CHAPTER 10

2.1K 46 0
                                    

Nandito na kami sa bahay. At tulad ng inaasahan, nagulat sina Nanay Strellia, Tatay Rudy at Kristine dahil nakaposas ako sa monster na nagngangalang Lowell.

"Ate, anu pong nangyari?" tanong nito.

-_- nakita ng naka posas tatanong tanong pa? tsk.

"Kainis ka, paano ko bibilhan ng gamit si Scarlet aber?" tanong ko sa monster sa tabi ko.

"Eh, di sasama ako tamang tama wala pa din akong mga damit dito, pero pwede bang yung driver mo na ang magmaneho para satin?" nakangiting sabi nito.

Napa roll eyes na lang ako sa kanya.

"Kristine, bantayan mo na lang si Sky dyan, ako na susundo mamaya kay Scarlet, Tay pwede niyo po ba kami ipag drive? Kasi yung halimaw dyan papansin" sabi ko na lang.

Natatawa naman sila sakin.

"Ah, hija dito ba kayo kakain?" tanong naman ni Nanay Strellia.

"Opo Nay, namiss ko na po luto niyo eh" nakangiting sabi ko.

Tumango naman ito, saka kami pumunta na sa sasakyan.

"Tay, pabukas ng disc thanks po" sabi ko.

At saka ko binaling yung mukha ko sa bintana.

Maya maya naririnig ko na yung kanta.

I need you tonight
I need you right now
I know deep within my heart
It doesn't matter any wrong or right I really need you tonight

"Nice, mga ganyang kanta ang tipo mo?" tanong ng katabi ko.

"Ano naman sa'yo?" masungit na tanong ko din.

Naramdaman kong tumatawa ito.

"Kanina lang ang bait mo hahaha tas ngayon ang sungit mo na naman" sabi ulit nito.

Nanahimik na lang ako. Maya-maya napalitan na yung kanta.

At narinig ko siyang sumasabay sa kanta.

"Sorry I never told you...all i wanted to say... and now we you let know you... that you're far away... so far away..."

Napalingon ako sa kanya.

"Pwede ba wag ka ngang kumanta baka bumagyo" inis na sabi ko.

"Bakit ba ang sungit mo sakin? Ano bang ginawa ko sa'yong mali?" takang tanong nito.

"Ah, basta ayaw kong nakikita ka" naiinis na sabi ko.

Ewan ko nga ba bakit ako naiinis. Kasalanan ko din naman kung bakit kami nagkaroon ng anak pero kasi, bakit ba siya panay habol sakin? Anong kelangan niya?

Malamang Shantal yung anak niya, napabuntong hininga ako.

"Kung yung custody ni Sky ang problema mo, pagbibigyan naman kitang makita si Sky" sabi ko.

Saka ko siya nilingon. Napakunot yung noo niya.

"Tingin mo si Sky lang talaga ang habol ko?"

"At bakit sino pa ba ang hinahabol mo bukod kay Sky?" mataray na tanong ko.

Napangiti na lang ito sakin. Napakunot yung noo ko ng tumigil na yung sasakyan.

Paglingon ko, nasa harap na pala kami ng mall, at tulad kanina nauna itong bumaba at nahila ako nito.

Pagpasok namin sa mall, malamang pinagtitinginan kami.

Napairap na lang ako sa mga tumitingin samin, baka akala nila takas kami sa bilangguan peste kasi tong lalaking toh eh -_-

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon