CHAPTER 5

2.5K 68 0
                                    

Kasalukuyan akong tumitingin ng dress para kay Scarlet, namiss ko gawin ang ganito sa kanya dahil sa sobrang bz ko.

"Scarlet see this, sukat mo kung kasya sa'yo" sabi ko sa anak ko.

Napakunot naman yung noo ni Scarlet.

"Mom, I don't like that one" nakasimangot pa rin na sabi nito.

Ako naman ang napa kunot ang noo. Tsk... iba pala ang taste ng anak ko.

Binalik ko na lang sa rack yung dress, saka ako hinila ni Scarlet sa isang section na puro pang baby stuff.

Napakunot yung noo ko lalo, sumunod naman yung tatlo samin.

"Anong ginagawa niyong mag ina dito?" tanong ni Briella.

"Ninang I want a baby, I told Mommy to give me a sister or a brother" nakasimangot pa rin na sabi nito.

Tinignan ko lang sila isa isa at napa roll eyes ako. Biglang bumitiw sakin si Scarlet.

Nakita naming lumapit ito dun sa may baby na nasa stroller.

"Hey, paano ka nagkaroon ng ganitong baby?" narinig kong tanong ni Scarlet dun sa batang lalaki.

Nagtawanan naman yung mga baliw kong kaibigan.

Samantala, yung batang lalaki bigla na lang nilayo yung kapatid nito kay Scarlet.

Lalapitan ko na sana si Scarlet dahil umiiyak na ito pero naunahan ako ng isang lalaki.

"Hey, little girl why are you crying baby? Are you lost?" tanong pa nito.

Agad na lumapit ako ng marinig kong umiiyak si Scarlet.

"Huhuhu I want a baby brother or a sister" umiiyak pa rin ito.

Hinila ko si Scarlet dun sa lalaking umaalo sa kanya.

"Baby, don't cry ok? I can buy a toy na lang want mo ba ng baby toy?" pag aalo ko kay Scarlet.

"I don't want a toy Mom, I want a real baby" at umiyak na naman ito.

"Ah, Mrs. can I help you?" biglang sabi ng isang lalaki.

At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko siya...

Ang lalaking kasama ko lang kagabi. Sana pala hindi ko na lang siya nilingon shit!

Parang gusto kong himatayin ngayong kaharap ko siya. Wala pa man akong nasasabi na kahit ano ng bigla niya akong yakapin.

"Why are you leaving me?" sabi pa nito habang yakap ako.

"Shantal?!" narinig kong tawag naman ni Tim.

Bigla kong naitulak yung lalaking yumakap sakin.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala yung tatlong bruha samin.

"Tito Tim!" tumakbo naman si Scarlet sa tito nito at saka nagpakalong at umiyak.

"Oh, Lowell bigla ka na lang nawala andito ka lang pala" sabi pa ni Tim, na palipat lipat ang tingin nito sakin at sa lalaking tinawag nitong Lowell.

"Ah, guys??? Pwedeng umalis na tayo dito? Kasi nakakahiya nakaharang tayo dito sa baby section eh" sabi ni Hailley.

At nauna na akong umalis. Parang gusto ko ng takasan lahat. Bakit ba nagkita kami ulit ng lalaking yun? At ngayon mukhang kilala pa siya ni Tim.

Nandito na kami sa Jollibee, dito kasi favorite ni Scarlet at siyempre no choice kami.

Katabi ko si Scarlet sa right side katabi nito si Tim sa left side at katabi ni Tim yung Lowell daw.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon