Chapter 17

1.4K 55 0
                                    

Mabilis ang takbo ng buong araw namin sa Batangas. An hour after our lunch, I decided to take him to some of the most visited places in here. Tuwang-tuwa kami sa bawat liko namin sa syudad.

"Ingat kayo pauwi. Dalaw ulit kayo dito." ani Mama nang paalis na kami.

"Opo. Baka nga mapadalas na ang bisita namin dito pagkatapos ng UAAP." tugon ni Kiefer.

"Maganda kung ganoon." ani naman ni Papa. "Ingatan mo yang bunso namin, ah." striktong habilin ni Papa.

"Yes, Boss!" sabay saludo pa ng mokong.

Alas kwatro ng hapon nang lisanin namin ang Batangas. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng campus. Nang makapasok na ako ay siya namang pag-alis niya pabalik sa kanyang condo.

"Hi!" maligayang bati ni Amy nang makapasok ako ng dorm.

Sinimangutan ko siya at nilagpasan. Rinig ko naman ang bawat apak niya habang sinusundan ako sa taas.

"Oh! Didn't my plan work out? But it seems like you're happier than this morning." patuloy niyang saad habang sunod pa rin siya ng sunod sa akin.

Sa tanong niyang iyon ay saka pa ako nahimasmasan sa kung bakit ako nagpunta ng Batangas. I went there for peace. I went there to freshen up my mind. I went there to make some things clear. I went there to talk to myself first. I need some time to think.

Pero kung iisipin ko pa ang mga bagay na ito, para na ring pinipigilan ko ang sarili kong sumaya. Why not go with the flow?

Patuloy pa rin ang schedule namin araw-araw. Training ng maaga, klase ang sunod, at saka practice na naman sa gabi.

Kiefer would always find time visiting me. Kung malaman niyang may practice kami at di siya busy ay manunuod siya.

He kept sending me some chocolates and flowers. Ganun siya lagi. Kahit ilang beses ko ng pagsabihang huwag na kasi dagdag gastos na iyon ay mapilit pa rin siya.

"Congratulations, my Phenom!" and he winked.

"Thank you." I replied and gave him a sweet smile.

Inakbayan niya ako papunta sa changing room namin. Sa labas siya naghintay. Pumasok ako at hinagilap ang dala kong bag. Kumuha ako ng isang t-shirt at papasok na sana ng C.R. nang nagsimula silang magkantyawaan.

"Asus! I'm lucky I'm inlove with my bestfriend pala itong si Ate Alyssa eh." saad ni Jia at nagsimula na naman silang maghiyawan.

Si Mae na nasa gilid ko na sumali sa pang-aasar nila ang nabatukan ko.

"Mga baliw!" sabi ko sa kanila at dumiretso sa C.R.

Napahiya na naman ako dun. Ramdam ko tuloy ang init ng pisngi ko. Ayoko talaga sa mga ganitong usapan. This is the main reason why I want this things to remain private. I am not really comfortable with this topic.

Umalis kami ng arena at diretso kaming bumyahe papuntang dorm. Nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan sa aming munting panalo. Nagkakantahan pa kami sa gabing iyon.

Kinabukasan, araw ng Linggo, ay napakiusapan namin si Coach Tai na wala munang training sa araw na ito. Pagkapayag na pagkapayag ni Coach kanina ay dali-daling nagsibihisan ang mga teammates ko. Maging si Amy ay mukhang may plano ng lakad sa araw na ito.

Nakatunganga lang ako sa sala habang tinitingnan ko silang nagsasaya. Bihis na ang iba habang ang iba nama'y papasok pa sa banyo.

"Thank you, Ate Ly! You are our savior!" at sinabayan pa ng kurot ni Jho sa pisngi ko.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon