Jef's point of view
We're finish eating and as soon as I finish this meal tinawagan ko agad si Riz para kamustahin kung anong nangyari. I excuse myself from Jae para di niya muna marinig ang pag-uusapan namin ni Riz.
"Love can you excuse me for while? Tatawagan ko lang si Riz to ask if everything's fine."
Tumango naman siya at ngumiti.
"Sure babe. Go ahead."
I kissed his cheeks at umakyat na sa kwarto.
I started dialling her number. Sana sumagot, sana hindi busy. Nag-aalala ako hindi pa alam ng kakambal ko yung tungkol sa kanila.
*riiiiiiinnnnnggggg*
*riiiiiiiinnnnnngggg*
[Hello?]
She answered.
"Bes!!! How's everything? Si Archi? Si kambal? nagkausap na ba sila?"
I asked. Kinakabahan talaga ako. Kahit naman na wala na sila ni Archi di parin maalis sa isip ko na until now mahal parin ni Archi si Riz but he left kaya ayaw na ni Riz sa kanya. Bat kasi ganito...
I heard her sigh.
[Everything's fine, Jef. But I feel uneasy. Balak ko naman sabihin kay Tristan yung samin dati ni Archi nang kaming dalawa lang eto na sana yung perfect time kaso nagulat ako at nandito si Archi. At ang masaklap, anak siya nung caretaker ng rest house nila Tristan. Sila Manang, yung nagpalaki dati kay Tristan. Mahalaga si Tristan sa kanila lalo na si Archi kasi magkasing-edad sila at mahilig daw sila maglaro dati. Jef, ayoko naman masira friendship nila. Natatakot ako....]
Ayan na nga bang sinasabi ko eh.
"Riz, makinig ka. You need to tell Tristan the truth. Hindi pwede na magtatago ka sa katotohanan. Mas lalo lang lalala kapag hindi ka nagsabi agad. At tsaka kausapin mo si Kambal ng masinsinan nakakaintindi yan, malaki na yan bes. Hello, ang tagal tagal niyo na hindi pwedeng hindi mo sasabihin yan. Sabihin mo na as soon as possible. Okay?"
She let out a heavy sigh. I know Riz this is hard for you. Pero kailangan mo sabibin bestfriend.
[Okay, I will tell him pero hahanap lang ako ng tyempo na kaming dalawa lang. Thanks Jef. Di ko na alam gagawin ko kapag wala ka.]
I smiled.
"I'll help you with everything. Basta gawin mo yan ha? Hindi magagalit si Kambal. Just tell the truth before niya pa malaman kay Archi mismo."
[Okay okay thankyou. Sige na bes. Baka naistorbo ko kayo ni Jae]
"Baliw!!! Kakatapos lang naman namin kumain eh"
She laughed.
[Okay sige. Bye! Loveyou]
"Loveyoutoo!"
Binaba ko na ang phone. Haynako Riezza. Di ko na alam kapag di mo pa sinabi yan kay kambal.
***
Riz' point of viewI hang up at nagulat ako sa pagpasok ni Tristan. Narinig niya kaya?
"B-beb kanina kapa diyan?"
"Hindi beb, kakaakyat ko lang kasi may inutos lang ako kela Manang sa baba."
Phew. Kala ko nahuli na. Hindi ko na talaga alam kung paano sasabihin kay Tristan. Sabihin ko na ba ngayon? mamaya? bukas? shet. I don't know how to start. Kinakabahan ako.
Napansin ata ni Tristan ang pagiging uneasy ko.
"Beb, are you okay? Pinagpapawisan ka."
Pinagpapawisan talaga ako, tapos malamig pa pawis ko!!!! I need to tell Tristan right now. Ayoko nang may tinatago sa kanya.
"Uhh. B-beb I have something to tell you."
Napakunot naman ang noo niya.
"What is it? Spill."
I can do this. Sasabihin ko lang naman para di na ko nagtatago sa kanya eh.
I release a heavy sigh before I start talking.
"This is about my ex-boyfriend..."
Naging seryoso naman ang mukha ni Tristan. Eto na nga bang sinasabi ko eh.
"Why? Binabalikan kaba niya? Ginugulo ka ba? What? Tell me."
I knew it. Nagtitimpi siya ngayon kaya hinawakan ko yung kamay niya at inintertwine sa kamay ko.
I smiled.
"No beb. Ofcourse not, kung babalikan man ako hindi na ko sasama because I have you."
"So ano nga? Sino ba 'yan? You never told me about you ex-boyfriend even his name."
Eto na. Sasabihin ko na talaga. Kinakabahan talaga ako. Yung puso ko kumakabog ng sobra.
"Yung e-ex-boyfriend ko si A—"
*knock knock*
shit.
Tristan opened the door at iniluwa n'on si Archi. Wth.
"Yes? Bakit dude?"
"Tristan, sabi ni Nanay baba ka daw doon. Kasi nandoon na daw yung inutos mo."
Ang bobo. Sabi ko na nga, kailangan talaga namin mag-usap ni Tristan nang kaming dalawa lang.
Tiningnan naman ako ni Archi at nailang ako 'don. Nginitian ko na lang.
Sumama na lang ako sa pagbaba kay Tristan dahil hindi ko kaya na makasama sa isang lugar si Archi. Ayoko na.
******
[a/n]: please support my another story!!! Perfect Strangers prologue is now posted! lovelots ♡

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Teen FictionA guy named Tristan, a oh-so-good-looking guy. Since lumipat sila sa section namin. Madaming nangyari. I fell for him. So deep. This is the first time, I fell so deep inlove. What am I going to do?