Riz' point of view
Makalipas ang dalawang taon..
Hindi ko akalain na aabot kami ng dalawang taon haha. Di ko naman inaasahan yon eh. Sabagay sabi ko kasi sa sarili ko kung anong mangyari sa mga darating na araw eh go with the flow na lang ako. Pero ang mas di ko inaasahan eh yung paglipat nila Jef sa ibang bansa na dahilan kaya naghiwalay sila ni Paulo.
Grabe. Ilang araw na umiiyak si Jef non. Naalala ko pa nga yung kinuwento niya samin eh.
Flashback
Two years ago..
Nandito kami ngayon sa café malapit sa school. Si Eunice at Tj (gusto niya kasi Tj na daw ang itawag ko sa kanya. Arte noh?) kasama ko. Wala si Jef eh. Malamang kasama si Paulo.
*bzzzttt*
Napatingin ako ng Tj ng tumunog yung phone niya.
Habang binabasa niya yon, parang medyo nafrown siya.
Kaya tinanong ko kung ano meron.
"Tj, ano meron?"
Pinakita niya sakin yung text, at galing pala ito kay Jef.
(Tristan, please go to the coffee vibes, the coffee shop near our school. Dalhin mo din si Eunice at Riz. I have something to tell you guys.)
Kahit ganun lang yung text, nagulat din ako kasi he never called Tristan by his name. Para ngang nakalimutan na ni Jef yung name niya dahil kambal na talaga ang tawag niya. Para tuloy akong kinabahan. Nireplyan naman siya ni Tristan na sinabing kanina pa kami nandito sa cafe.
Makalipas lang ang 20mins. Nakita namin si Jef na papasok sa loob. Naramdaman ko na agad na mejo kakaiba yung aura niya ngayon. Napatingin ako sa kanya. Mugto ang mata as in nilalamon na ng kaitiman yung mata niya. What happened?
"Guys." She said.
Napatayo naman si Tristan at napatingin agad kay Jef. He looked worried, sobrang worried. Pinaupo niya ito. Sandaling katahimikan ang bumabalot samin pero nabasag iyon nang marinig namin si Jef na humihikbi habang nakayuko.
Di namin alam ang nangyayari kay inusisa na siya ni Tristan.
"Kambal, what happened? What happened to you?" Mahinahon ang pagkakatanong niya kay Jef.
"Guys... I'm sorry."
Sorry saan? Ano ba talagang meron?
"Sorry for what?" Tanong ni Eunice. I remained silent. Pinakikinggan ko yung mga sinasabi niya.
Lalong umiyak si Jef pero halatang pigil na pigil. Maya-maya pa'y nagsalita ulit siya.
"I'm leaving the country..."
Lahat kami natahimik, lahat kami nagulat. B-bakit siya aalis? Ano ba? Pano na yung boyfriend niya si Paulo? Pano sila tita? Pano kaming kaibigan niya?
"J-jef kindly explain kasi naguguluhan kami, ikaw lang aalis? Pano si Paulo? Kami? Pano kami? Akala ko ba walang iwanan? Yung kakambal mo si Tristan? Yung mga kaibigan natin sina Euclid?"
Sunod sunod yung tanong ni Eunice pero hindi umimik si Jef kaya nagsalita na ko.
"Jef, what's happening? Sabihin mo naman samin. Kasi clueless talaga kami."
She sighed. At pinakalma ang sarili sa pag-iyak.
"Three days ago, I heard mama and papa talking about me. Ang narinig ko ay 'baka hindi pumayag si Jef' 'Malulungkot yon kasi nandito ang buhay niya' mga ganon. Then pumasok ako sa kwarto nila at tinanong kung ano yon. And then sabi nila na may aaminin daw sila saken. They said na we're leaving. Noong una akala ko naman ay magbabakasyon lang kami pero ang sabi nila "Anak, magmimigrate na tayo. Lilipat tayong ibang bansa."
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
JugendliteraturA guy named Tristan, a oh-so-good-looking guy. Since lumipat sila sa section namin. Madaming nangyari. I fell for him. So deep. This is the first time, I fell so deep inlove. What am I going to do?