Chapter 19

1.3K 62 0
                                    

Di na ako pumalag sa pangalang napili niya para sa gagawin daw naming restaurant. Besides, I know he's decision's final. Wala na rin akong lakas na pumalag pa sa kanya dahil sa kahihiyang natamo ko.

"People see him as a jerk but I know you don't see him that way. It's been years since you two became great friends. Noon pa man ay hinangad ko ng sana ikaw na lang, Ly. But what can I do? He's Kiefer Ravena. And that means, he gets anything he wants. Nakikita kong binaliw mo ang Manong ko. Sana naman hanggang sa simbahan na kayo." mahabang saad ni Tita Mozzy at mahinang tumawa.

Tipid akong napangiti kay Tita. Nangangapa ako ng isasagot pero wala akong mahanap. Tinikom ko na lamang ang nakaawang kong bibig.

Sana nga talaga. I can't imagine myself if ever Kiefer would leave me. Mababaliw na siguro ako kapag yun ang mangyari.

I could probably be a greater wreck than he was months ago. I'd probably die if that shit happens.

"Ma!" rinig kong sigaw ni Kiefer sa loob ng bahay. "Tinakot mo ba yung mapapangasawa ko?" tanong niyang nagpainit sa pisngi ko.

Shit! Why is he like this? Nakakahiya sa Mama niya. Damn, Ravena!

Bahagyang natawa si Tita sa tanong ni Kiefer. Hinawakan niya ang balikat nito at kinurot ang pisngi na siyang nagpaaray sa kanya. Hinawakan nito ang nakurot na pisngi at hinimas-himas.

"Why would I do that?" at natawa na naman si Tita Mozzy. "Ang possessive mo lang talaga, Manong. Baka masakal si Alyssa niyan." at ngumiti ulit si Tita.

Kumunot naman ang noo ni Kiefer sa turan ng ina. Nang mapansin siguro niyang nakatitig ako sa magkadikit na niyang kilay ay saka pa nagbago ang kanyang ekspresyon at huminahon.

"Sige na. Hatid mo na si Alyssa at mag-gagabi na. Ingat kayo sa biyahe." paalala ni Tita. "Thank you for coming. Balik kayo kapag di kayo busy." dagdag pa ni Tita.

Tumango ako at saka nagpaalam sa kanila. Umalis kami ng bahay nila ng bandang alas singko y media.

Ang langit ay unti-unti na ring binabalot ng kadiliman. Idagdag pa ang medyo makulimlim na panahon.

Buong biyahe ay tahimik si Kiefer. Siguro napagod siya sa kakagawa namin ng cookies kanina. Di na lang rin ako nagsalita. Sinanadal ko ang ulo ko sa bintana at di ko namalayang nakatulog pala ako.

Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Nang inimulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang ilang sentemetrong layo lang ng mukha ni Kiefer sa mukha ko. Napabalikwas ako sa kaba. Mahina naman siyang tumawa sa reaksiyon ko.

"I'm sorry to wake you up. Pero madilim na sa labas at saka umuulan pa sa labas. You need to take a rest." he said.

Saka ko lang namalayang tumatagaktak na pala ang ulan sa labas. Shit! Bakit di man lang ako nagising?

Kahit nasa loob pa man ay tila ramdam ko na ang lamig sa labas. Ang lalaki ng butil ng ulan. Tiningnan ko si Kiefer at ngumiti ito.

"Thank you for today. Pinasaya mo ako." I smiled.

"Ako dapat ang magpasalamat. You made my day extraordinary. I already talked to some architects and engineers who could design our restaurant." he said.

Nagulat ako sa sinabi niya. Wow! That fast? Akala ko ba nagpaplano pa kami kanina? Ngayon, meron na agad siyang mga kinausap.

Bahagya siyang natawa sa gulat kong reaksyon. "Don't worry. They're good." and he winked.

Napatango-tango na lang ako sa turan niya. Well, what can I do? Nandiyan na eh. Daig pa ata niya ang isang girl scout.

Kumuha siya ng payong sa likurang upuan. Isang itim na payong ang nadukot niya. Binuksan niya ang pinto niya at saka sinunod ang payong. Lumabas siya ng driver's seat at umikot para pagbuksan ako. Malaki ang payong niya pero sa lakas ng ulan ay natatalsikan pa rin kami.

Hinawakan niya ang braso ko at idiniin sa kanyang maskuladong katawan. Suddenly, I felt his warmth. Nakarating kami sa pintuan ng dorm at doon sumilong.

Nanginginig ang buong katawan ko sa ginaw kahit na segundo lang naman ang nilakad namin. I hugged myself to feel some heat.

"See you again." sabi ko at nahiyang ngumiti.

Maybe I need to take some language courses. Yung tipong magaling sa pakikipag-usap. I'm poor at that.

"See you." he smiled.

"Sige, akyat na ako. Salamat sa paghatid." saad ko at saka umambang papasok na.

Hinila niya ang braso ko at saka niyakap. Fuck! Mabilis na kumalabog ang puso ko sa ginawa niya. Parang ayaw ko na tuloy na pumasok. All I want is to cuddle with him all night. Shit!

Think straight, Ly. At mahina kong kinurot ang palad ko.

Ang init ng kanyang katawan ay tila nanunuot sa aking kalamnan. It feels so perfect. Para bang naaayon ang posisyon ng aming mga katawan. Parang bigla-bigla ang pagkawala ng ginaw na naramdaman ko kanina.

"Nasasakal ba kita?" he whispered in my ears.

Ito ba ang nagpapabagabag sa kanya kanina kaya wala siyang imik? Crap! I should have known.

"Hindi." I replied calmly.

Bumitiw ako sa yakap at tiningnan siya sa mata. Bakas ang kalungkutan sa mga matang iyon. I smiled to brighten up his face but he did not even change his reaction.

"Really?" he asked as if reassuring. Tumango ako.

"I want you to say it, Ly. I want to hear it." he pleaded.

"Hindi ako nasasakal, Kief. Masaya ako sa'yo." sabi ko sa kanya.

He hugged me again. This time, a little bit tighter. I can feel his heavy breathing. I can feel his pounding chest. Ghad! This man is making me crazy. Parang ayaw ko na tuloy siyang pakawalan ngayon. Ayaw ko muna siyang umuwi.

Kumawala siya sa yakap. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. Our faces were only inches away. I can smell his mint-scented mouth.

He kissed my forehead which sent shivers down my spine. Ganito ba talaga kalaki ang epekto mo sa akin, Kiefer? Ramdam kong bawat sulok ng aking katawan ay may markang sa'yo.

"I am fully yours, Ly. Fully yours." pabulong niyang turan.

Napapikit ako sa lambing at lamig ng kanyang boses. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Di ko alam kung ano ang uunahin sa dami niyon.

"I need you to wait." bulalas ko.

Time. It's what I need most. Though, I know what my heart wants. I know what my heart desires. But I need a little more time to let my mind work.

Napalunok ako sa bukol na namumuo sa aking lalamunan. It was the conscience. Ang konsensya ko sa nangyari sa kanila. I need time. Time to loosen up. Time to forgive myself. And time to tell the whole truth.

"I can wait. Because I know, in the end, you'll still end with me." magara niyang sagot at saka hinalikan ang kamay ko.

I know, Kief. I know you can wait. But would you ever forgive me if you'll know Mika is telling you the truth? Would you ever forgive me?

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon