• Chapter 7 •

14 0 0
                                    

Riz' point of view

Yes, may crush ako sa isang Tristan Medina.

*flashback*

"Lalagyan ko kayo ng seating arrangement para yung iba tumino-tino naman. Ang sasakit nyo sa ulo."-Ma'am Math

Oo! HAHAHAHAHAH! Kapag nakakatamad sabihin mga surnames nila tinatawag nami sila base sa subject na tinuturo nila hihi.

"AWWWWWW! Bakit maam?"-Random classmate

"Kopyahan kayo ng kopyahan kala nyo di ko kayo nakikita kaya bibigyan ko kayo ng seating arrangements! Now! 1st row! Stand up!"-Ma'am

Sht! Bandang 4th row nanaman ako neto dahil random lagi magpa-arrange si Ma'am ugh! I hate this!

*ting*

Bright idea!

Sasabihin ko na lang kay Ma'am na malabo mata ko!

Sige yun na lang!

After 10mins..

"Riz dito ka."

"Uhm. Ma'am malabo po kasi mata ko pwede ho ba magpalipat ng upuan?"

Taeng yan!!! Nag-isip pa, jusko!
Anong magagawa ko eh sa malabo talaga mata ko?

Pasensya!

"Sige, dito kana lang sa tabi ni Medina."

OH YES!!!

...kaso di ko sya kaclose. Ay!! Hayaan na nga kesa naman malayo sa board.

Makalipas an ilang minuto natapos na din mag-arrange si Ma'am. Hinanap ng mata ko sina Jef at Eunice. Aish!!! Mamaya na nga lang. Naglelesson na toh si ma'am eh.

Wala naman akong naiintindihan, ewan ko ba bakit ang hina hina ko sa math. Minsan nagegets ko, minsan hin--

"Uy."

Napatingin ako sa tumawag saken akala ko kung sino..

"Uh? Hehe? Uy din?"

Si Tristan..

Yung tumatawag sakin ng Ms. Masungit!!! Aba aba aba! Bakit ako tinatawag neto? Aasarin nanaman ako? Aynako! Kaimbyerna kung ganon.

"Seatmate pala kita!"

"Obvious naman hahaha"

"Uy, sorry nga pala na tinatawag kitang Ms. Masungit, first impression ko kasi sayo parang masungit ka hehe. Sorry (^.^)"

"Ah yun ba? Hehe okay lang, sorry din kung nasusungitan kita, medyo makulit ka kasi eh."

"Ay pasensya hahahaha ganun lang talaga ako."

"Ano nga---"

Napatigil ako ng biglang magsalita si Ma'am at samin pa nakaharap..

"You two! Both of you! Mamaya na ligawan okay?"

(¬_¬)ノ

GREAT! JUST GREAT!

"YIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEE"

Yan! Dyan magaling ang mga kaklase ko! Sa tuksuhan.

Euclid: Kingna medina!!! Tindi ng kamandag mo pre! Hahahahahaha!

Ohhhh lupa! Lamunin mo ko puhleaseeee.

"Sorry ma'am"

"Sorry ma'am"

Haynako makapagconcentrate na lang potek nakakahiya sa kanya ugggh

****
Break time..

Eunice: uyyyyy ano yon teh? Close na kayo? Ha? Yiiiiee

Jef: Aso't pusa kayo tas close na agad harthart♥

"Magsitahimik kayong dalawa kundi uupakan ko kayo!"

Eunice: brutal mo naman beh, gutom lang yan tara kain.
--
6days...nagiging close na kami ni Tristan.
Shemaaaay! Di ko alam pero nagkakagusto ako sa kanya kasi sobrang simple nya, ang linis nya manamit.

Daaaang!!! Major turn on sakin ang lalaking sobrang malinis sa katawan nya. Syempre ayoko naman ng dugyot dba? Ewwww! Anyway, yun nga, tas mga beh!! Ang bango nya umayghad!!
Tapos tinuturuan nya pa ko sa mga math problems na di ko naiintindihan, o kaya kokopya ako sa kanya mwehehehehehe grabe lang! Sa loob ng anim na aaw na yun, lagi na siyang sumasabay samin, lagi na syang nakikisabay samin, pati mga kalokohan namin, sumasabay na sya, sa row na namin sya laging nakaupo, halos lahat ng subj katabi ko sya sila Jef at Eunice lang ang lumilipat. Hanggang sa naging close na namin sya. Pati na rin mga ka-sps nya dati. Close na rin namin. Si Jef ang tinurig nyang kapatid kasi naging close na sya kay mama (mama ang tawag namin sa nanay ni Jef dahil sobrang close na namin sila :)) unexpected lahat dahil sa isang iglap, naggugustuhan ko na pala sya...

*end of flashback*

Yeah. That's the reason why I like him. Not love, like lang. Hanggang ganun lang yon.

Haaaaay. Di ko pa nasasabi kay Jef at Eunice, di bale, sa susunod sasabihin ko na sa kanila. Patay na ko neto kailangan ko maghanda dahil mag-uumpisa nanaman ang araw araw nilang panunukso. Ghaaaaad.

------
Salamat sa mga nagbabasa neto kahit sabaw hehehehe much appreciated mwa :* I'll update as possible as I can, habang wala pa kong sched or date ng pasok hihi 💕 goodluck sa monday sa mga papasok na sa school!! Buti pa kayo hehehe 😚😛

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon