Chapter 15

1.3K 63 9
                                    

My week went too slow. Siguro dahil sa pagod na pagod kami araw-araw. Maaga ang practice namin sa umaga at isang oras lang ang aming pahinga bago pumasok sa klase namin.

Sa hapon ay klase pa din kami. Hanggang alas seis natatapos ang klase ko. Minsan nga ay hanggang alas siyete pa ako dahil sa mga kailangan ko pang i-take up. May practice pa kami sa gabi ng isang oras. Pagkatapos ng practice ay saka pa namin masisimulan ang school works namin.

Madaling araw na kami natatapos. Minsan nga ay magdamag kaming gising. Alagang-alaga nga raw namin ang eyebags namin.

Si Kiefer naman ay minsan na lang nakakatawag. Busy kasi siya nitong mga nakaraang araw sa basketball daw. Naintindihan ko naman iyon kaya di ko na masyadong kinukulit.

Halos present naman siya sa bawat games namin sa UAAP kaya naging kampante lang ako dun.

"Kain tayo sa labas?" suhestiyon niya matapos ang laro namin.

Miyerkules iyon. Yun yung huling araw na nagkita kami. Naging busy kasi siya sa schedule niya. Dumating ang Sabado nang di nagparamdam si Kiefer. Wala akong natanggap ni text galing sa kanya.

Usually, he finds a way to make some time for me during Saturdays. Pero wala ngayon.

Hi.

Di ako mapakali sa di niya pagte-text o pag-reply man lang. I called him but he's not answering. I flooded him with texts pero di pa rin siya nagre-reply.

Nakatulog ako sa pagod ng kakahintay sa tawag o text man lang niya. Alas dos ng madaling araw ako nagising. Tiningnan ko ang paligid at nakitang himbing na natutulog na sila. Dinampot ko ang cellphone ko sa kama ko at saka binuksan. Dalawang mensahe ang naroon. It was from him.

Kiefer Ravena:
I'm sorry. Haven't replied. Di masyadong maganda ang pakiramdam ko kaya nakatulog ako buong araw. Sorry.

Kiefer Ravena:
Talk to you soon. Tulog ka na siguro. Goodnight then.

Kaninang alas diyes pa ito naipadala. Tulog na nga ako nung mga oras na yun. I read his message once again.

Wait! May sakit siya? Dapat puntahan ko siya. Pero siguro tulog na din yun. Pero siya lang mag-isa sa condo niya. Siguro di pa yun nakakain ng hapunan. Saka ko din naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Di nga rin pala ako nakakain kanina.

I went downstairs to grab something to eat. Mga prutas lang ang nakita ko doon. Walang ulam. Siguro umorder nga lang sila kanina nung tulog ako.

Kumuha ako ng isang mansanas at bumalik sa kwarto para makapagbihis. Kinuha ko ang susi ko at dali-daling bumaba.

Nang lalabas na sana ako ng campus ay pinara ako ng guard. Fuck! Di ko ito kilala. Akala ko pa naman si Manong Tonio ngayon ang assigned. Kinatok niya ang bintana ng driver's seat kaya binuksan ko.

"Ma'am, alas tres pa po ng madaling araw. Di pa po pwedeng lumabas." aniya.

"Manong, emergency po. Palabasin niyo naman po ako." pagmamakaawa ko.

"Ma'am, sa office ka na lang po kayo mag-explain sa emergency niyo kasi baka po mawalan ako ng trabaho." saad niya.

I sighed. Kailangan ko pang harapin ang Dean ngayon para makapagpaalam.

I parked my car in the open parking space. Bumaba ako at sumama kay Manong. Napagalitan pa ako ng Dean dahil bawal talaga ang ginawa ko. I explained to her everything pero binalewala niya iyon.

"Now, this is your first warning, Ms. Valdez. If you'll be caught for the second time around, suffer for my punishment." at tumayo na siya at humikab pa.

Nagising ko kasi siya sa tulog niya kaya humihikab pa ito. Umalis na ito ng office at iniwan ako doon kasama ang guard-on-duty. Bumalik kami ni Manong sa main gate ng campus.

"Pasensya na po kayo, Ma'am. Ayoko lang po talagang matanggal." pagpaumanhin nito.

"Okay lang po iyon." tugon ko.

Wala akong nagawa kundi tumunganga nalang sa loob ng kotse ko. Hinintay ko ang ilang oras bago ako pinalabas ni Manong.

Pagod akong nagmaneho patungo sa condo ni Kiefer. Puyat na puyat pa ako dahil sa katutunganga ko kanina. Pinindot ko ang elevator at saka pumasok para makapunta sa taas.

Naglakad ako patungo sa unit niya. Hindi na naman naka-lock ang unit niya. Paano na lang kapag pinasok siya dito? Pumasok ako at diretso sa kusina ang tungo ko. Tulog pa iyon kaya di ko na muna gigisingin.

Nagluto ako ng kare-kare. Nagsaing na rin ako ng kanin. Hinanda ko ang lahat sa lamesa niya. Gumawa na din ako ng sinigang para may mainom siyang sabaw. Nang mag-alas siyete y media na ay pumasok ako sa kwarto niya.

Laking gulat ko ng makita siya doong topless. Maamo ang mukha nito at himbing sa tulog. Pero ang nagpagulat talaga sa akin ay ang katabi niya. Nakapulupot ang braso niya sa natutulog din na si Mika.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto at saka umalis. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Natatabunan na ng mga ito ang paningin ko. Dali-dali akong nagmaneho paalis sa lugar na iyon.

Kung saan-saan ako lumiko. Ayoko munang bumalik sa dorm. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong iiyak na lang muna lahat.

Mika's there. Mika's with him. Katabi pa silang natulog. Fool Alyssa! Ang tanga mo!

Napadpad ako sa parke na naman. The same old park. Bakit dito na lang ako laging napapadpad kapag gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit?

Naupo ako sa isang bench doon. Binuhos ko lahat ng hinanakit ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ang tanga-tanga ko? Noong una, alam ko namang umaasa pa siya kay Mika.

It's my fault. Alam niya sigurong may gusto ako sa kanya. Alam niya siguro iyon noon pa. Kung kaya't kumagat siya doon nung iniwan siya ni Mika. Siguro iniisip niyang sana ako na lang si Mika. Damn Alyssa!

Isang oras ang ginugol ko sa kakaiyak. Pinunasan ko ang tuyo ko na ngayong pisngi. Umalis ako sa parke at bumalik sa dorm.

Mugto pa ang mga mata ko pero binalewala ko iyon. Pumanhik ako sa taas at saka kinuha ang isang sling bag. Nagpalit din ako ng shorts at isang sleeveless shirt.

"Besh, where are you going?" saad ni Amy.

Kanina pa nila ako tinitingnan. Alam kong gusto nilang magtanong kung napaano ako dahil sa mugto kong mga mata pero wala ni isang naglakas-loob. Nakabihis ang iba. Aalis siguro sila tutal Linggo ngayon at wala din kaming training ngayon.

"Batangas. I'll be back this afternoon." ngiti kong sagot sa kanya.

"Okay, take care." sabi niya.

Ningitian ko lang siya at saka bumaba na. Nagmaneho ako patungong Batangas. Malayu-layo din ang byahe pero sanay na rin naman ako papunta doon.

Nang makarating ay ngiting-ngiti ako sa bumungad sa akin. I missed this place. Ang maliit naming bukid. Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Lolo sa sala.

"Nandito ako!" sigaw ko pagkapasok.

Napapalakpak naman si Lolo habang tiningala ako. Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap.

Na-miss ko ang lugar na ito. Na-miss ko ang simple kong buhay sa probinsyang ito. Gusto ko tuloy bumalik sa dati. I hugged my parents.

My family never fails to make me smile. Pinapagaan nila ang loob ko. Sila talaga ang lagi kong pinupuntahan kapag ganitong sumasakit ang loob ko.

"Ano ba, Kuya!" saway ko sa kapatid ko nang ginulo niya ang buhok ko.

"Akala namin nagbibiro si Kiefer na pupunta ka dito. Ba't di na lang kayo nagsabay? Ikaw talaga!" saad ni Kuya. "Nandoon siya sa mga kalabaw, nagpapakain." at tumawa pa siya.

What? Fuck! Nandito siya?

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon