• Chapter 21 •

8 0 0
                                    

Jef's point of view

*kriiiiinnnnnggggg*

Nagising ako dahil sa alarm clock na 'toh. Tch. Bat ba nakalimutan kong i-off toh? Ang aga paaaa. Nakapikit akong kinikapa yung clock sa table ko. Nasagi ko 'toh kaya bumagsak, ayan edi nananahimik. Bumalik ako sa pagkakatulog ko, pero wala pang 5 mins eh may kumakatok ng pinto ko. Ugh! Just let me sleep!

*tok tok*

*tok tok*

"Cut it out just let me sleep for five minutes!"

Nanahimik yung kumakatok, buti naman. Makakatulog na ulit ako.

Pero maya maya naramdaman ko na bumukas yung pinto ng kwarto ko.

Jusko! Di ako makatulog ng maayos eh! Huhu!

Naramdaman ko na lang na may umupo sa gilid ng kama ko. Di ko sya makita dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Baby.."

Nanlaki ang mata ko. Nagising ang diwa ko. Omg. Anong ginagawa niya sa kwarto ko?

Napabalikwas tuloy ako! Myghad! Makalat ang kwarto ko!

"Pffttt!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit na lalaking 'toh.

Paulo's point of view

I knocked at her door pero sinigawan lang ako, natawa tuloy ako. Totoo nga yung sinabi ni tita na ayaw niyang ginigising siya haha. Kumatok ulit ako pero no response. Bumaba ako para kunin yung spare key ng kwarto niya. Wala dapat akong balak pumasok ng kwarto niya pero sinabihan ako ni tita na ako na daw gumising sa kanya. Actually, kaninang bandang 6am nakapasok ako mg kwarto niya pero tulog na tulog pa siya at pagpasok ko sobrang kalat ng kwarto niya, puro pambalot sa regalo, nakita ko yung mga regalo na nakabalot na sa study table niya. Malamang tinamad na 'toh magligpit kagabi.

Maaga talaga ako pumunta kasi kami mag-dedecorate ng bahay nila. Dito kasi namin gaganapin yung christmas party, pumayag naman si tita kasi ang sabi niya aalis naman din daw sila kasi pupunta daw sila sa lolo at lola nila Elise sa probinsya, iniwan na nila si Elise kasi alam nila na may party na gaganapin. At tsaka pumayag na din si tita kasi wala naman daw pala kaming iinumin na kahit anong alcohol kaya, okay lang. Ambait talaga ni tita, swerte ni Elise sa family niya pero mas swerte ako sa kanya hay.

"Tita, pwede ko po ba mahiram ulit yung spare key ng kwarto ni Elise?"

"Sabi ko sayo ayaw niya magpagising eh hahaha. Eto nak oh."

"Thanks tita :)"

Umakyat ako ng kwarto niya at binuksan ang pinto. Dahan dahan akong naglakad paupo sa gilid ng kama niya.

"Baby..."

Sabi ko. Nagulat ako nung napabalikwas siya sa pagkakahiga niya.

"Pfffttt!"

Natatawa ako pero pinipigilan ko, lalo na nung tinignan niya ko ng masama hahahaha.

"Baby, gising kana pala. Kanina pa kita ginigising eh."

"P-paano ka nakapasok sa kwarto k-ko?"

Haha alam niya kasi na ayaw na may nagpapasok sa kwarto niya eh. Ayaw din ni tita pero dahil mapagkakatiwalaan naman daw ako, pinapasok na niya ko.

"Si tita, pinapasok niya ko dito para daw gisingin ka. :)"

"Himala.."

Bulong niya pero narinig ko naman haha.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon