Chapter 26

1.4K 67 4
                                    

On the 4th day of May 2016, I let myself loose in the wilderness of his love. And all I can say is that he never failed to make my heart beat for his name.

Sa araw na sinagot ko siya ay ibinalita niya agad iyon sa sangkatauhan. He posted a photo of us in Instagram and the caption made it clear to the people that we're finally together.

Nagdaan ang mga araw. Amy, Mae, and I were surprised by Ella and Den. Tuwang-tuwa kami nun. I never thought they'd surprise us. Napaniwala nila kaming may shoot lang daw kaming gagawin. And what's worse? Isa lang naman si Kiefer sa nagplano ng surprise na iyon.

"Thank you, baby." pagpapasalamat ko sa ginawa nilang surpresa.

Baby. Yes, finally I agreed with that endearment thing. Bakit ba naman hindi?

"Anything for you, baby." he said in a husky voice.

He kissed my forehead and told me to enjoy my night with my friends. Kaya iyon ang ginawa ko. Tawanan at catch-up ang naganap sa aming magkakaibigan.

Days later, my journey with him went smooth. Wala naman kami masyadong away pero may mga kaunting tampuhan. Just like how a normal relationship is.

Endorsements and invitations doubled up this year. Ganun din si Kiefer. Busy man kami sa schedules namin ay nakakayanan pa rin naman naming humanap ng oras para magkasama.

Ang aming restaurant ay lumalakas na at binibisita na ng mga tao. Magaling naman ang nakuhang manager ni Kiefer para dito.

Ang pagsisimula ng Shakey's ay nalalapit na. I was recruited by Bali Pure. Ngayon, di na si Coach Tai ang coach ko at makakalaban pa talaga namin ang team niya.

"Baby!" tawag ng lalaki sa likod ko.

Nilingon ko ang tumawag at napangiti ako sa nakita. He embraced me the moment we were centimeters apart. He gave me a peck in the forehead and we walked hand in hand.

Ang malamig na hangin ng London ang sumalubong sa amin sa daang tinatahak.

He's finally here. Di ko akalaing pupunta talaga siya rito. Besides, he's family's here except for Tito and Thirdy. Magkasama kami ni Tita Mozzy at Dani dito sa London. Isang training camp ang pinunta naming mga voleyball players dito ngunit nagmukhang bakasyon lamang iyon.

Masaya ang bawat araw na magkasama kaming dalawa doon. We visited different places in there.

"Masaya ka ba?" he asked me.

Nasa isa kaming tanyag na lugar ngayon. An overlooking place. A place where the city lights looked like glimmering stars. Tiningnan ko siya at tinanguan.

"Sobra." I said. Tipid ko siyang ningitian.

He showered my forehead a sweet long kiss and hugged me after. Niyakap ko rin siya pabalik. How I love this man!

Ilang araw ang tinagal namin sa London. Ang sunod naming destinasyon ay ang pinakaromantikong lugar sa mundo. Paris!

I was amazed by the beauty of Eiffel. Ang toreng ito ay masyadong matayog at matatag. How I wish our relationship would be like this tower. Solid and long-lasting.

We took several shots with the Eiffel. Ang sarap sa pakiramdam na makasama ang taong mahal ko sa lugar na ito.

Namasyal kami kasama sina Tita at Dani. Umabot pa kami kung saan-saan sa pamamasyal.

"Kunan mo nga kami, Dan." saad ni Kiefer sabay bigay kay Dani sa cellphone niya.

Nagtaka naman ako sa pagpapakuha niya ng litrato. Ang rami na ng pictures namin pero di pa rin siya napapagod na kuhanan at magpakuha ng litrato namin.

I smiled the moment I heard the click. Kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, edi gagawin ko ito ng walang pag-aalinlangan.

Nasa isa kaming tahimik na sementadong daanan kung saan matatanaw pa rin ang Eiffel. Maganda nga ang lugar na ito para pagkuhanan ng mga litrato.

Kinuha ni Kiefer ang cellphone niya kay Dani. Tiningnan niya ang litratong kinuha nito. Nakitingin na rin ako sa kuha ni Dani. Napangiti ako ng makitang maganda ang pagkakakuha nito at napakaganda ng tore sa likod namin.

Tiningnan ko si Kiefer na nakangiting nakatitig sa litrato. He loves capturing moments, huh?

"Pang-ilan na natin yang litrato ah. Bakit ang hilig mong kunan ng litrato ang halos kada minuto?" natatawa kong sabi.

He faced me, his eyes locked on mine. His lips curved into a smile. I looked around to see if there are people. Hindi talaga ako mahilig sa PDA.

Nakita ko sina Tita at Dani na naglalakad na. Naiwanan na kaming dalawa sa pwesto namin. Tiningnan ko siya sa mata at hinintay ang kanyang sagot. Well, I really don't mind if he won't answer me.

"Para kung iwan mo man ako, maalala mo ako kahit saang sulok ka man ng mundo magtago. Because we'll make every place unforgetable." turan niya.

His first line strucked me. Iwan? Hindi ko iyon magagawa. I can't loose him. I just can't. Baka nga siya pa ang mang-iiwan sa aming dalawa. Baka siya pa ang mang-iiwan sa akin kapag nalaman niya ang lahat.

I shook my head at the thought. Ipinagtaka niya naman ang inasal ko kaya nagsinungaling na lang akong may naramdamang bagay na kumapit sa buhok ko kaya ko niyugyog ang ulo ko. Napaniwala naman siya doon. Of course, I'm the queen of dramas and lies.

Our last days in Paris were unforgettable. Kahit saan-saan kami nagpupunta, kumakain, at kung anu-ano pa.

Our next stop was Italy. Akala ko noong una ay di na makakasama pa si Kiefer sa amin dahil baka mauna siyang umuwi sa Pilipinas. Pero hindi pala. Sumabay pa rin siya at nagpa-reschedule na lang.

"Baka mapagalitan ka ni Coach Tab niyan." suway ko sa kanya nung nagpumilit siyang sumama.

Tiningnan niya ako. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa baywang ko. Tinusok niya ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. He pouted like a child.

"Bahala na kung mapagalitan ako. Atleast, I'll spend my time with the girl I love. What's work's purpose if you can't make time for the one you want to dedicate your achievements in it?" makahulugang sabi niya.

Napangiti ako at kinurot ang tagiliran niya. Napangiwi naman siya sa sakit kaya nagsimula na akong kumalas at tumakbo para di siya makabawi. Tawa ako ng tawa nang hinahabol niya ako.

"Nambola ka na naman kasi." natatawa kong saad sa kanya.

Naghahabulan pa rin kaming dalawa. Nagmukha na naman kaming mga bata sa ginagawa. Napagod ako sa kakaikot sa malaking fountain dito sa Italy para di niya mahabol. Pero sa huli, bumigay ang aking mga hita sa kakatakbo.

Nasikop ako ni Kiefer. He's hugging me from the back. Umikot ako para makita ko siya. Hinihingal kaming pareho kaya nagtawanan nalang kami.

Nagulat ako ng bigla niyang akong binuhat. Hawak-hawak niya ang binti ko. Para tuloy akong tumaas bigla. Napahawak ako sa leeg niya nang bigla nalang kaming umikot. Ang buhok ko ay sumasayaw sa hangin.

"Ano ba?" natatawang kong sigaw sa kanya. Nabatukan ko tuloy siya sa ginawa niya.

Ibinaba niya ako at saka hinalikan. Marami mang tao sa lugar na ito ay nawalan na ako ng pakealam sa kanila. All I know is that he gave me a sweet passionate kiss that I did not even dared resist.

His mouth tasted chocolate and mint. His lips were soft as cotton. And his tongue seeking for entrance, intertwining mine.

"I love you." he said after that long kiss.

"I love you too." I replied.

He held my hand and faced the crowd. Oo may mga taong nakakita sa ginawa namin. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. But Kiefer's grip tightened as if telling me it's going to be okay.

"I love this girl so much! And I can't afford loosing her." and he bowed in front of the crowd.

Nagpalakpakan naman ang mga taong naroroon. This is why you should love this kind of guy; not afraid what people think as long as he can show to the world how much he love his girl.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon