CHAPTER 7

2.4K 67 4
                                    

Andito pa rin ako sa ospital, at nandito rin silang lahat.

"Wow, ang cute naman ng unico hijo mo Shan" sabi ni Briella sakin.

Napangiti lang ako. Pero ng maalala ko yung pinag usapan namin ng hinayupak na ama nitong si Sky biglang napawi yung ngiti ko.

"Dahil gusto ko, at sisiguruhin kong di mo na maitatago ang mga anak mo sakin" seryosong sabi nito.

"Wala kang karapatan sa kanila, pwede ba?" mataray na sabi ko.

Ni hindi ko man lang siya tinitignan.

"Yun ba ang tingin mo? Na wala akong karapatan sa kanila? Maaring kay Scarlet wala pa sa ngayon, pero si Sky? Anak ko siya kaya hindi ako papayag na ilayo mo sila sakin" sabi pa nito.

Ang kapal talaga ng lalaking iyon tsk, mabuti na lang wala siya ngayon. At mabuti hindi naman siya tinatanong ni Scarlet.

"Kailan ka daw pala pwedeng umuwi?" tanong ni Tim.

"Sabi ng doktor any time pwede na" sagot ko.

"Mom, picture tayo nila baby Sky" sabi ni Scarlet sakin.

Tumango ako, saka ko ibinigay sa kanya si Sky, inaalalayan ko naman eh. Si Lavi ang kumuha ng pic.

Maging sila Lavi, Briella, Hailley at Tim ay nagpapa picture din. Sabay sabay lang kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon.

"Hello, andito na pala kayo" nakangiting sabi ni Lowell.

"Oo, tagal mo eh tara picture kayo ni baby Sky" sabi ni Tim.

At kinalong nito si Sky. Saka nag picture.

"Wait, gusto ko rin mag pa picture kasama ni ate Scarlet" nakangiti pang sabi nito.

At ipinasa nito si Sky kay Tim, tapos kinalong nito si Scarlet at nagpa picture sila. Hindi pa nakuntento nagpakuha pa ng picture na kasama yung dalawang bata -_-

"Teka, family picture naman tayo" sabi pa nito.

"Ayoko, wala ako sa mood" tanggi ko na lang.

Family picture??? Tsk... di naman namin siya kapamilya noh, hindi ko rin naman siya kapatid at mas lalong hindi rin kapuso tsk...

"Ang Kj mo naman" nakangusong sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Mom! Picture tayo nila Dad pls." sabi naman ni Scarlet.

Napabuntong hininga ako.

"Ok ok, fine isa lang ah?" sabi ko.

At tumabi na sakin sina Scarlet at Lowell, si Sky kalong ko naman si Scarlet nakaupo sa lap ni Lowell.

"Nakakainggit naman kayo" nakangiting sabi ni Tim.

"Ewan ko sayo ang drama mo," sabi ko.

Maya maya dumating yung doctor. At sinabing pwede na kong idis-charge.

Kaya kinatanghalian nasa bahay na rin kami.

"Kailan tayo uuwi ng Pilipinas?" tanong ni Briella.

"Namiss mo na?" tanong ko din.

Hahaha mga bruhang to' ayaw na talaga dito sa France tsk.

"Oo eh" sabi pa nito.

"Girls, mauna na kayo umuwi sa Pilipinas, at paki ayos ng bahay namin" sabi ni Lowell.

Napalingon naman kami sa kanila. At napakunot yung noo.

"Excuse me, Mr. Lowell, wala akong sinabing sasama na kami ng mga anak ko sa'yo" masungit na sabi ko.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon