Chapter 23

1.2K 47 3
                                    

Matapos ang lahat ng nangyari kahapon ay naging busy kami ngayon. May mga kailangan pa kaming puntahan at kung anu-ano pa.

Buong umaga ay napagod kami sa kakaharap sa mga tao. Pero natutuwa pa rin ako sa mga pagsuporta nila. Magkakaroon ng mass para sa natapos na season ng volleyball.

Natalo man kami ay buong galak naman namin sa pagkapanalo ng koponan ng mga lalaki. They won the finals against NU Bulldogs.

"Malapit ko na ring malasap ang pagtulog ng buong araw. Konting tiis at hintay lang, Bea." litanya ni Bea sa sarili at sumalampak sa couch.

Nasa dorm na kaming lahat. Buti na lang at naisipan nilang magpahinga muna raw kami. Tulog mantika ang lahat ng mag-ala-una na. Ako na lang ang mag-isang gising pa.

Nakahiga ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. Baha pa rin ito ng mga mensahe. May mga tungkol sa interviews at kung anu-anong magazine shoots.

Dahil sa walang magawa ay binasa ko na lang ang mga mensaheng iyon.

Denise Lazaro:
Hope you're fine. Congratulations still! Phenom ka talaga!

Bea Tan:
Congrats pa rin sa inyo. You all did a great job.

Ella De Jesus:
Naku, Besh, galing mo! 34 points yung ginawa mo. Congratulations, MVP!

Ang daming mensaheng ganun galing sa mga kaibigan at kakilala ko. Mostly these messages were sent yesterday that I failed to read. Isa-isa ko silang nireplyan. Doon ko inabala ang sarili ko.

Mama:
Uwi ka sa Batangas kapag naayos na ang schedule mo diyaan, Nak. Mag-celebrate din tayo. Na-miss ka na ng Lolo mo.

Nang mabasa ko ang mensaheng iyon ni Mama ay naramdaman ko agad ang kasiyahang makauwi na nga doon. Gusto ko ulit bumalik.

Hahanap po ako ng oras, Ma. Miss ko na kayo. Pupunta po ako diyaan soon.

Yun ang tinipa kong sagot sa text na iyon ni Mama. I scrolled dow to read other messages. Nahinto ang mata ko sa isang mensahe.

Jovee Avila:
Congratulations, Ly. Wag kang umiyak. Ginawa mo lahat para manalo kayo kaya panalo ka pa rin para sa akin. You will always be my MVP.

Sa mensahe niyang iyon ay nakaramdam ako ng ibayong lungkot. This guy onced made me fall. But not that deep enough. Hindi masyadong malalim para ilunod ako kagaya ng paglunod sa akin ni Kiefer.

Halong lungkot at awa ang nararamdaman ko para kay Jovee. He loved me perfectly. But I was imperfect. Sinubukan ko namang ipaglaban ang meron kami noon pero nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa bestfriend ko.

Jovee is every girl's dream guy. Mabait, mayaman, gwapo, at mamahalin ka ng buong-buo. Wala siyang kulang kung magmahal. Ang oras niya ay handa niyang ibigay sa'yo. Pero di ko siya nakayang mahalin ng higit pa sa nararamdaman ko kay Kiefer. Nakakatawa pero iyon ang totoo.

Siguro baliw nga ako at pinakawalan ko ang isang tulad niya. Pero alam ko sa sarili kong masasaktan ko lang siya kapag nagpatuloy pa kami.

Thank you.

Ang dalawang salitang iyon lamang ang naitugon ko sa mensahe niya. Ayoko ng gumawa pa ng mas ikakakumplikado pa sa lahat.

Napapikit ako nang maramdaman ko rin ang pagod. Ngunit napadilat na naman ako ng nag-vibrate ang celphone kong nakapatong sa tiyan ko. Isang mensahe ang naroon.

+6391604736***
Can we meet?

Nagtaka ako sa mensaheng iyon. Di ko naman kilala kaya di ko na lang pinansin. Baka isa lang sa mga numerong naligaw sa numero ko. Pinindot ko ang power button mg cellphone ko at nilagay sa bedside table ko.

Pinikit ko ulit ang mata ko ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay nag-vibrate na naman ang cellphone ko. Kinuha ko iyon para makita ang nagtext.

+6391604736***
This is Mika Reyes. Gusto sana kitang makausap ngayong hapon.

Napalunok ako nang mabasa ang pangalang nakalagay sa mensaheng iyon. Mika Reyes. Bakit niya kailangan makausap ako?

Bago ko pa mahanap ang sagot ay tumunog ang cellphone ko sa tawag niya. Dali-dali akong nagpunta sa terasa para doon tanggapin ang tawag.

"Hello?" saad ko sa kabilang linya.

"Can we meet? If you're not busy. This afternoon." diretsang sinabi niya.

"Para saan?" takang tanong ko.

This is my first time talking to her. Sa buong buhay ko sa UAAP ay di ko siya nasubukang kausapin man lang. It is because I get intimidated with her looks and facial expression. She looked fierce.

"Alam mo na tungkol saan pa." she coldly said.

Napanganga ako sa tinuran niya. Si Kiefer lang naman ang nagpapakonekta sa aming dalawa kung kaya't halata ng tungkol iyon kay Kiefer.

"Uh, saan?" may pag-aatubili kong sabi.

"Will text it to you." sagot niya bago pinatay ang tawag.

Napahawak ako sa cellphone ko ng mahigpit. Hinigpitan ko ang kapit rito dahil baka kumalas ito at mahulog pa sa kawalan ko ng pokus. She wants a talk.

Tinext nga ni Mika ang lugar at oras kung saan kami magkikita. Alas kuwatro iyon kaya nagsimula na rin akong maghanda ngayong alas tres na.

Umalis ako ng dorm ng alas tres y media dahil medyo may kalayuan ang cafe na napili niya. Umabot naman ako sa lugar ng maaga. Naghanap ako ng mauupuan at umorder na ng maiinom.

Mga sampung minuto ang lunipas ng dumating siya. She was wearing a body hugging red dress. Bakat na bakat ang perpektong katawan niya sa damit niya. I suddenly felt so low. Suot ko lamang ngayo'y isang kakarampot na shorts at cropped top.

Naupo siya sa harapan ko at umorder na rin. Nang makarating ang inorder ay saka pa lamang siya nagsalita.

"Bakit mo yun nagawa, Ly?" pambungad niya.

Napalunok ako sa batong nasa lalamunan ko. How straightforward! Tiningnan ko siya na di makangiti.

"That was a desperate move, Valdez!" she said as she eyed me.

Napayuko ako sa sinabi niya. Was it really a desperate move? Ginawa ko iyon dahil iyon ang ginusto ko sa gabing iyon. Alcohol was the one driving me that night. At siguro nadala ko ang nararamdaman ko.

"I was drunk—" I tried to explain but she stopped me.

"Drunk shit! Kung matino ka, inamin mo na sana agad. Kung nakainom ka lang nung gabing iyon, hindi ka na sana nang-agaw pa. Ikaw pa sana ang umamin kay Kiefer na ikaw ang may kasalanan. But what? Nanglandi ka. Nang-agaw ka. At ngayon, pinaibig mo siya. Pero hanggang ngayon ano? Di mo pa inaamin." halatang nangangalaiti sa galit ang kanyang boses.

Tiningnan ko siya. Umigting ang panga ko sa mga sinabi niya. Her insults are too much.

"Hindi ko siya nilandi. Hindi ko siya inagaw. Baka naman kasi nagsawa na siya sa'yo. Gumawa naman siya ng paraan para magkabalikan kayo. Pero ano? Tinakwil mo." may diing saad ko.

She smirked. "Mangkukulam ka ba at di na ako ang pinaniniwalaan niya? Siguro ginayuma mo rin siya. How evil of you, Valdez!" she said.

"Bakit di mo na lang kasi tanggapin na wala na kayo?" usal kong medyo may pagtaas sa boses ko.

Pagkasabi ko noon ay sinampal niya ako. Napadaing ako sa sakit at napahawak sa kaliwa kong pisngi. I looked at her with hatred. What the fuck?

Tumayo siya sa upuan niya at tiningnan ulit ako. Bahagya itong natawa sa sinapit ko.

"How I love this game, fool!" she said and stormed out.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon