Nagising ako ng may mabigat na pakiramdam.
Napalingon ako sa katabi ko, at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pagmumukha ni Lowell sa harap ko.
Kaya pala mabigat dahil nakayakap pa siya sakin at yung hita niya nakadagan din sa mga hita ko.
Napakunot yung noo ko ng may maramdaman akong kakaiba.
Bakit pakiramdam ko parehas ata kaming walang damit???
At saka ko tinignan yung katawan namin na balot ng kumot.
"Waaaaa!!!...." sigaw ko.
At malakas kong tinulak si Lowell, dahilan para bumagsak siya sa sahig.
Agad akong napalingon sa pinto ng bumukas din yung pinto ng kwarto ko. At pumasok sina Tim na kalong si Scarlet at sina Briella,Hailley, at Lavi plus Kristine na kalong din si Sky.
"Shan anong nangyari?" tanong agad ni Hailley.
"Ouch! Bakit mo ko tinulak?" nagtatakang tanong naman ni Lowell sakin.
At saka ito lumingon lingon. Agad kong binato sa kanya yung unan. At namumulang yumuko.
"All of you! Get Out of this room!" sigaw ko sa kanila.
At iyon nagsilabasan naman sila at sinara muli yung pinto. Nilingon ko si Lowell na tumatayo na at walang pakialam kung nakahubad ito habang papunta sa pinto.
Napakunot yung noo ko, saka ko siya binato ng unan.
"What's your problem?" inis na tanong ni Lowell sakin.
"Tsk... are you crazy??? Lalabas kang naka--- gan--yan?" nahihiyang sabi ko. At namumulang yumuko.
Niyuko naman niya yung sarili niya. Maya-maya naramdaman kong nasa tabi ko na siya.
"Wag mo ng itanong kung anong nangyari kagabi" nakangising sabi nito sakin.
"Obviously, ako na naman bang may gusto?" inis na sabi ko.
"Nope! This time Honestly I'm the one who seduce you, sorry talaga" sabi nito at saka ako iniwan.
Nanlaki yung mata ko lalo na ng marinig ko siyang tawa ng tawa sa loob ng cr.
"Ang kapal ng mukha mo! Lumabas ka dyang manyak ka!" sigaw ko sa kanya habang kumakatok ako sa pinto.
Natigil ako sa pagkatok ng biglang bumukas ang pinto ng cr at agad niya akong hinila papasok.
At di ko na namalayan ang nangyari ng bigla niya akong halikan.
....
Meanwhile... sa sala...
Magkakasama kami nila Briella, Hailley, Lavi at Kristine dito sa sala at nakakandong sakin si Scarlet samantalang kalong pa naman ni Hailley si Sky.
"Tito Tim, di po ba si Mommy yung nag-shoute dun sa taas?" tanong ni Scarlet.
Napangiwi ako sa sinabi ni Scarlet.
"Grabe naman kasi yung dalawang yun ang iingay" sabi naman ni Briella.
"Sinabi mo pa, hindi ko nga malaman dun kay Shan kung ano pang inaarte arte at ayaw pa sagutin si Lowell kita niyo naman di ba? Sa itsura nila kanina halatang may nangyari ulit sa kanila" natatawa pang sabi ni Lavi.
Napailing na lang ako sa sinabi ni Lavi. Napaisip din ako, kasi totoo naman ang sinabi ni Lavi.
"Hindi kaya? Hindi pa talaga nakaka move on si Shan sa Kuya mo?" sabi naman ni Hailley.
Posible nga, lalo na kung titignan namin yung mga kinikilos niya ngayon.
Lalo na pag nasa garden siya at nasa balkonahe. Yung feel na feel mo yung pagka-miss niya kay Kuya Clark.
"Ano kaya kung tulungan natin si Lowell na mapalapit kay Shan?" nakangiting sabi ni Briella.
"Oo nga noh?" natutuwang sabi ni Lavi.
"Paano naman?" tanong ko sa kanila.
"I think, may idea na ako kung paano" nakangiting sabi ni Hailley.
"Pero bago natin gawin yun, sure ka ba Tim wala ka ng gusto kay Shan?" nakangising tanong ni Briella.
Natatawa ko sa kanila. Malamang wala na akong nararamdamang ano man kay Shan.
Oo, minahal ko siya noon pero ngayon??? Saka ako tumingin kay Hailley. Ewan ko din kung kelan nagsimula itong nararamdaman ko para sa kanya eh.
"Nakatingin ka? Problema mo?" masungit na tanong nito.
Grabe, pare-parehas silang masusungit na magkaibigan.
"Tito Tim, you had a crush on my Mommy?" inosenteng tanong ni Scarlet.
Napayuko ako sa kanya.
"Nope baby Scarlet, I love your Mom the way I love you and Sky. why? Is there something wrong?" tanong ko.
"Nah... and Tito I love you too" nakangiting sabi nito at saka ako hinalikan sa pisngi.
-----
Nakarinig ako ng tawanan na nanggagaling sa sala. Pagbaba namin ni Lowell nakita namin sila.
"Ang saya niyo ata?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.
"Buti naman at nakaligo na pala kayo, at ready na rin kami so, pwede naman siguro tayong gumala dito di ba?" nakangiting sabi ni Briella.
"That's right Ninang were going to Enchanted pls." sabi naman ni Scarlet.
Napataas ang kilay ko sa sinabi nila. Ano toh? Biglaang lakad lang ganun?
"Ok, for my Princess were going to Enchanted" nakangiting sabi ni Lowell at kinalong nito si Scarlet.
"Yey! Thanks Dad, I love you" masayang sabi ni Scarlet.
At nag si labasan na sila ng bahay. Ok ang excited nila mamasyal -_-
"Kristine, ako na magkakalong kay Sky" sabi ko.
Binigay naman sakin ni Kristine si Sky. Nasa van na yung mga lukaret na kaibigan ko at si Tim ang driver. Katabi ni Tim si Hailley.
Para talagang may something sa dalawang yun.
Sina Lavi at Briella nasa pangatlong lane sa likod.
"Kristine, halika na dito bayaan mo na yang Ate Shan mo maiwan" sabi ni Briella.
Grabe, ang sama nila sakin. -_-
Kaya magkakatabi yung tatlo sa likod.
Nakita niyang nakatayo pa sa labas si Lowell.
"Sakay na Mahal na Reyna" nakangising sabi ni Lowell at nilahad pa nito yung kamay nito.
Napairap na lang ako sa kanya.
"Whatever" naiinis na sabi ko.
Pagkatapos kong sumakay, saka ito sumakay at umalis na kami.
Kakaiba talaga mga bestfriend ko malalakas ang topak.
"Kristine, ilang taon ka na nga?" tanong ni Briella.
"Po? Ah, 21 na po ako Ate Briel bakit po?" tanong ni Kristine.
"May boyfriend ka na?" tanong naman ni Lavi.
Napalingon ako sa tatlong nag uusap sa likod.
"Oy, tigilan niyo si Kristine" sita ko kina Briella at Lavi.
"Naku Kristine, Kung tutulad ka kay Ate Shan mo na masungit siguradong magiging oldmaid ka" nang aasar na sabi ni Lavi.
Anu daw oldmaid??? Tsk...
"Grabe ka naman Lavi, may anak naman si Shan kaya hindi yan Oldmaid sigurado SingleMother for life yan hahaha" sabi naman ni Briella.
At nagtawanan sila... pero ako hindi kainis tong mga toh'
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Hahahah siguro po mga ilang chapters na lang po ito siguro.
![](https://img.wattpad.com/cover/68374991-288-k399239.jpg)
BINABASA MO ANG
OPERATION: Wanted BaBy Maker?
Literatura FemininaKung mayaman ka na, at may anak na nanaisin mo pa bang magdagdag ng isa pang anak??? Sabi ng iba, kung kaya mo namang buhayin ang anak mo why not coconut??? Pero sa tulad kong single mother??? Paano ako magkakaanak ulit??? I mean... paano ko mab...