CHAPTER 14

1.8K 43 2
                                    

Nandito kami ngayon sa Baguio, well andito kasi yung bahay bakasyunan namin na pinatayo namin noon ni Clark.

Pinagmamasdan ko yung view mula dito sa balkonahe, ang ganda kasi tignan nung mga pine tree pag andito ka sa taas.

"Do you miss him?"

Nilingon ko kung sino yung nagsalita. Napangiti ako ng makita kong si Tim pala.

"You know what? It's been a long time, after ng mawala si Clark ngayon na lang ulit ako nakabalik dito" sabi ko sa kanya.

"Yah, alam namin na lahat ng memorable place niyo ni Kuya hindi mo na pinupuntahan. Puro ka trabaho at bahay noon, kahit si Scarlet nagtatampo na noon sa'yo dahil akala niya nakalimutan mo na siya" sabi ni Tim at tumingin din sa mga pine tree.

Malungkot na ngumiti lang ako saka ako umupo sa may bench dun.

Pinasadya talaga ito ni Clark para daw may maupuan kami kapag andito kami. Favorite spot kasi namin toh'

Naalala ko na naman siya.

"Until now, masakit pa rin kasi yung pagkawala niya, I mean alam kong accident yung nangyari sa kanya pero hindi ko pa rin matanggap" malungkot na sabi ko.

"What if??? Hindi pala talaga accident yung nangyari kay Kuya that time?" biglang tanong ni Tim sakin.

Naguguluhan ako sa kanya.

Anong sinasabi niya? Na sinadya yung nangyari kay Clark?

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Shantal, tell me honestly gaano mo ba kakilala si Kuya? I mean, sa tagal ng pagsasama niyo ni minsan ba wala siyang nilihim sa'yo?" tanong nito sakin.

Napakunot yung noo ko kay Tim. Hindi ko kasi siya maintindihan eh. Ano bang gusto niyang sabihin?

"Anong pinagsasabi mo? Natural kilalang kilala ko Kuya mo, at wala naman siyang inililihim sakin noh" sabi ko sa kanya.

"So? Alam mong isa siyang magaling na detective dati? Na kaya siya pinatay dahil sa dami na niyang mga nakabanggang malalaking drug lords at marami na siyang napakulong?" sabi nito sakin.

Lalo kong naguluhan sa kanya. Detective??? Si Clark???

"Anong detective pinagsasabi mo?" natatawang sabi ko sa kanya.

Napailing iling na lang ito.

"So wala ka ngang alam sa isa pang identity at trabaho ni Kuya Clark?" naiiling na sabi nito.

Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko sa'yo pero sana wag kang mag isip ng masama samin nila Kuya Clark at Lowell.

Lalo kong naguluhan sa kanya lalo na ng marinig ko yung pangalan ni Lowell, hindi ko kasi alam kung anong konek ni Lowell sa kanilang dalawang magkapatid.

"Alam mong ang pamilya namin ay mayaman, ganun din si Lowell, dahil naging assassin ang pamilya namin sa royal families ng england. Pero, nagkaroon na ng mga buhay sina Mommy at Daddy pero, pag may mga pinapasubaybayan ang royal families, ginagawa pa din yun ni Daddy naging Private Detective siya, nang lumaki na kami nila Kuya Clark, ipinasa ni Daddy yung trabaho niya sa pagiging Private detective kay Kuya Clark, habang ako naging Assassin at Sniper ng royal families. Magkasama kami ni Lowell, dahil tulad ko isa din siyang Sniper at Assassin" kwento ni Tim.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Ang sinasabi ko lang Shan, yung airplane crash na nangyari kay Kuya Clark 5yrs. ago, may kinalaman yun sa pagiging assassin ko, at pagiging detective ni Kuya, kaya ko pinasok si Scarlet sa A.D.U maari siyang maprotektahan nila Princess Saph, oras na mahanap ng mga nakalaban namin ang mga pamilya namin" sabi nito.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sorry Shan, whether you like it or not, madadamay kayo nila Scarlet at Sky sa gulo, noon pa man may mga nagmamanman na sa inyo after ng libing ni Kuya Clark, but hindi pa nila kayo ginagalaw dahil may nagbabantay pa sa inyo noon, pero ngayong nalaman nilang nandito kami ni Lowell sa tabi niyo, maaari silang umatake anytime" seryosong sabi nito.

Speechless...

Wala akong nasabi sa sinabi niya. Wow! As in ano yun? Fairytale?

"Shan??? Hoy... bakit di ka na nakaimik dyan?" takang tanong ni Tim.

"Seriously Tim? Ano yan? Fairytale?" tanong ko sa kanya.

"Hay naku... ang seryoso ko dito tapos sasabihin mong fairytale yung kwento ko?" sabi din ni Tim.

"Tigilan mo ko ng kalokohan mo Tim, peste kung gumagawa ka ng kwento para lang matakot mo ko at pumayag na akong dun na sa bahay si Lowell, pwes nagkakamale ka kasi kaya ko pangalagaan ang mga anak ko!" naiinis na tumayo na ako at naglakad papunta sa garden, pero bago pa ko tuluyang makaalis muli kong nilingon si Tim.

"And one more thing, nice your story muntik mo na akong mapaniwala" sabi ko saka tuluyang iniwan ito.

.....

Nakita ko si Shantal, na nakasimangot na papunta dito sa gareden at galing sa terrace, ano kaya problema niya?

"Daddy, may I ask you? If you don't mind?" sabi ni Scarlet na nakaupo sa swing.

Kaming tatlo lang nila Scarlet at Sky ang nandito sa garden, at nag s-swing.

Napalingon naman ako kay Scarlet.

"Yes, baby?" tanong ko.

"Bakit po kayo magkausap ni Teacher Sapphire? Kilala mo po siya? Saka po bakit po Uncle ang tawag po sa inyo ni Yhan?" takang tanong nito.

Napaiwas naman ako ng tingin, at nakita ko si Shantal na nagtataka ding nakatingin sakin.

"Scarlet! Di ba sabi ko sa'yo masama ang nag uusisa?" narinig kong sabi ni Shan.

At lumapit ito samin, saka kinuha sakin si Sky at hinawakan nito sa kamay si Scarlet.

"Pasensiya ka na sa tanong ni Scarlet, sige papakainin ko muna tong makukulit" sabi nito.

"Sorry Dad" sabi ni Scarlet at sumama na rin ito sa Mommy nito.

Napabuntong hininga ako ng makaalis na sila, at saka ko nakita si Tim na palapit dito sa swing.

"Nasabi mo ba kay Shan?" tanong ko sa kanya.

"Yah, kaso hindi siya naniwala sakin, siguro mabuting mas pag igihan mo ang pagbabantay sa kanila, nga pala may nakuha na kong mga lead kung sino ang grupong kalaban natin" sabi nito.

Napatingin ako kay Tim.

"Yung mga SPIRIT Z" sabi pa nito.

"Bakit pati tayo nasali sa laban nila?" tanong ko.

"Related ka kasi sa royal families hahaha" natatawang sabi nito.

Saka ako tinapik sa balikat bago ako iwan nito.

Related sa Royal Families???

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Actually nagka related na tuloy eto sa A.D.U kaya masasama na ito sa A.D.U waaaahhh

I love gangfight!!!!

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon