• Chapter 22 •

6 0 0
                                    

Tristan's point of view

On the way na ko papunta sa bahay ni Riezza, susunduin ko kasi sabay daw kaming pupunta kela Jef.

Napatingin ako sa wrist watch ko, it's already 11pm. Kailangan na namin magluto kela Jef.

I parked my car at bumaba na.

Saktong kakatok palang ako biglang bumukas yung pinto, muntik ko ng makatok yung noo ni Riz. Bat kasi bigla biglang sumulpot 'tong future girlfriend ko? Hays.

"Tan!"

Gulat na gulat pa siya haha.

"Stop shouting. Muntik ko na tuloy makatok yung noo mo, bat ba bigla kang nagbukas ng pinto? Where are you going, lady?"

Ngumiti naman siya.

"Sorry, di ko kasi alam na nandyan kana pala eh sakto din pagdating mo, nasa labas na daw ng gate si Eunice kaya bubuksan ko sana. Wait lang ah?"

Wao, di ko nakita si Eunice don ah.

Pinagbuksan naman niya agad si Eunice. At nang makita ako ni Eunice kumaway agad siya saken.

"Hi Tristan! Grabe ka di mo man lang ako nakita ah? Kumaway pa ko para makita mo ko."

"Sorry na hahaha, nagdadrive kasi ako eh."

"Pumasok na kayo sa loob. Magbibihis lang ako saglit, naligo naman na ko kanina eh."

"Akala ko teh, wala kang balak maligo hahaha."

Kantyaw ni Eunice.

"Siraulo!"

Tsk. Hahaha.

Di pa pala nila alam na nililigawan ko na si Riz. Sabi kasi ni Riz, mamaya daw niya papaalam kela Jef eh. Pumayag naman ako. Ako naman kasi kahit kelan niya ipaalam okay lang. Pero gusto ko din na agad na para wala kaming tinatago. Muntik na nga akong gisain nung kuya at kapatid niya eh. Buti na lang pinigilan ni tita eh hahaha. Buti na lang ang bait bait ni tita hehe.

Di rin nagtagal bumaba na si Riz.

Anakng! Ang ganda niya. Nakashirt siya tas nakatuck-in sa palda-maong niya na above the knee, tapos nakasapatos na white at may sling bag. Simple lang niya pero ang ganda nyaaaa.

Bumalik lang ako sa realidad ng sikuhin ako ni Eunice.

"Tristan laway mo tumutulo"

Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko, wala naman eh! Sinamaan ko ng tingin si Eunice. Bwisit toh. Imbento.

"tulala ka kasi fre hahaha"

Kinuha lang ni Eunice at Riz yung mga dadalhin kela Jef at umalis na din kami.

Wala pang 30mins nakarating na kami sa bahay nila pero parang ang tahimik, kaya dahan dahan kaming pumasok, at nakita naman namin sila na magkayakap kaya umubo ako.

Natawa na lang kami sa reaksyon ni jef, gulat na gulat at namumula yung mukha haha.

Tumayo naman sila at kinuha yung mga dala namin.

"Mga teh tulungan niyo ko magluto tara"

Yaya ni jef sa dalawa haha.

"pre tayo na lang mag-ayos ng decorations dito."

"sige"

inayos namin yung mga decorations na di pa tapos. Maya maya biglang nagsalita si paulo.

"ano oras daw dadating yung iba?"

"mga 3 pa yon or 4 yun yong usapan diba?"

"ah osige"

Riz' point of view

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon