Chapter 12

1.4K 59 1
                                    

Isang linggo na ang lumipas magmula ng interview na iyon. Balik sa puspusang practice ang schedule namin. Nalalapit na ang pagsisimula ng UAAP Volleyball kaya't doble-doble ang aming ginagawa.

Ginagawa ko lahat ng makakaya ko at ganun din ang teammates ko para patunayang deserving kaming tawaging defending champions. Si Gizelle ay ganun pa din. Paborito pa rin siya ng mata ni Coach Tai. Pero this time around, may improvements naman sa kanya.

Kaming lahat naman ay nag-improve sa aming mga skills na nagustuhan ni Coach Tai. Malaki ang naitulong nung international game namin na sinalihan.

Si Kiefer naman ay busy din. He's been offered by famous leagues in PBA and have not yet decided where to put himself. Ang mga manlalaro sa mga koponang ito ay ang kanyang mga teammates noon o kaibigan sa UAAP basketball. Too sad he'd separate ways with some of his friends and teammates. Pero ganun talaga sa isang laro. You get to choose where you'll join and compete with the ones you used to team up before.

"Okay okay. Rest. Practice. 2 pm." hirap na Ingles na sabi ni Coach Tai.

Tumango-tango lang kami sa sinabi niya. Matapos lahat ng instructions sa amin ay malaya na kaming nakalabas ng gym.

"Woooh!" sigaw ni Bea nang tumatakbo kami papuntang dorm. Tinawanan lang namin siya. Siguradong sobrang pagod na nito.

Nag-unahan naman kami sa banyo. Andar ang lahat ng electric fans sa buong dorm pagkarating na pagkarating namin. Basang-basang mga t-shirts ang nakasabit kung saan-saan. Ang aming isang pitchel ng malamig na tubig ay pinagpiyestahan ng lahat. Ganito kami basta't galing sa isang intense na training.

"Order ka nga ng pizza, Deanna!" rinig kong sigaw ni Maddie.

Agad namang dinampot ni Deanna ang telepono at tumawag. Matapos kong maligo ay sa kusina ako dumiretso. Dahil sa pagod ay nagprito na lang ako ng manok at saka nagsaing. Gumawa na rin ako ng sandwiches para sa aming lahat at nagtimpla ng juice.

Dumating ang pizza na inorder nila at nilapag sa center table. Doon ko na rin napagpasyahang ilagay ang aming tanghalian. Alas onse pa pero halatang gutom na gutom ang lahat.

Nilapag ko doon ang fried chicken at saka kinuha ang kanin. Tinulungan naman ako nina Gizelle at Bea sa ginagawa. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Tawa lang kami ng tawa tuwing may nagrereklamo sa amin.

"Nakita niyo yung mukha ni Coach kanina nung napunta yung bola sa likod nung pagkuha sana ni Gizelle? Grabe, parang kakatayin ka na ata nun." at ninguso ni Bea si Gizelle. Nagtawanan naman kami sa turan ni Bea.

Minsan naaawa na talaga ako dito kay Gizelle. Napagalitan na nga, inaasar pa nila. Pero parang wala lang iyon sa kanya dahil sumasabay naman siya sa tawanan.

Natapos ang maagang tanghalian namin at kanya-kanyang pahinga ang nangyari. Naghihilik na sa kani-kanilang mga kama ang teammates ko. Ako nama'y nanatili na lang dito sa living room at nakatunganga sa harapan sa t.v.

Natuwa naman ako ng makitang tumatawag si Kiefer. Agad kong sinagot iyon ng ngiting-ngiti.

"Hello?"

Narinig ko ang pag-ubo sa kabilang linya bago makasalita.

"Musta ka na?" tanong niya.

Ramdam ko na ang pagkapunit ng labi ko para mabuo ang isang ngiti.

"Ayos lang. Ikaw ba? Inuubo ka ata." pag-aalala ko.

"Wala ito. Mawawala din ito. Ikaw? Kamusta training niyo?" tanong niya.

Inilahad ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Ganun ang lagi naming usapan kapag tumatawag siya sa akin. Araw-araw din akong nakakatanggap ng tawag niya. Halos kada oras din ay may text siya at paalala.

He tells me everything about his day—saan siya nagpunta, anong ginawa niya, at sinu-sinong kasama niya. He makes sure I'm fine with it. He lets me check his schedules at tinanong niya kung ayos lang ba. I don't really care about his schedules anyway. Not that I don't care about him, hindi lang talaga ako ang klase ng babaeng hinihigpitan ang isang tao sa oras.

I'm a ruler of myself and you are a ruler of yourself. I don't like the idea of ruling someone's life just because you are an important part of him or her. Buhay pa rin iyon ng iba at hindi sa'yo.

Days came too fast. Di ko namalayang magsisimula na pala ang UAAP Volleyball. It's been months since he courted me. Maraming namimilit sa aking sagutin na siya. Marami ring nangba-bash pa. Deep inside, I wanna say yes. Pero napagtanto kong hindi na muna. I don't like to mess my schedules with a relationship. Ayokong maiparamdam sa kanyang wala akong oras.

Labels are not important for me at all. Kasi kung mahal mo ang isang tao, at mahal ka rin nito, di na kailangan ang label para mapatunayang may nararamdaman kayo sa isa't isa.

If Kiefer truly loves me, then he will wait for me. At alam kong iyon ang kanyang ginagawa naman sa ngayon.

"Happy Unity Heartstrong!" rinig kong sigaw ng mga tao sa arena.

Their voices sent shivers down my spine. This is it. Araw ng opisyal na pagbubukas ng UAAP Season 78 Volleyball. Isa kami sa sasalang sa laban sa araw na ito.

"Goodluck. Ipagdadasal ko kayo."

Napangiti ako sa sinabi niya sa akin kanina bago kami nagpunta dito sa arena.

Natuwa ako nang nanalo kami sa una naming laban sa taong ito. Pawis na pawis kaming umalis ng arena para makapunta sa kwartong nilaan para sa amin. Ang teammates ko'y nagbibihis na ng kani-kanilang t-shirt. Ako nama'y nahuli sapagkat inaayos ko pa ang gamit ko.

"Te Ly, punta na daw tayo." sabi sa akin ni Jia na handa ng makalabas.

"Sige una na muna kayo. Bihis lang ako sandali." saad ko sabay hand gesture.

Bumukas ang pintuan at niluwas doon ang matikas na katawan ng isang lalaking ngiting-ngiting nakatingin sa akin. Nagsilabasan na ang teammates ko.

"Congratulations!" sabay yakap niya sa akin.

"Teka lang, Kief. Pawis pa ako." saad ko.

"I don't care. Mabango ka pa rin naman." saka siya kumalas sa yakap para tingnan ako sa mata.

Nambola na naman ang baliw. Pero di ko mapigilang di mangiti. Nagpaalam akong magbibihis lang ako at saka pumasok sa c.r. Isang jersey pa rin ang suot ko dahil hiniram ni Therese ang t-shirt ko kanina. Pumayag naman ako tutal may extra jersey pa ako. Ayos na rin itong suot ko dahil maaliwalas sa pakiramdam.

Nakahalukipkip siyang naghihintay sa aking makalabas. Ningitian ko naman siya. Kailangan ko nga pala magmadali dahil nakalabas na ang iba.

Nilagay ko ang basang jersey ko sa bag ko. Nang masarado ko na ay bigla iyong hinablot ni Kiefer kung kaya't napalingon ako sa kanya.

Laging gulat ko ng dumampi ang labi niya sa akin. Ilang segundo lamang iyon pero bumilis ang tibok ng puso ko. Isang flash ng camera ang nakahagip nun.

"Try to post that and you're dead." bantang saad ni Kiefer sa isang photographer na nakakuha ng litrato. Umalis ito agad ng walang pasubali.

"I'm sorry. Nagawan na naman kita ng kasalanan." malungkot niyang saad.

"Wala lang yun." tugon ko.

Dinampot niya ang aking dala at saka hinawakan ang aking kamay hanggang sa makalabas kami sa lugar.

Broke Him (The KiefLy Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon