SAYO SA BABA!!" Tss! Sino naman yon?

Napatingin ako sa oras...

WHAT THE..!!!! ALAS DOSE NA?!??!?!! PAKSHET!!! PUPUNTA NGA PALA SILA JEF AT EUNICE DITO!!!

"MI! PAKISABI SAGLIT LANG!!! MALILIGO LANG AKO!!!"

"HOY BABAE! BILISAN MO! AALIS TAYO!!!" Dinig kong sigaw ni Eunice.

"KAHIT KELAN ANG BAGAL MO TALAGA!!!" Sabi naman ni Jef.

Aba! Siraulo yon ah!!!

"OO NA!!! MGA LECHE KAYO!!! TEKA LANG!!!"

-----
A/N: Short UD. San pupunta yung tatlo? Abangan sa susunod na kabanata. Charot.

Read. Vote. Comment.

Thankyou po! 😊

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon