Chapter 17: Vampire

3 1 0
                                    

Nagtataka talaga ako kung bakit pula ang mata ng Mommy ni Jed. Nung una naman ay katulad lang sa akin ngunit bakit ganun nagung pula. May kakaiba.

Unti unti pa akong nilapitan ng Mommy ni Jed at naramdaman kong inaamoy niya ang bawat sulok ng aking katawan. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Alam kong may itinatago si Jed sa akin na kahit kailan ayaw niyang sabihin sa akin.

"Mommy, stop that please"

Sabi ni Jed sa Mom niya halatang nagmamakaawa na huwag akong galawin, Hindi ko halos alam kung paano i-si-sink in sa utak ko ang mga sinasabi nila.

Hindi pinakinggan ng Mom ni Jed ang pakiusap nito, bagkus ay ibinuka nito ang kanyang bibig, dahil sa takot ay napapikit na lamang ako.

"Mommy!!! Please... Siya yung babaeng mahal ko, yung babaeng sinasabi ko sayo, mom please stop"

Rinig kong pakiusap ni Jed sa kanyang Mommy, nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon. Naramdaman ko na lamang na may biglang umalis sa harapan ko.

Akmang ididilat ko na ang mata ko ng biglang may pumukpok sa likod ko, bago pa man din ako makadilat ay nag-blurred na ang paningin ko.

Jed's POV

Alam ko kung ano ang mga maaaring mangyari kapag pinagpatuloy ko pa ang nararamdaman ko kay Autumn. Perk among magagawa ko, nagmamaha lang naman ako di ba?

Pero bakit sa kanya pa, bakit ko pa minahal ang taong bawal kong mahalin, at ngayon? Malalaman kong isa siya sa mga kaaway namin?

Wala akong balak sabihin kay Autumn ang mga sikreto ng pamilya namin ngunit bakit ganito? Nahihirapan na akong mag-isip. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

Ayaw kong umamin ngunit nakita niya si Mommy na nagiging pula ang mata niya, paano na kung magtanong siya about dito? Anong isasagot ko?

Umalis na si Mommy sa harapan ni Autumn ng bigla namang pukpukin ni Dad ang likod ni Autumn.

"Dad, why did you do that?"

Nalilito kong tanong sa kanya dahil bigla na lang suaulpot tapos biglang pupukpukin ang mahal ko?

"Isa siyang dugong bughaw. Isa siyang kaaway Jed. Iwasan mo na siya, magmahal ka na lang ng iba anak"

Sabi ni Dad na ikinawindang ko, ang taong mahal ko? Isang kaaway? Isang dugong bughaw.

Bakit kailangan pang mangyari ito? Autumn kahit anong mangyari. Ikaw lang ang mahal ko. Walang iba.

I decided na doon ko na lang muna siya dalhin sa room ko at doon na muna magpahinga. Aalagaan ko siya. Pagkatapos nito ay ihahatid ko na siya.

Wala naman na kasi ang car niya dito, pinakuha na niya yata sa driver niya pero ang alam ko ipapabalik niya yun kasi gusto niya na siya ang nagda-drive sa kanya lang.

"Autumn diyan ka muna, pahinga ka na muna mahal ko"

***

My Favorite SinWhere stories live. Discover now