Riz' point of view
Bumaba agad ako pagkatapos kong gawin ang daily routine ko. As far as I know, wala naman kaming usapan ni Tristan na pupunta siya ngayon dito sa bahay.
"Hey."
Napatingin agad siya sakin na nakaupo sa sofa ngayon.
"What brings you here, Tan? May usapan ba tayo ngayon? Wala--"
Naputol yung sinasabi ko ng bigla niyang tinapat yung daliri niya sa labi ko.
"Aray naman!"
"Haha sorry, wag ka muna kasi magsalita. Magbihis ka na dali, pinagpaalam kita kay tita na may pupuntahan tayo ngayong araw. Bilis, go!"
I rolled my eyes at him. Bossy.
"Wag mo na ko irapan, go bihis na. Wear something that you're comfortable with."
Umakyat agad ako sa taas at naghanap ng damit.
Suotin ko na lang yung dress na mejo dull ang color na binigay sakin ni mommy na above the knee, tas magpaflats na lang ako. Tumingin ako sa salamin at nagpulbo then naglip tint. Kinuha ko yung sling bag ko sa likod ng pinto. One last look at the mirror and off I go.
Pagbaba ko ay nakatingin sakin si Tristan. He's just looking at me hanggang nasa harap na niya na ko but still, nakatulala siya.
I snapped my fingers to bring back to his senses at buti naman effective.
"Hehe sorry, ang ganda mo kasi eh."
I blushed. This boy really makes my heart flutter. Tsk. Lalo ako nahuhulog sa patibong mo.
"Let's go."
***
"Tan, san ba tayo pupunta?"
I don't know kung pang-ilang tanong ko na yan kay Tristan. Di naman kasi siya sumasagot. San ba ko dadalhin ng kumag na 'toh?
"Tan--"
I was about to ask the same question again ng huminto siya sa isang beach.
"What are we doing here?"
He just smiled at me at bumaba ng kotse, tsaka ako pinagbuksan ng pinto.
Well, sobrang ganda dito. Di ko alam na may malapit na beach pala sa manila.
Tago siya actually, bihira siguro turista dito.
Kanino kayang resort toh?
Ganda eh.
"You like it?"
Napatingin ako kay Tristan kasi nagsalita siya bigla.
"I love it."
"Glad you love it haha."
"Tara."
Hinila ako ni Tristan sa isang gazebo dito.
Sobrang ganda ng table setting.
Andito lahat ng favorite---
"Pano mo naman nalaman lahat ng favorite ko?"
"Secret. Basta kainin mo na lang haha"
"Ah okay."
"Masarap ba?" Tristan asked.
"Oo super! Sino nagluto nito? Sarap lahat eh."
"Basta."
Takte. Gaganda talaga ng sagot niya kahit kelan.
Natapos na kaming kumain at dinala niya agad ako sa pampang.
Magkatabi lang kaming dalawa. Walang nagsasalita isa samin. Parang pinapakiramdaman namin ang isa't-isa. Seriously, I'm so clueless right now pero nagpapadala lang ako sa scenario. Nang bigla sumagi sa isip ko kung ano meron samin. Minsan naiisip ko kung may pag-asa ba kaming dalawa eh. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi niya ko gusto. For sure, etong ginawa niya sakin eh ginawa na din nya kay Jef. Pero masaya ako kung ano meron samin dalawa ngayon kahit friends lang kami. Mahal na mahal ko parin siya kahit di ko din alam kung pano nagsimula 'tong nararamdaman ko. I wish--
"Riezza"
Nawala bigla lahat ng iniisip ko nang bigla siyang magsalita at napatingin ako sa kanya.
"I'm sorry."
Sorry saan? Bakit ba siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang kasalanan saken.
"Sorry saan?"
"Sa pananakit ko sayo."
Nagulat ako sa binitawan niyang salita. How did he know that I'm hurting? Wala akong pinagsabihan non.
Di pa ako nakakapagsalita ng bigla siyang sumingit.
"Wag ka munang magsasalita ha? Ako muna baka kasi mawala lahat ng gusto kong sabihin eh."
Napatango naman agad ako.
"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na saktan ka dahil sa mga actions ko. Pano ko nalaman? Alam ko kasi Riz. Nararamdaman ko, di naman ako manhid eh."
Nakita 'kong huminga siyang malalim at tumingin sakin.
"Mahal kita, riezza. Mahal na mahal, hindi ko alam kung kelan nagsimula basta ang alam ko bigla na lang akong natataranta kapag nawawala ka, o kaya kapag may sakit ka. Naalala mo yung bigla na lang akong pumunta sa bahay niyo non. Nalaman ko kasing may sakit ka, kaya nagmadali akong magpunta don. Sinabihan pa nga ako ni jef na puntahan kana kasi kailangan mo daw ako sabi niya."
Naiiyak ako. All this time, ako pala ang mahal niya haha. Ang tanga tanga ko para isipin na mahal niya si jef. Ang tanga tanga ko na inisip ko na hindi ako mamahalin ng mahal ko, yun pala ako lang 'tong nagbubulag-bulagan. Mahal pala niya ko haha. Mahal ako ng mahal ko.
Hinawakan niya yung mukha ko.
"Mahal kita riezza. Papayagan mo ba akong ligawan ka?"
At kumawala na nga ang mga luhang pinipigilan ko kanina. Pinunasan niya yon gamit ang mga hinlalaki niya.
Tumango ako habang naiiyak. Nakita kong ngumiti siya at niyakap ako.
Eto na ba? Eto na yung matagal 'kong hinihintay, ang mahalin niya ko.
Ang saya saya ko.
***
Thankyou po sa nagbabasa hehe. Di po siya masyadong nakakakilig ahe.-j✨

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Teen FictionA guy named Tristan, a oh-so-good-looking guy. Since lumipat sila sa section namin. Madaming nangyari. I fell for him. So deep. This is the first time, I fell so deep inlove. What am I going to do?