Chapter 18: Confused

4 1 0
                                    

Autumn's POV

Nagising ako sa di ko kilalang room, ang sakit ng ulo ko parang pinukpok. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng room. Ang painting nito ay napaliligiran ng black and red shadows. Lahat ng sulok nito at may paintings, ang sakit sa mata lalo na at parang doodle ito na hindi ko maintindihan ang larawang nakaukit rito.

May mata at iba't ibang simbolo ang bumabalot sa room na ito. Somewhat may naalala ako sa paintings na ito, di ko alam kung saan ko nakita basta ang gulo, ang labo.

Sumasakit ang ulo ko, sobrang sakit di ko maintindihan.

"Ahhhhhh!!!!"

Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit di ko na kaya. Nanlabo ang paningin ko at biglang itim na lang lahat ng aking nakikita.

Jed's POV

Nasa sala ako nanonood ng basketball ng biglang narinig ko ang malakas na sigaw na nanggagaling sa room ko.

"Ahhhh!!!"

Sigaw nito, dali dali akong umakyat sa taas at nakita kong nakahandusay sa sahig si Autumn, pinagmasdan ko ang room ko, siguro'y natakot siya sa iba't ibang larawan at simbolong nakalagay rito kaya siya at napasigaw.

Ang ipinagtataka ko lang at kung bakit siya nahimatay at dumudugo ang ilong nito. Kinakabahan akong dinala siya sa labas, ng hinarang ako ni Dad.

"Dad, get out on my way si Autumn hinimatay"

Mabilis kong sambit kay Dad pero di pa rin siya umaalis.

"Dad, plea...."

Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Dad.

"Pagpahingain mo na lang muna siya, she's okay anak don't worry. She's fine okay?"

Tinapik ako ni Dad and sinabi nito na papuntahin ko muna si Autumn sa guess room namin kung saan walang paintings at maaliwalas sa pakiramdam. Doon ko na lang muna pinagpahinga si Autumn dahil baka kung mapano pa siya kung magpa-panic lang ako rito.

Palabas na ako ng guess room ng biglang sumulpot na naman si Dad sa harapan ko.

"Mahal mo talaga siya anak?"

Tanong sa akin ni Dad, halata mo sa mata niya na concern siya.

"Yes Dad, I really love her"

Walang pagdadalawang isip na sinagot ko si Dad.

"Anak alam mo naman ang ritwal at patakaran sa atin di ba? Paano kung mapahamak ka? Paano kung..."

Di ko na pinatapos si Dad sa sasabihin niya.

"Dad ipaglalaban ko siya, whatever happen, mahal ko siya Dad"

Sagot ko.

"Prove it Jed, kung mahal mo siya, let her go, hindi mo hahayaang mapahamak siya"

Di na ako umimik dahil bigla na lang rin namang nawala si Dad sa harapan ko.

***

My Favorite SinWhere stories live. Discover now