Chapter 25

1.4K 58 3
                                    

Nakarating kami sa Batangas na tahimik pa rin ako. He even noticed it and asked me why. Nagsinungaling na lang akong puyat kaya ako di umiimik. Now I think I deserve to be crowned as the queen of dramas.

Pagkapasok namin sa bahay ay naabutan namin silang lahat sa sala. Gulat naman ang kanilang ekspresyon nang nakita kami sa bungad ng pintuan. They were were all in smiles as they welcomed us.

Niyakap ko sila isa-isa ng mahigpit. Tuwang-tuwa naman si Mama na kasama ko si Kiefer. Actually, Kiefer was welcomed as if they forgot that I'm their daughter who came home. Pero binalewala ko iyon dahil bakas ang kasiyahan sa mga mukha nila.

"Ly, di ka man lang tumawag sa amin na darating ka pala. Tsaka di mo man lang sinabing kasama mo si Kiefer. Di tuloy ako nakapaghanda." usal ni Mama.

Napangiti naman ang mokong nang marinig iyon. I know he already knows how much my family likes him.

"Eh kasi, Ma, biglaan lang na—" pagpapaliwanag ko sanang di na pinagbigyan ni Mama.

"Oh siya, magluluto na muna ako para pangtanghalian natin." saad ni Mama. "Anong paborito mong ulam, Kief?" tanong niya pa kay Kiefer.

"Naku! Kahit ano po. Alam ko namang ubod po iyon ng sarap. Sa inyo ba naman nagmana si Alyssa." pambobola niya sa nanay kong tuwang-tuwa naman sa kanya.

Halos mapunit ang labi ni Mama kakangiti. Umalis siya ng sala at nagpuntang kusina matapos siyang bolahin ng mokong. Si Papa naman ay nagpaalam na magpapahinga lang raw saglit. Hinatid niya na muna si Lolo sa kwarto nito at saka pumanhik sa kwarto nila sa taas.

Naiwan kami ni Kiefer at ng mga kapatid ko. Napuno ng kantyawan at tuksuan ang living room. Ang mga walanghiya kong mga Kuya ay tuwang-tuwang sa pang-aasar nila sa akin.

Buong pasalamat ko ng nag-aya na si Mama para sa aming tanghalian matapos ang ilang oras. Nahinto rin ang pang-aasar nila sa akin.

Pero buong akala ko ay di na ulit ako gagambalain ng tungkol sa amin ni Kiefer sa hapag-kainan.

"Kamusta naman kayong dalawa? Kayo na ba?" biglaang tanong ni Papa.

Lumaki ang mata ko pagkatanong na pagkatanong niya nun. Napainom ako ng tubig at sa plato ko ibinaba ang tingin.

"Hindi—" saad kong pinutol ng katabi ko

"Malapit na po, Tito. Konting-konti nalang." sabay hand gesture niya pa. "Nagpapakipot lang po talaga si Alyssa." tawang sabi niya.

Tumawa naman silang lahat sa sinabi ni Kiefer. Ako lang ata ang tahimik sa hapag. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa tinuran niya. The heck! Pakipot talaga?

Nagpatuloy ang ganung usapan. Pwedeng-pwede na akong lagnatin sa init na nararamdaman sa pisngi ko. Parang napagkaisahan nila akong lahat ngayon.

Nang matapos ang tanghalian namin ay nanood lang kami ng t.v. Nang mag-alas tres ay napagpasyahan ng mga kapatid kong maglaro ng basketball sa pinakamalapit na court dito sa aming lugar.

Nagustuhan naman ni Kiefer ang ideyang iyon kaya sasama siya. Of course, I joined them. Pero di ako maglalaro. Sasamahan ko lang sila at manonood lang ako.

Naglakad kami papunta roon. Ang court dito ay yung pang-barangay lamang. Hindi sementado ang sahig nito na nangangahulugang sa maalikabok na lupa tatapak ang iyong mga paa. Pero may dalawang palapag naman ng sementong nagsisilbing bleachers dito. Umupo ako doon sa isang gilid.

"Di pa ba kayo magsisimula?" pasigaw kong tanong tutal wala namang tao maliban sa amin.

"Tinatawagan pa yung barkada." tugon ni Kiefer sabay turo sa Kuya kong nasa tenga ang cellphone.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon