CHAPTER 6

2.4K 67 0
                                    

Hindi ko akalaing magbubunga ang minsang nangyari samin, 9mos. na itong tyan ko.

At nagulat ako, dahil ng maka 1week na kami sa france, umiba na rin ang pakiramdam ko. Akala ko nung una dala lang ng klima pero hindi pala. Dahil on the way to pregnancy na pala ako nun.

"Mom, ok lang po ba si Baby sa tummy mo?" tanong ni Scarlet.

Simula ng malaman kong buntis ako, ipinaalam ko na sa anak ko, maging kina Tim yung pagbubuntis ko.

At siyempre, hindi naman mawawala ang interrogation kaya nalaman na rin nila kung sino ang ama ng anak ko.

Ayaw ko pa kasi ipaalam sa kanya, pero nang magtapat sakin si Tim ng nararamdaman niya, sinabi ko sa kanyang hindi ko siya mahal.

"Mommy, bakit po hindi ka na sumagot" tanong muli ni Scarlet.

Napahawak ako sa balikat niya at maging sa tyan ko.

Tch... paano ngayon toh? Kami lang ni Scarlet ang nasa bahay ngayon.

Narinig kong may nag dodoorbell. Kaya lang di ko mapagbuksan ng bigla na namang sumakit yung tyan ko.

"Scar--let, open mo-- yung door," nahihirapang sabi ko.

Saka ko siya binitawan, tumakbo naman si Scarlet sa may pinto. Hindi ko inaasahan na maiiwan kami ngayon ni Scarlet, paggising kasi naming mag ina wala na sila.

Muli akong napahawak sa tyan ko. Sobrang sakit na talaga.

"Scarlet!!! Ahhh manganganak na ako!!" sigaw ko.

Naramdaman kong pumutok na yung panubigan ko.

Nagmamadaling tumakbo si Scarlet, at yung hindi ko inaasahang bisita namin.

"Daddy, bilis carry mo na si Mommy," sabi ni Scarlet.

Agad nga akong binuhat ni Lowell. Saka kami sumakay ng sasakyan nito.

Nakarating kami sa hospital dito.

At agad nitong kinausap yung mga doctor na asikasuhin ako.

Pagdating sa emergency room, agad akong nilipat ng kama, at doon ay nagsimula na silang paanakin ako. Napansin kong lumabas pa yung isang doctor at pagbalik nito, kasama na nito si Lowell.

"Mommy, nasa labas si Scarlet, just hold on kaya mo yan" bulong nito sakin.

Gusto ko siyang tarayan pero, sa kalagayan ko ngayon???

"Aaahhh.." sigaw ko.

Nararamdaman ko na yung unti unting paghilab ng tyan ko at yung unti unting paglabas ng baby ko, ng baby na pinangarap ni Scarlet.

Napangiti ako ng marinig ko na ang iyak ng pangalawang anghel ko.

"Mrs. Its a boy a healthy baby boy" nakangiting sabi pa ng doctor at tuluyan na kong nakatulog, dala ng matinding pagod.

Samantala, Napatingin naman si Lowell, kay Shantal.

"Doc, how's the patient?" tanong ko.

"She's ok now... better if you get a room" sabi pa ng doctor.

At lumabas na ako ng emergency room. Nakita ko na yung mga kaibigan niya.

"Kamusta si Shan?" alalang tanong ni Lavi.

Mga nakilala ko na sila, at sila rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

"Ok na, sa ngayon aasikasuhin ko muna ang kwarto niya at yung mga bills dito sa ospital" sabi ko.

"Dad, ahm yung baby po?" nahihiyang tanong ni Scarlet.

Lumapit naman ako kay Scarlet, saka ngumiti sa kanya.

"He's ok now Ate, don't worry ok? In a minute makikita mo na siya" nakangiti pang sabi ko.

"Thanks Dad, buti po nakarating ka agad" sabi nito at niyakap ako.

Ang sarap pala sa feeling, na kahit hindi ko siya anak tinuturing na niya akong ama.

I Swear! Hindi na ako papayag na muli silang lumayo sakin, lalo na ngayong dalawa na silang anak ko.

Oo, gusto ko maging anak si Scarlet at hindi ko siya sasaktan.

Pagdating ko sa nurse station. Tinuro ako sa billing section para ayusin lahat mula sa kwarto, hanggang sa mga information ng pasyente mabuti na lang natanong ko kay Tim lahat.

Siya rin ang nagsabing magkakaanak na kami ni Shantal. At hindi ko inaasahan na mag gigive up agad siya kay Shantal.

Nasa kwarto na kami ng pumasok ang nurse.

"Mommy, its time for breast feeding" sabi ng nurse.

Gising na rin kasi si Shantal.
Nakita agad ni Scarlet yung baby brother nito.

"Mommy is he my baby brother?" tuwang tuwang tanong ni Scarlet.

"Yes baby, dream come true tama?" nakangiting sabi nito.

"Yes, thanks Mom and I love you" tuwang sabi muli ni Scarlet.

"And I love you too, you and your lil. bro" nakangiti ding sabi nito.

Pinagmamasdan lang namin sila.

"What is his name?" tanong ni Scarlet.

"Lowelle Sky Hammington ang pinangalan ko sa kanya" sabi ko.

Agad tumingin sakin ang mag ina.

"Wow, ang cute ng name niya" tuwang sabi ni Scarlet.

Kaso mukhang yung nanay hindi natuwa tsk... bakit? Anak ko naman iyon eh.

"Naku, wag kang lalapit sa mga anak niya ah?" paalala ni Briella.

Napalingon ako kay Briella at nagtatakang tinignan lang ang mga ito.

"Daig pa ni Shantal yung asong bagong panganak na kapag lumapit ka sa mga anak niya siguradong kakagatin ka" tawa ng tawang sabi ni Lavi.

Napangiti na lang ako.

"Basta Lowell, ang masasabi lang namin mahirap yang ligawan at paamuin hehehe" sabi pa ni Hailley

Saka ako tinapik sa balikat.

"Mahirap din yan pakiusapan mahabang paliwanagan pa yan kaya ikaw na bahala ah? Aalis na kami hehehe" sabi naman ni Briella saka, nito hinila si Scarlet.

Mabuti na lang at sumama sa kanila.

"Good luck hehehe" sabi ni Lavi sakin.

At nag wink pa ito. Nang umalis na yung tatlo, hindi na naman ako pinansin ni Shantal.

Grabe siya, bigla niya na lang ako nilayasan nun, ni hindi ko nga alam na magkakaanak pala kami at ni di man lang niya inalam kung nababaliw na ba ako kakahanap sa kaniya.

"Kamusta?" tanong ko sa kaniya.

Kasalukuyan pa rin itong nagpapa breast feed. Namumula man ako, dahil ngayon lang ako nakakita ng mag ina na nagbe-breast feed tiniis ko na.

For the first time, nagka experience ako ng ganito at sa sarili kong anak. Agad kong kinuha yung cp ko at saka ko sila pinicturan.

Napangiti ako, kasi mabuti at walang shutter at flash, kaya hindi nahalata ni Shantal yung ginawa ko.

Ngayong nakita ko na silang mag-iina, never na nila akong matatakasan.

"Bakit nandito ka?" tanong niya bigla at saka ito tumingin sakin.

Nakipagtitigan naman ako sa kanya. Oo, maganda talaga siya... pero alam kong higit pa sa katangian niyang yun kung bakit ko nararamdaman ang pagbilis ng puso ko ngayon.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Hehehehe

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon