Chapter 30

2.2K 76 24
                                    

A/N: This is the last chapter before Epilogue.

Pagkabasa ko ng mensahe niyang iyon ay di na ako nagdalawang-isip pang umalis sa condo niya. Bumalik ako sa dorm para makaligo at makapagbihis naman.

Sinubukan kong umaktong normal ang lahat. Nagulantang ang teammates ko nang pumasok ako.

"Where have you been? We were worried." bungad na tanong ni Amy sa akin.

"Ah, tumawag lang si Lau kagabi." was all I reasoned out.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto at dumiretso sa banyo sa takot na magtanong pa sila ulit. Despite the physical pain I'm feeling, I tried my best to move normally.

Tuloy-tuloy ang daloy ng aking luha kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Up until now, I can still clearly sense his scent on my body. Tahimik akong napahikbi sa loob ng banyo.

I fully gave myself to him. I wish he can also fully forgive me. Pagpapakatanga mang isipin na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kagabi pero para sa akin ay kaya ko iyong gawin alang-alang sa kanya. He took not just my heart but also my whole system.

Dinungaw ko ang buo kong katawan. All this time, it's him that I could remember. Minarkahan na niya ang katawan ko na kanya.

Is this how awful love could be? Does loving a Kiefer Ravena cause you this much pain? I guess, yes. His love is toxic. His love is extraordinary. His love is one of a kind. And when you felt it, it's harder for you to say goodbye.

Kaya siguro ganun na din ang paghahabol ulit ni Mika sa kanya. Pero kasalanan ko pa rin naman iyon kaya maaaring sabihing di naman sadya nilang dalawa ang hiwalayan kung di lang sana ako nakigulo.

Everything started with me. Kung di ako uminom edi sana hindi ako nalasing. Sana ay di ako nagpadala sa emosyon sa gabing iyon. Sana di ko nagawa iyon. Pero kung di rin naman dahil doon ay di ko rin malalasap ang tamis ng pagmamahal niyang matagal ko ng inasam-asam.

"I need to go." pagpapaalam ko kay Amy matapos kong magtanghalian.

"Wait! Ly, what's happening?" pigil ni Amy sa akin.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para di makawala. I turned to face her.

"I'll explain after this, Besh." saad ko.

Di ko na hinintay ang kanyang sagot. Dumiretso ako palabas at pumasok sa kotse ko. Ala una na ng hapon kung kaya't kailangan kong magmadali.

Pero sa kasamaang-palad ay di yata nakisabay sa akin ang panahon. Mahaba ang traffic at nagsisimula ng umambon. Napahampas ako sa manibela ng aking sasakyan sa irita. Damn! Why do I have to suffer this much?

Tatlong minuto makaraang ang alas dos nang makarating ako sa park. Di na ako nag-abalang kunin ang payong sa likod ng kotse ko. I'm late. And I don't know if he's still here. 2 pm sharp. Shit!

Nagmukha akong basang sisiw sa kakaikot sa malaking parkeng ito kakahanap sa kanya. He's nowhere to be found. Tears started rolling down my cheeks. My knees were trembling. Napayuko ako sa gitna ng parke at napahikbi.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak din ng mainit at maliliit na butil ng aking luha. Sobrang sakit. Parang hinihiwa ang aking dibdib sa di maipaliwanag kong nararamdaman.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon