Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao,sinisikap mong intindihin ang mga bagay na nagawa at hindi niya nagagawa para sa'yo.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao, hindi mo magawang magalit sa kanya sa kabila ng lahat nang sakit at lungkot na naidudulot niya sa'yo.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao, sapat na sa'yo ang kung ano lang ang kaya niyang ibigay; kahit kaunting oras,atensyon at pagmamahal niya lang ay nakukuntento ka na.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao, nakakaya mong magtiis at magpasensya, nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo sukat akalain noon na magawa mo ngayon.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao,tinatalikuran mo yung mga kaibigan mo para maibuhos sa kanya ang buong atensyon mo. Ipinagtatanggol mo siya sa ibang tao.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao,hinahayaan mo na lang siya na lokohin ka at pagmukhain kang tanga nang paulit-ulit. Hindi na mahalaga sa'yo kung paano o kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yon sa kabila nang lahat. Hinahayaan mo ang sarili mong maging tanga sa paningin ng iba.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao, hindi mo sila masisi kung bakit biglang hindi ka na niya mahal,kung bakit biglang ayaw na niya sa'yo,at kung bakit biglang may iba na siya.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao,hindi pa rin sapat 'yon para ikaw pa rin ang piliin niya sa huli.
Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao, basta para sa ikakasaya niya gagawin mo; kahit na ang palayain at bitawan siya habang nasasaktan ka. Dahil dama mong hindi na siya magiging masaya sa piling mo..
***
YOU ARE READING
My Favorite Sin
Mystery / ThrillerKapag natuto kang magmahal ng totoo, di ka namimili ng kasarian, ng ugali at ng kung ano pa man, ang mahalaga sayo at yung mahal mo siya at mahak ka niya. Minsan pa nga kapag sobrang nagmamahal ka di mo na namamalayan na nagiging martyr ka na, na in...