Chapter 26

11 0 0
                                    

Riz' point of view

Kainis, minadali kasi ako ni Tan eh. Ano kaya nangyari don?

Nakasakay na ko ng taxi, at sinabihan ko si kuyang driver na mejo bilisan.

Ano nanaman kaya pinaggagagawa nung lalaking 'yon?

Wala pang 45mins nakarating na ako sa kanila. Nagbayad ako agad sa taxi at dumiretso sa gate nila. Pinagbuksan naman ako ni kuyang guard, kilala na kasi ako dito. Dito na kami madalas tumambay ngayon.

*tok tok*

Pinagbuksan naman ako ng maid nila.

Tinanong ko agad kung nasaan si Tristan. Nasa dining daw. Nagtaka naman ako kung anong ginagawa don. Pagkapasok ko sa dining nila nagulat ako sa nakita ko.






Si Tristan nagluluto.





Bwiset. Akala ko kung anong nangyari sa kanya.

"Beb, buti nakarating ka kaagad hehe. Sorry kung natakot kita ah. Gusto kasi kita isurprise eh."

Sabi nya sabay yakap sakin. Naka-apron pa ang loko loko. First time ah.

Pinalo ko naman yung likod nya, kainis kinabahan ako.

"Bwisit ka. Kinabahan ako. Akala ko kung ano na nangyari sayo."

Natawa naman siya.

"Si tita? Akala ko ba magkasama kayo? Bakit iniwan mo?"

Paktay. Di nya pala alam na kasama ko sina Jef kanina.

"Ha? Ano... Nagpaiwan may bibilhin pa daw sya sa mall eh."

Mukha namang naniwala. I sigh in relief.

"Beb, ano ba niluto mo? Mukhang masarap ah? Bakit ka pala nagluto? Ano meron?"

Pinatay naman nya yung kalan at tsaka humarap sakin.

"Yung favorite mong carbonara. Tinry ko magluto, nagpaturo ako kay manang. Tikman mo nga."

Pinagsandok naman niya ako. Naupo na ko sa upuan habang hinihintay yung pagkain. Pagkalapag nya naamoy ko agad. Ang bango nga hmmmm.. tinikman ko kaagad at syet ang sarap ngaaaa.

Nakita naman ni Tristan na nasarapan ako sa luto nya kaya napangiti siya agad.

"I'm glad that you like it." He said sabay kiss sa ulo ko.

Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko.

"Beb, may pasok na tayo bukas. Nilabhan mo na uniform mo?"

Oh shet. Oo nga pala. I forgot!

"Buti pinaalala mo myghad, I almost forgot. Mamaya lalabhan ko pag-uwi ko sa bahay. Thank you hehe."

Napailing naman siya. Kilala nya talaga ako hahaha. Kumuha siya ng juice at saka binigay sakin. Ininom ko na after ko maubos yung pagkain. Gusto ko pa kaso uuwi pa ko eh haha.

"Beb, where's tito and tita? Nasa office? Where is kuya travis and your little sis? Ang tahimik ng bahay nyo ngayon ah."

Napatingin naman siya sakin habang hinuhugasan niya yung pinagkainan ko.

"Beb, ako na dyan! Ikaw na nagluto, ikaw pa naghugas. Akin na, ako na."

Inilayo naman niya sakin yung plato.

"No, ako na. Gusto kita pagsilbihan eh."

Napairap na lang ako. Haynako, ayan nanaman siya. Napakasweet talaga.

"wala dito sila mommy, nagpuntang province, business trip ata. Si kuya nasa kwarto niya, tulog ata. Si naman nasa bestfriend niya sa kabilang bahay."

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon