Pagkauwi namin, binigay ko kay Kristine si Sky.
At saka ako pumasok sa loob ng bahay. Agad akong dumiretso sa garden, kung saan andun ang alaala namin ni Clark.
At umupo sa may swing.
Pag andito ako nakakaramdam ako ng kapayapaan sa isip ko, natatahimik kasi ako at nakakapag isip ng maayos.
"Clark, anu bang gagawin ko?" napabuntong hininga ako saka tumingala.
"Shan,---" narinig kong tawag ni Lowell sakin.
Nilingon ko siya, at tumabi naman siya sakin.
"Hindi ko alam kung anong problema sakin, as you can see pinipilit kong mapalapit sa inyo ng anak mo pero ikaw ang lumalayo" sabi nito sakin na nakatingin.
Iniwasan ko ang tingin niya, hindi ko kasi matagalan na titigan siya.
Anu nga bang problema kay Lowell? Mabait, mayaman at gwapo din naman siya.
"Pero Lowell, hindi mo ko naiintindihan, hindi ko na gusto pa ang may lalaki sa buhay ko, sa buhay namin ng mga anak ko, kapatid lang naman ang kailangan ni Scarlet hindi ka niya kailangan" sabi ko at tumayo na ako.
"Yun ba talaga ang tingin mo? Hindi niya ako kailangan?" tanong nito sakin.
"Oo!, yun ang palagay ko, kaya pwede bang tapusin muna ang kalokohan mo? Huwag ka ng lumapit samin nila Scarlet" sabi ko.
Narinig ko na lang na natatawa si Lowell. Tsk, baliw na ata siya? Anong nakakatawa sa sinabi ko? -_-
"Wala pa nga akong ginagawa para lang masabi mong hindi ako kailangan ng mga anak KO, sa palagay mo gagawin ko ang sinabi mo?" sabi nito at saka tumayo din.
"Etong tandaan mo Shan, makakalimutan mo rin yang Clark mo at mamahalin mo din ako, katulad ng pagmamahal mo o maaaring mas higit pa sa Clark mo at magiging bahagi ako ng buhay niyong mag-iina hindi ako ganun kadaling sumuko, nasaktan mo man ako ngayon pero I'll make sure last na toh' " sabi pa ni Lowell at tuluyan na niya akong iniwan dun.
Napaupo na lang ako. Ano ba kasi talagang gusto ng Lowell na yun? Hindi ko naman mapaniwalaan na mahal niya kami agad ni Scarlet, impossible yun di ba?
******
Pumasok si Lowell sa sala nakita niya ang mga kaibigan ni Shan, maging si Scarlet at Tim, na mga nag uusap.
"Daddy!" sigaw ni Scarlet at tumakbo sakin saka nagpabuhat.
Eto ba ang sinasabi ni Shan na hindi ako kailangan ni Scarlet at maging ng anak kong si Sky? Pwes, papatunayan kong mali siya at tama ako.
"Anong nangyare?" tanong ni Tim.
"Guys, tulungan niyo ko mag prepare ng family date para sa mag iina ko" sabi ko sa kanila.
"Ayun lang pala eh, oo naman" natutuwang sabi ni Briella.
"Gusto kong i- surprise ang reyna ko, masyado kasi siyang nalulunod sa nakaraan niya kaya gusto kong iparamdam na nandito na ko para sa kanila" paliwanag ko pa din.
"Dad, nag away po ba kayo ni Mom?" tanong ni Scarlet.
"Well, di naman masyado baby, yang Mommy mo kasi akala niya di ko kayo love, kaya isu-surprise natin si Mommy ok? Wag mo sasabihin sa kanya ah?" nakangiting sabi ko.
Niyakap naman ako ni Scarlet at saka ako hinalikan sa pisngi.
"Promise Dad, secret po natin ito kay Mommy hihihi" natutuwang sabi ni Scarlet.
Napansin kong nanonood samin ang mga kaibigan namin.
"Ang sweet niyo, para talaga kayong mag-ama" natatawang sabi ni Briella.
"Kahit iba ang tatay ni Scarlet, anak na rin ang turing ko sa kanya, kaya hindi ako mangingiming tawagin siyang anak" nakangiting sabi ko sa kanila.
"Salamat pare, alam kong matutuwa si Kuya Clark, dahil kahit wala na siya may papalit na sa kanya para maging bagong ama para sa pamangkin ko" sabi naman ni Tim.
"Hahaha, drama ni Tim oh hoy Hailley, i date mo na nga yan si Tim, pampasira ng atmosphere eh" pang aasar ni Briella.
"Ewan ko sa'yo bakit pati ako dinamay mo dyang luka-luka ka, tara inuman na lang" natatawang sabi ni Hailley.
Napangiti na lang ako sa kanila.
Mga pasaway din kasi ang mga ito, pero kahit ganoon, maasahan ko pa rin sila. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko malalamang may anak ako kay Shan.
"Salamat guys, pero bago tayo uminom kumain na muna tayo" nakangising sabi ko sa kanila.
"Sige, ako na tatawag dun sa nagsesenti sa labas" sabi naman ni Lavi.
Nagtawanan naman sila. Napailing na lang ako.
Nasa Dining area na kami, maliban kay Shan, nandito na rin si Lavi.
"Tara, kain na tayo" sabi ni Shan na kalong si Sky.
Di ko talaga akalain,na magkakaroon ako ng isang napaka gwapong anak sa babaeng ito.
Ano kaya ang masasabi nila Sapphire, kapag nalaman nilang may anak na ako. Sabagay, wala pang alam ang pamilya ko tungkol sa anak ko.
Gusto ko kasing ma-settle muna ang set up namin ni Shan bago ko sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa kanila.
Habang kumakain, biglang tumunog yung phone ko. Nakita kong napakunot yung noo ni Tim, na tumingin sakin.
"Excuse me guys," paalam ko.
At saka ako tumayo at naglakad papunta sa garden.
"Anong balita?" bungad na tanong ko sa nasa kabilang linya.
(Boss, nalaman na nila King Alex yung kinaroroonan ni Master Ellie pinapabalik na po kayo dito)
Babalik? Ako? Hindi pwede, hindi ko iiwan yung mag-iina ko.
"Sige, salamat" sabi ko.
At saka ko inend ang call.
"Tungkol sa Royal family?" sabi ni Tim.
Napalingon ako sa kanya, at napatingin sa malayo.
"Kelangan ko ng bumalik ng England nahanap na nila Si Master Ellie" sabi ko sa kanya.
"Paano sina Shan?" tanong nito.
"Kailangan ko muna kausapin,ang pamilya ko babalik din ako agad for the meantime ikaw na munang bahala sa mag-iina ko alam kong maasahan kita" sabi ko. At tinapik pa ito sa balikat.
"Hindi mo kailangan sabihin yan, pero wag ka magtagal dahil baka pagbalik mo ako na mahal ni Shan wahahaha" pang aasar pa nito.
-_- lakas talaga mang asar ng isang toh'
"Hindi mangyayari yan, pre' hehehe wag ka mag alala" natatawang sabi ko.
Saka kami sabay na pumasok sa loob ng bahay.
Bukas aalis muna ako, pero ngayon susulitin ko muna na kasama sila.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
BINABASA MO ANG
OPERATION: Wanted BaBy Maker?
Romanzi rosa / ChickLitKung mayaman ka na, at may anak na nanaisin mo pa bang magdagdag ng isa pang anak??? Sabi ng iba, kung kaya mo namang buhayin ang anak mo why not coconut??? Pero sa tulad kong single mother??? Paano ako magkakaanak ulit??? I mean... paano ko mab...