Chapter 21

1.2K 58 0
                                    

Madaling lumipas ang mga araw. Bukas na ang aming restaurant at medyo marami-rami namang nagpupunta doon araw-araw.

UAAP is almost ending. We're rooting for the 3rd championship pero medyo nag-aalinlangan na ako sa pagkapanalo namin ngayong taon. I can clearly see that we lack defense. At iyon ang pinupunterya ng LaSalle. Maddie's injured. At isa iyon sa nagpahirap sa amin. We lost a middle blocker.

Pero siguro paraan iyon ng Diyos. Kasi sa pagkawala ni Maddie sa middle, si Amy naman ang pumalit. And I missed her play in that position. It was hers in the first place.

Tuwang-tuwa rin siya sa pagbalik niya sa pwesto. Matagal na niyang hinangad na mabalik sapagkat doon siya mas magaling. Her quicks are amazing.

Finals came. Ganun pa din. It's still Taft vs. Katipunan. Mas doble-doble ang training namin ngayon. Di na nga kami pinapapasok dahil sa nalalapit ng finals. Binibigyan na lang kami ng sariling projects para makahabol.

Game 1 of the finals was tragic. Natalo kami. And we were bashed. Lalo na ako. Di man ako umiimik sa social media accounts pero nasasaktan ako sa bawat paratang sa akin. The memes are worse. Mika and I were always compared.

Masakit sa akin lahat ng iyon. Most of the people disliked me. They hated me for hooking up with Kiefer. Kasi dapat kay Mika raw siya.

Ang nagpainit pa rito ay ang pagpost ng photographer na nakakuha sa amin ni Kiefer nung aksidenteng nagtagpo ang mga labi namin. It went viral.

Pokpok, malandi, mang-aagaw at kung anu-ano pa ang nababasa ko sa social medias. May mga articles pa tungkol rito. Kiefer got mad at that.

Ipahahanap pa nga raw niya ang lalaking iyon pero sinuway ko na. Eventually, this will all stop. We just need to wait.

Kiefer Ravena:
Training pa kayo?

Nagtipa agad ako ng isasagot sa kanya. Katatapos lang ng training namin ngayon. Dalawang oras lang ang binigay para magpahinga kami at saka balik na naman sa puspusang training maya-maya.

Tapos na. Mamaya ulit.

Mabilis ang kanyang pag-reply. Binuksan ko ang mensahe niya para mabasa.

Kiefer Ravena:
Pahinga ka na. You're tired. I'll sing for you.

Humiga ako sa kama at di na siya nireplyan. Pagod na pagod ako at nahuhulog na ang mga mata ko. Pero hinintay ko ng ilang sandali ang kanyang tawag. Tulog na tulog na ang lahat sa puyat at pagod. Naghihilik pa si Bea sa kama niya. Suddenly, my phone rang. Sinagot ko na iyon.

"Hi!" panimula niya.

Isang ungol lang ang lumabas sa bibig ko sa sobrang puyat ko na. Imbes na sumagot pa ay nakinig na lang ako.

"Matulog ka na, baby." saad niyang nagpagaan sa nararamdaman ko.

Baby. It was more than a music in my ears. It was so comforting. I heard the strumming again. Pinakinggan ko lang iyon nang nakapikit na ang mata.

No matter where you go
You know you're not alone
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

His voice a little bit husky. But hearing it makes me weak. One Call Away. Naalala ko ulit yung araw na naki-jam siya kay Janeena sa Upfront. Ang kantang iyon ang siyang kinanta nila. Noong una ay akala ko'y nagbibiruan lang sila at tinutukso lang kami ni Janeena sa viber. Kaso tinotoo niya pala.

Sa mga panahong iyon, biro at tukso lang kaming dalawa. Ang tagal na pala ng panahon. I guess I have to fully decide.

Sa kakaisip ko ng mga bagay ay tuluyan akong nakatulog. Nagising ako sa mga yabag ng mga kaibigan ko sa kwarto. Minulat ko ang aking mata at nakita ang pang-araw-araw nilang mga mukha. Mga mukhang pagod.

Ganun pa rin ang nangyari. Puspusang training at walang hanggang drills. Nangangalay na nga ang kamay ko kaka-spike ng bola.

Game 2 of the finals came. It was almost as tragic as Game 1. Mugto ang mata ko kakaiyak matapos iyon. We won a very crucial game. Five sets ang laban. At unang-una na ang LaSalle sa laro. Di ko nga aakalaing kakayanin pa namin. I thought my teammates gave up that time.

Seeing LaSalle's faces that time, I was already shaken. Mahirap silang kalaban. They had topped the ranks in every department except for spiking. Kaya nakakakilabot talaga sila. And seeing Mika's face, I feel so low. Nanghihina ako sa bawat block niya sa spikes ko. It was like her revenge for what I did. Kada tugma ng aming mga mukha ay kinakabahan ako at nawawala sa pokus. Her fierce expression makes me uncomfortable.

Halata sa mukha niya ang bahid ng galit. I can't blame her. I was the one who destroyed her. Nahihiya ako sa lahat ng nagawa ko. Nagmukha akong desperada sa ginawa ko.

"Hey, still there?" boses pag-aalala ni Kiefer.

Napakurap-kurap naman ako para mabalik sa sarili. I am thinking too much about it again. Damn!

"Yeah, sorry. Ano nga pala yun?" tanong ko sa kabilang linya.

"May problema ba? Ano ba yung iniisip mo? Ly? Are you okay?" sunod-sunod niyang tanong.

"I'm fine, I'm fine. Di lang ako makapaniwalang nanalo kami." I lied. "So, ano nga yun?" balik kong tanong.

"Anong di makapaniwala? You're a phenom. Believe in yourself. Naniniwala akong mananalo kayo. Kaya maniwala ka ring masusungkit niyo ang championship, okay?" he said.

Napatango ako sa tinuran niya. Nang maalalang di nga niya pala ako nakikita ay sumang-ayon ako.

"By the way, as I was saying, I can't watch your finals game. Pero baba—" saad niyang pinutol ko.

"Babawi? Ano ka ba? Pangarap mo yan. Basketball has been your life for a long time now. And I'm here to support you." sagot ko.

Narinig ko naman ang pagtikhim niya sa kabilang linya. Narinig ko ring napamura siya ng mahina.

"Kinilig ako doon ha. Ikaw talaga, babe." sabi niya.

"Babe ka diyan!" sipat ko.

"Sus! Doon naman mapupunta ang tawagan natin." at humagalpak ito ng tawa.

Good thing he wasn't here. Kasi kung nandito iyon ay siguro di yun hihinto sa kakatawa at kakaasar sa pulang-pula ko ngayong mukha. Para akong lalagnatin sa init ng pisngi ko.

"Speechless, babe?" litanya niyang may pabuwelo pa sa salitang babe.

"Heh! Baliw!" tanging nasabi ko sa kanya.

Gagong ito! Pinapahiya ako kahit sa ganitong tawagan lang. Kainis! Pero khit ganoon ay di ko mapigilan ang pagpapakita ng mga ngipin ko sa sobrang laki ng ngisi na nakalagay sa aking mukha.

"Kumain ka na. Tapos pahinga ka na diyan ha. Alam kong pagod ka pa." saad niya.

His words full of concern touched me. Ang sarap sa pakiramdam. Pinapagaan nito ang bigat sa aking kalooban.

"Masusunod po, Phenom!" masigla kong sagot.

Nakangiti akong parang baliw. Nakita ito ni Jia nang napadaan siya sa pintuan ng kwarto namin na siyang sinasandalan ko. Ang kanyang mukha ay nagtataka ngunit kalaunan ay napangiti na lang. Halata bang si Kiefer ang kausap ko?

Mahina niya akong sinabihang kakain na kami. Gamit ang kamay ay sinabihan ko siyang susunod ako. Bumaba siya ng hagdanan habang nakikinig pa ako sa mga litanyang pagpapaalala ni Kiefer.

"Oh sige na. Kain ka na diyan." he finally said.

"Okay. Mag-ingat ka. Bye." sabi ko.

"Mag-ingat ka din. Bye. I love you." sagot naman niya.

Pagkarinig na pagkarinig ko sa tatlong salitang iyon ay kinilabutan ako na siyang rason kung bakit ko pinutol ang tawag. Shit! Hearing those words made me tremble. Fuck! Napakagat-labi na lang ako at saka bumaba.

They said faking a smile is a very difficult thing to do. But they didn't know that hiding a smile is much more difficult.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon