Chapter 2

1.8K 54 0
                                    

Tagaktak ang pawis ko habang hinihinaan ko ang pagtakbo ko. Unti-unti kong binaba ang earphones ko at kinuha ang cellphone ko. Pinindot ko ang stop button upang mahinto ang musika.

"Tubig?" tanong ni Amy nang nakita niya akong palapit sa kanya. Di pa man ako sumagot ay inilahad na niya iyon para tanggapin ko.

"Thanks." ngising sagot ko sa kanya.

Simula nang graduate  na sina Den at Ella sa UAAP ay madalang na lang ang aming pagkikita. Ella is busy with some other things while Den is focusing on her medical course. Kaya kami nalang ni Amy ang laging magkasama. Tulad ngayon. We jog together.

"Know what? I think we should go shopping today." she suggested.

Magandang ideya nga iyon. Pero baka maantala lang iyon. Baka kakailanganin ako ni Kiefer ngayon. Baka tawagan niya ako. Baka maglasing na naman iyon. Pero bago pa ako makatanggi ay inunahan na ako ni Amy.

"No, you can't deny me. You know what, you need to loosen up sometimes. Stop thinking about it too much. It's not your fault." usal niya.

Alam na talaga ni Amy kung bakit di ko agad siya masabihan ng oo. Yes, I still feel so guilty about what happened. At baka nga dahil sa pagka-guilty kong ito ay naramdaman na ni Amy ang pagspe-space out ko. Ayoko ng ganun ang maramdaman niya. She's my bestffriend too and I don't want her to feel that Kiefer is more important than her. They're both important kasi kaibigan ko silang pareho.

Tinanguan ko siya na siyang nagpatalon sa kanya sa saya. Hinila niya ako para magpunta sa dorm. Pinabihis na niya ako. Halatang excited siya sa mangyayari. Nagtaka nga ako kung bakit ganito siya kasaya eh magsha-shopping nga lang naman kami. Natuwa na lang ako sa kaibigan ko.

"Where do you want?" she asked.

"Kahit saan lang. Ikaw naman ang maalam kung saan ang mga trendy stuffs." sabay tawa ko.

"Alright then." ngisi niya.

Naglakad-lakad lang kami kahit saan. May iilang napapagawi ang tingin sa amin. May mga nagbulong-bulungan. At may mga gustong lumapit na tila nahihiya. Hanggang sa may isang magbabarkadang lumapit sa amin. Apat silang magbabarkada at isa sa mga ito ay bakla.

"Ate Ly!" tili ng bakla. Ningitian ko na lang siya dahil sa pagtili na ginawa.

"Pwedeng makipag-selfie sa inyo?" tanong niyang tila nagmamakaawa.

"Sure." si Amy na ang sumagot. Tumili na ang apat at niyakap kami. Naglabasan na sila ng kani-kanilang mga cellphone.

Dumami nang dumami ang nagsipuntahan sa amin at nakipag-selfie. Halos kuyugin na kami ng iba. Buti nga't kumonti na lang ang lumalapit. Nakabili na kami ng iilang damit. Naisipan naming mag-lunch muna nang maka-tatlong store na kaming napasukan.

"Yeah we're here. Where the hell are you?" untag ni Amy sa kausap niya sa cellphone.

Binaba din niya ito at saka umupo para makapag-order kami. Mga sampung minuto ang lumipas nang dumating sina Ella at Den. Milagrong nakapunta ang mga ito dito.

"I miss you!" sabay yakap sa amin ni Denden.

Ngayon ko naramdaman ang pangungulila sa kanilang dalawa. Kung noon ay kaming apat ang magkakasama, ngayon ay kami nalang ni Amy dahil busy na rin ang mga ito.

"I miss you too!" turan ko sa kanilang dalawa at niyakap sila nang mahigpit.

"Grabe. Kamusta na kayo? Akala ko ba nagfo-focus ka Doktora?" sipat ko kay Denden.

Of us four, Denden has been my closest friend. Parang kapatid ko na nga siya.

"Nakapuslit naman ako ng konting oras. Buti na nga. Ang hirap pala maging doktor." tawang saad niya.

Catch up ang naganap sa lunch namin. Puro tawanan lang ang nangyayari. Ella's focusing on some leagues at saka may beach volley raw itong sasalihan. I heard may itatayo ngang republic ng beach volley sina Bea Tan. Siguro ito ang sasalihan niya.

"So ano, di pa ba kayo nagsisimula sa training para sa upcoming Season 78?" tanong ni Ella.

"Week after next, I guess." saad ni Amy.

"Grabe namiss ko na ang Ateneo gym." usal ni Den.

Narinig ko ang lungkot sa boses ni Denden. She's been our libero for years kaya nakakamiss talaga siya. I sometimes wonder why there is a need to leave some things, why there is a need to graduate on things you don't want to end, why there are limitations.

"Miss din ng sahig ng court ang tagapaglinis niya." sabi ko. Nagtawanan naman kaming lahat.

Napagdesisyunan naming sabay ng mag-shopping. Mas dumami ang nagpapicture sa amin ngayong apat na kaming magkakasama. Not to brag but nasanay na rin siguro kami sa ganito. I mean, ang daming fan ng Ateneo volleyball kaya siguro ganito.

Yung mga nahihiyang lumapit ay palihim na lang ang pagkuha ng litrato sa amin na medyo halata naman dahil sa flash ng camera ng mga cellphone nila. Natawa na lang ako sa kanila.

To be honest, pinangarap kong maging sikat noon. Pero ngayong medyo naramdaman ko na ito ngayon dahil sa Ateneo ay parang kusang umuurong ang sarili ko. Seems like I want the simple life. Less cameras, less talks.

Papasok pa lang kami sa napiling tindahan ng damit nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang may text si Kiefer.

Bago ko binuksan ang mensaheng iyon ay tiningnan ko ang mga kaibigan ko na nakatingin pala sa akin. I just smiled at them and turned my attention back to the unread message.

Kiefer Ravena:
Can you come?

I wanted to reply him yes pero naalala kong kasama ko pala ang mga kaibigan ko. Tiningnan ko sila at nakitang nakatingin pa rin pala sila sa akin.

"Kiefer?" tanong ni Denden sa akin.

I nodded. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at tumikhim.

"I'm sorry. I should have not told you to make that. Sorry, Besh. Alam kong nakokonsensya ka kaya gusto mo siyang pagbigyan sa lahat ngayon. Sorry talaga. It's my fault." lungkot na saad ni Denden.

"Di mo kasalanan yun, Besh. Ako yung may kasalanan. I was also drunk that time kaya di ko na din alam ang nagawa ko." untag ko para gumaan ang loob niya.

Nag-ring ang cellphone ko at nakita nilang si Kiefer ito. As much as I wanted to answer his call, ayoko namang iwanan ko ang mga kaibigan ko dito kapag umoo ako sa pagpunta kay Kiefer. I ended the call. Tumikhim silang lahat.

"Besh, we understand. You can go. Basta isipin mo lang na what happened months ago is not your fault. Don't feel so guilty about it. May kasalanan din kami, okay?" usal ni Ella.

"And I know you want to see that love of life of yours." at sinabayan ng tawa nilang tatlo. Napangiti naman ako't nakitawa na rin.

Nag-vibrate ang cellphone ko sa isang mensahe. Kay Kiefer ulit.

Kiefer Ravena:
Are you busy?

"Go!" tawang saad naman nilang tatlo.

I mouthed 'thank you' and dialed Kiefer's number.

"Ly?" baritoning boses na sagot ng kabilang linya.

"I'm coming. Wait lang po, Phenom. Nasa mall pa ako." sagot ko sa kanya. Nakalabas na ako ng mall at hinanap ang Chevy ko.

"Where? Sunduin na kita." saad niya.

"Hindi na. Papunta na rin naman ako." sabi ko at binuhay ang engine ng kotse.

"Okay. Take care, then."

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon