CHAPTER 20

2.1K 51 0
                                    

Isang taon na ang lumipas mula ng umalis si Lowell.

At sa mga araw na wala siya, naiisip ko yung mga panahon na nandito siya sa tabi ko at nangungulit sakin.

"Ms. Shan, eto na po yung mga papers na kailangan niyo po pirmahan tas pati po yung mga pay-roll namin" nakangiting sabi ni Ash.

"Ah, sige lapag mo muna dyan" sabi ko habang busy pa din ako sa pag ta-type sa laptop ko.

Akala ko umalis na si Ash, pero napalingon ako sa kanya ng tumikhim siya.

"May kailangan ka pa?" takang tanong ko.

"Ma'am, may appointment po kayo mamayang 12n.n lunch meeting po kay Mr.Hammington" sabi ni Ash.

Napatango lang ako, naalala ko yun, yung dapat i me-meet ko.

"Akala ko si Tim na ang nakausap niya?" takang tanong ko.

Napayuko naman si Ash.

"Sige ako ng bahala" sabi ko.

Lumabas na rin si Ash ng opisina ko.

Pagkatapos kinuha ko yung cp ko, at tinawagan si Tim.

"Hello, Tim asan ka na?" tanong ko.

(Why??? Nasa biyahe ako, papunta kong baguio eh)

Napakunot yung noo ko, ano kaya gagawin nito sa baguio???

"Akala ko na-meet mo na si Mr.Hammington? I thought ok na yung deal natin sa kanya?" tanong ko.

"Yah, nakausap ko na nga siya bakit? Anong problema?" tanong nito.

"Nag pa appoint kasi siya ng meeting sakin mamayang lunch eh," sabi ko saka ko tinignan yung laptop ko.

(Meet him ok? Baka may idadagdag siyang share or may problem about business matter di ko kasi yun mahaharap ngayon at busy ako, cge bye)

At saka nito dinisconnect yung tawag ko.

Napailing na lang ako. Saka ko tinuloy yung ginagawa kong proposal para sa board meeting.

Di pa ko nagtatagal magtype sa latop ko. Tumunog naman yung private line ko.

"Yes, Ash?" tanong ko.

"Ma'am nandito po si Ms.Elizabeth Hammington gusto daw po kayong makausap" imporma ni Ash.

"Ok, send here in" sabi ko.

Napahilot ako sa sentido ko, ano kayang kailangan nung bisita ko sakin?

Nakarinig ako ng katok sa pinto saka pumasok si Ash, kasunod ang isang babae na sa tantya ko di naman ganun katanda.

"Good morning Ma'am? What can I do for you? Have a seat" sabi ko.

"So, ikaw si Shantal Carlsberge?" nakataas ang kilay na sabi nito.

At saka ito lumapit sakin.

"Huh??? May problema ba?" tanong ko.

"So? Ikaw pala yung---" sabi nito.

Pero di na natuloy nito yung sasabihin dahil biglang bumukas yung pinto ng opisina ko, at humahangos na pumasok ang isang may katandaan na ring lalaki at si--- Lowell??!

Kailan pa kaya siya nakabalik?

"Mommy? What are you doing here?" takang tanong ni Lowell.

"Gusto ko lang makilala ng personal si Shantal masama ba?" tanong pa nung Elizabeth.

"Elize, I thought your going to mall, tsk your crazy hindi mo na hinintay ipakilala tayo ng anak mo sa asawa niya" sabi naman ng lalaki.

"George, napaka bagal ng anak mong yan mana sa'yo at napaka lihim pa kung hindi pa nadulas si Tim hindi ko pa malalamang may apo na pala tayo sa batang yan" naiiyak na sabi ni Elizabeth.

Nanonood lang ako, napansin ko si Ash na napapangiti at pinandilatan ko lang siya kaya yumuko lang ito at saka lumabas.

"Mom, I'm sorry hindi ko rin kasi alam na nagka anak kami ni Shan, beside di ko alam paano sasabihin yun sa inyo" paliwanag ni Lowell.

Saka ito lumapit sakin.

"Shan, I miss you sorry kung sa ganito tayo nagkita ulit, hindi ko ito ine expect" sabi ni Lowell saka ako niyakap.

"Ahm, naguguluhan ako?" nasabi ko na lang.

"Gusto kita makilala hija, ako ang mommy niyang lalaking panget sa tabi mo, pasensya ka na sakin kanina, I'm Elizabeth Hammington, please to meet you gusto ko din sana makilala ang mga apo ko" sabi ni Elizabeth.

At saka ako nito hinila mula kay Lowell at ito ang yumakap sakin.

"Ah, hija ako pala ang dad ni Lowell, ako si George Hammington" sabi naman nung lalaki.

Yayakap din sana ito, kaso lumapit agad si Lowell.

"Ok na Dad, kilala ka na ni Shan" nakasimangot na sabi nito.

Natawa naman si Elizabeth saka bumulong sakin.

"Seloso kasi yan si Lowell, kaya pagpapasensyahan mo na" sabi pa ni Elizabeth.

Napangiti lang ako. Wala naman din kasi akong masabi sa kanila eh.

"So, kailan ang kasal niyo?" tanong pa ni Elizabeth.

"Mommy!" si Lowell yan.

Hahaha nakakatawa sya oh.

"Mommy, hindi pa nagpo prose yung anak mo napaka daldal mo" bulong naman ni George sa asawa.

Napatingin ito samin. Nilingon ko lang si Lowell at namumulang nagyuko ng ulo.

"Ay naku hija, pasensya na talaga hehehe pwede ko na ba makita yung mga apo ko?" pag iiba ng usapan ni Elizabeth.

Napatingin lang ako sa relo ko.

"Ah, sige po tara na sa bahay" sabi ko na lang.

At nauna na lumabas ng opisina ko yung mga magulang ni Lowell.

Pasunod na sana ko, kaso pinigilan ako ni Lowell.

"Tulad ng pangako ko, bumalik ako, so pwede mo na ba kong pakasalan?" tanong nito.

Natawa ko sa kanya.

"Nagpo-propose ka na??? Kakakita pa lang ulit natin?" natatawa pa ring sabi ko.

"Bakit? Anong masama dun? Ang gusto ko malaman kung mahal mo na ko at kung pumapayag ka na pakasal sakin" seryoso pa ring sabi ni Lowell.

Napangiti ako, saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Sa tagal ng panahong nawala ka, narealize kong mahal na kita" sabi ko tapos hinalikan ko siya ng smack sa labi niya.

"Namiss kita alam mo ba yon?" sabi ko pa at muli ko siyang hinalikan sa labi niya.

"At oo kahit wala kang dalang singsing OO magpapakasal ako sa'yo dahil mahal na kita" sabi ko at muli ko siyang hinalikan, subalit di niya ko agad pinakawalan.

Naitulak ko lang si Lowell, ng marinig kong bumukas yung pinto.

"Ahm... Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Mrs. Hammington" namumulang sabi ni Ash.

"Ah, sige" sabi ko.

"Eto ang singsing oh" sabi naman ni Lowell.

At saka nito sinuot sakin yung singsing sa harap mismo ni Ash.

"Wow, congrats Ma'am Sir" nakangiting sabi ni Ash.

"Thanks, Ash don't worry abay ka sa kasal namin ng Ma'am Shantal mo" natatawang sabi ni Lowell.

Saka ako hinila nito palabas ng opisina ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bagong update ng CHAPTER 20 ahahaha erase ko na yung isa :)

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon