Chapter 13

1.4K 61 1
                                    

Alas kwatro ng umaga ay nagising na ako. Ganun din ang mga teammates ko. Si Amy ay nakabihis na habang ang iba ay kinukusot pa ang mata. Si Ponggay ang nakita kong kapapasok pa sa banyo. Tumayo ako sa kama at kinuha ang tuwalya ko.

"Oh you're awake! Good morning, Besh!" bati ni Amy.

Binati ko rin siya at saka ang iba. Antok na antok pa ang iba. But what can we do? This is our life. This is a student-athlete life. Mamayang alas nuebe ang training namin. Pero maaga kami ngayon dahil may shoot pa kami para sa kakalabas lang ng Getblued shirts.

Nang makarating kami sa may kalakihang factory nila kung saan naroroon ang stocks ay agad na pinakita sa amin ang bagong designs ng shirts nila. Magaganda ang mga iyon.

Sinuot na namin ang bagong shirts nila. Unang sumalang sa photoshoot si Bea at Jho. Umupo ako sa isang gilid habang naghihintay.

Ilang minuto din kaming naghintay para sa matawag kami. Si Amy ay may kung anu-anong nilalaro sa cellphone niya para may pagkakaabalahan. Limang minuto pa ang lumipas nang dumating si Von at Lau.

"You're here." ani isang staff ng photographer.

Pinaupo agad nila si Laura at Von para masimulan ang pagme-make up kay Laura at pag-aayos sa buhok ni Von.

Silang dalawa ang partner sa shoot. Napangiti ako sa bawat pose ng dalawa. Bagay na bagay ang dalawang ito. Pawang mapuputi at galing sa magandang lahi. No doubt Laura was crowned 1st Runner-up in Binibining Pilipinas. Von, on the other side, has a built body. Katawan pa lang nito ay mapapatili na ang mga babae. Paano pa kaya kapag nakita na nila ang napakagwapo nitong mukha at sinabayan pa ng ngiti? I smiled at the thought.

"So, you're into Von Pessumal, huh?" saad ng lalaki nakatayo sa gilid ko.

Nakahalukipkip siya at nakabusangot ang mukha. Parang punyal ang mga tingin nito. Matatalim na mga titig ang ipinukol niya kay Von na kasalukuyang may photoshoot pa kasama si Laura. Ang kanyang mga kamao ay nakakuyom na. Kitang-kita sa mga bisig nito ang ugat na nagpapahiwatig na galit na galit na ito. His jaw clenched.

Tumayo ako at hinawakan ang kanyang braso. Ramdam ko ang bilis ng kanyang mga hininga.

"Ano ba yang sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Von. Tsaka, you know how much I like their loveteam? I'm their number one fan, you know that." I told him, trying to calm him down.

Unti-unti namang naging normal ang paghinga nito. He's also trying to calm down, I can sense that. He then faced me and cupped my face.

"I can't bare seeing you watch guys other than me. I can't, Ly. I just can't." at umiling ito.

I opened my mouth to utter a word but before that happens, a flash of camera caught me. Bakit ba lagi nalang ata kaming nahuhuli ng camera?

The photographer looked at his DSLR with a smile. He shooked his head as if not satisfied with what he saw.

"Sayang! Na-blur pa. Ang ganda na sana ng kuha." sabi niya.

Lumapit siya sa amin at ngumiti pa. Oh please! I hope he's not thinking what I'm thinking.

"Kayong dalawa ang susunod." untag niyang nagpanganga sa akin.

Shit! Ayoko ng dagdagan ang matatabang iniisip ng tao tungkol sa amin. But I just can't deny them. This is Getblued, Ateneo's official shirt designer, dealer, and distributor.

"Okay." saad ni Kiefer at hinila na ako sa kung saan kami kukuhanan ng shoot. Ang unang picture namin ay sa isang corner kung saan nagkalat ang shirt products na nakaplastic.

"This one's for the header sa Getblued website natin." he said and told us what to do.

I am not comfortable with this thing but I need to keep in mind that this is just pure business. At isa pa, mas huhusgahan lang kami kapag malaman ng mga taong tumanggi ako dito.

I smiled at every pose. Medyo nakakapagod din pala ang pagngiti. Alas seis  natapos ang sa amin ni Kiefer. I waited for the others. Nagsho-shoot pa ang iba.

"Gutom ka na ba?" tanong niya.

Saka ko lang naalalang di pa pala kami nag-agahan.

"Let's eat somewhere." saad niya.

Maganda ang ideyang iyon kaso nakakahiya naman sa teammates ko kung iiwan ko sila dito at ako'y kakain. Nasanay na akong halos araw-araw ay sabay-sabay kami.

He sighed. "Okay, let's just go somewhere and order. For you, for me, and for them." at tinuro ang iba. "At dito na tayo kakain." he smiled as if reassuring me.

Lumabas kami at dumiretso sa parking space. Papunta na sana ako sa Chevy ko ng hinigit niya ako at dinala sa sasakyan niya.

"Sayang lang ng gasolina pag isa-isa tayo." usal niya sabay bukas sa front seat para makapasok ako.

Hindi na lang ako umimik. He's right anyway. Sa Jollibee lang kami dumiretso tutal kilalang suki na kami ng food chain na ito. We were offered before to be their guest. Natatandaan ko pa ngang nakapula kami noon ni Kiefer tapos kasama ang mga bata.

I ordered my usual order. Ganun na rin para sa mga kaibigan ko. Nang makuha ang pagkain ay agad kong binuksan ang dala kong sling bag. Dinukot ko mula doon ang wallet ko nang bigla akong sipatin ni Kiefer.

"Ly, I'll pay for it." saad niya at binigay sa cashier ang card niya.

"Pero it's for my friends. Ang dami nun." sabi ko.

Marami-rami ang orders na yun. Tapos babayaran niya yun lahat? I know he came from a wealthy family and in his young age, I know he's earning, but he shouldn't spend for me.

"Ly." at bumuntong-hininga siya. Kinuha niya ang paper bags ng orders namin at saka ako hinatak.

Nang makapasok sa sasakyan ay nilagay niya sa back seat ang mga pagkain. A staff knocked his car window and showed him the other paper bags. Binuksan niya iyon at saka kinuha at nilagay na rin sa back seat.

"Babayaran kita." I told him after he closed his window for the last paper bag.

"Ly, hindi na nga." he insisted.

Napatikhim ako. Ano bang problema niya? I just want to pay him.

"Ba't ba ayaw mo?" medyo tumaas ang boses ko.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kaninang mahinahon ay parang may konting iritasyon.

"Are you mad?" tanong niya.

Inirapan ko siya at hinarap ang bintanang katabi ko. I don't get him.

"Ly." pagpapansin niya.

"Drive. I'm hungry. At doon ako kakain." pagsisinungaling ko para makaalis na kami.

Buong byahe ay wala kaming imikan. Or should I say, di ako umimik. Napapansin ko rin siyang patingin-tingin sa akin. Di ko siya tiningnan pabalik. Bahala siya. Suffer, Ravena!

Nakarating kami ng busangot ang mukha ko. I was about to open the door when he stopped me. Tiningnan ko siya gamit ang naiiritang tingin.

"Ly, sorry. I just don't want you to pay. Babae ka. At saka, nililigawan kita." malungkot na mukha niyang sinabi.

Di pa rin ako umimik. Inirapan ko lang siya at diretso ang tingin sa harap. Naka park na ang sasakyan pero di pa kami bumaba.

"I just don't want you to spend. Gusto ko lang namang maramdaman mong simula pa lang ngayong nililigawan kita, ay mase-secure ka ng maganda ang future nating dalawa. I want you to feel that I'm ready. Handa na akong pakasalan ka. Handa akong maging breadwinner. Handa ako sa lahat ng gastos ng pamilya natin, Ly." puno ng pagsusumamo ang boses niya.

I never thought he'd gone that far. Di ko pa nga lubos maisip kung paano pag naging kami. Pero siya, handa na siya sa kinabukasan namin. May plano na siya sa lahat.

This is one of the reasons why he caught my attention. Damn you, Ravena!

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon