Chapter 28

1.4K 71 11
                                    

"You still didn't told him the truth?" malamig na boses na sinabi ng babaeng kakapasok lang.

Napahagulhol ako nang tiningnan niya ako ng matalim. Niyakap niya ako at yun ang naging suporta ko para hindi tuluyang maupo sa sahig. My knees are trembling.

"Den, I should have told him. Pero di ko kinaya noon. Di ko kaya, Den. Baka iwan niya ako." saad ko.

She hugged me tighter. Sinubukan niyang patahanin ako. Nang kumalas ako sa yakap na iyon ay pinunasan niya ang luha ko.

"We should go." litanya niya.

At iyon nga ang natupad. Umuwi kami sa dorm ng maaga kesa sa inaasahan. And it's all because of me again. I told them I'm fine alone but they insisted to come with me. Besides, it's 11 pm and we might have a punishment for breaking the curfew rule.

Pasado alas onse y media na kami nakauwi sa dorm. Buti na lang at pinapasok pa kami. Matamlay at wala akong imik buong biyahe namin pagbalik. Ella and Den decided to sleep at the dorm since they don't have any planned activities for tomorrow.

Imbes na dumiretso sa kwarto ay wala sa sarili akong umupo sa couch ng living room. The three of them joined me. Namumugto ang mata ko habang tipid silang ningitian.

I opened my phone to tell Kiefer I'm home. Tuwing nakikita ko ang pangalan niya ay parang nabibiyak ang puso ko.

I'm at the dorm, already.

11:49 pm was displayed on my phone screen. I can sense the gaze of Ella, Amy, and Den as if waiting for me to open up.

Tumikhim ako. Nangingilid ang luha ko na siyang dahilan para tingnan ko ang kisame.

"Di ko na kaya, Besh. Akala ko ayos lang na di na niya malaman. I thought it would be easier if I'll just keep it." sabi ko at saka naramdaman ang pagbuhos ng maiinit na butil ng tubig galing sa aking mga mata.

I heard them sigh in unison. Tahimik akong umiiyak sa harapan nila.

"It's my fault." pag-ako ni Den.

Umiling ako sa tinuran niya. No, she did nothing wrong. Ako ang may gustong gawin iyon. Isa pa, hindi naman talaga yun ang ipapagawa niya sa akin sa gabing iyon. Pinigilan niya pa nga ako kasi nagbibiro lang siya. It is clearly my fault. I was driven by my insecurities.

"Ako ang may kasalanan, Den. Di ako nagpapigil. Ginawa ko iyon dahil gustong-gusto ko rin silang tibagin. Napuno ako galit at inggit kay Mika." pag-amin ko sa kanila. "Ako ang may pakana ng lahat. Ako ang may pakana ng paghalik ng ex ni Mika sa kanya. Ako ang may pakana ng video." humahagulhol kong usal sa kanila.

Their eyes widened. Di nila alam ang tungkol sa video. Wala silang kaalam-alam na ako ang nagpakuha nun. Di nila alam na ginawa ko iyon.

"What?" angil ni Ella. "Ly, hindi mo yun ginawa. Hindi ikaw ang gumawa nung video. Come on! Don't lie to us." patuloy niyang saad.

I cried as I shook my head. I can't even fucking swallow the lump in my throat. I saw Amy shaking her head. Si Den ay diretso lang ang tingin sa akin.

"Pinakuhanan ko iyon. I instructed the girl nearby to take a video. I was desperate. Ang alam ko lang sa gabing iyon ay ang sirain si Kiefer at Mika. That was my plan. I asked the girl who took the video to post it online, to make it viral. Nadala ako ng inggit." I told them.

Patuloy akong humagulhol sa harapan nila. Hindi ko kaya. Napakasinungaling ko. Hindi ko man lang nasabi sa kanila.

"Don't you trust us that much? You never told us about this video thing. All we know is that someone took it. And we can't believe you're the one behind that someone." gigil na saad ni Amy.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon