Nakita kong bumalik na sina Lowell, at Tim.
"Shan, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Lowell sakin.
Tinignan ko lang siya, saka ako tumayo. Pumunta ako sa paborito kong lugar. Sa garden, at sinundan ako ni Lowell.
"Shan, kailangan ko munang umalis" sabi niya.
Nagulat naman ako, at napatingin sa kanya.
"Bakit ka nagpapaalam sakin?" mataray na tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo kung lalayas ka, lumayas ka na at pwede wag ka ng bumalik hindi ka naman namin kailangan ng mga ANAK KO!" sabi ko saka ako tumayo, at tumalikod para iwan siya.
Pero, bago pa ko nakalayo sa kanya, pinigilan na niya yung kamay ko.
"Hindi ko man gustong iwan kayo ng mga Anak NATIN, kailangan ko umalis may kailangan lang ako ayusin at pagbalik ko sana hindi ka na ganyan ka sungit at sana din mahal mo na ko pagbalik ko, or maamin mo na sa sarili mong ako na ang mahal mo" sabi nito.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya ko hapitin palapit sa kanya at halikan ang mga labi ko.
Agad akong nakaramdam ng kaba, eto ang unang beses na hinalikan niya ko ng hindi ako lasing at hindi ko maintindihan kung bakit, pero napayakap ako bigla sa kanya at napapikit ang mata ko.
Namula ko ng itigil na ni Lowell yung paghalik niya sa labi ko.
"Mamimiss kita Shan, mahal na mahal kita" nakangiting sabi nito.
"Ahm---" wala kong maisip sabihin.
Nahihiya ako sa kanya, maging sa sarili ko. Napabuntong hininga ako at saka ako tumingin sa kanya.
"Umalis ka na" sabi ko at saka ako nag dire- diretso na sa pag pasok sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong humiga. Napabuntong hininga ko, saka ako umupo napatingin ako sa may picture na nasa study table.
Ako, kasama si Clark at Scarlet na isang taon pa lang ata nun.
Kinuha ko yung picture frame, at saka ko hinaplos."Clark, namimiss na kita lalo lang kita namimiss pag andito ko, bakit kasi ang daya mo? Bakit mo ko iniwan???" naiiyak na sabi ko.
"Sabi mo walang iwanan, sabi mo sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin, sabi mo. . ." umiiyak na sabi ko
Hindi ko na kaya, sobra ko na siyang namimiss,
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. At pagtingala ko nakita ko si Lowell.
"Shan, andito na ako kaya ko naman ibigay lahat ng binigay ni Clark sa'yo" sabi nito.
At saka niya ko hinila patayo, nakatingin lang ako sa kanya.
"Promise, may aayusin lang ako at pagbalik ko, magiging ok na ang lahat" sabi nito habang pinupunasan nito ang luha saking mga mata.
Agad din akong niyakap ni Lowell.
Hmmm... bakit nga ba hindi ko bigyan ng chance yung sarili ko sa kanya?
"Lowell, sige pagbalik mo pipilitin kong tanggapin ka sa buhay namin" nahihiyang sabi ko.
Ngumiti naman si Lowell, at saka niya ako niyakap ng mahigpit at muli niya akong hinalikan sa aking mga labi.
"Salamat Shantal" sabi nito.
At saka ito humiwalay sakin at naglakad na papunta sa pinto.
"Hindi pa ba kayo babalik sa bahay natin?" tanong nito na nilingon ako.
Napataas lang kilay ko.
"Bahay talaga natin??? Baka bahay ko lang yun?" inis na sabi ko.
"Ang high blood mo, meron ka ba???" nakangising sabi nito.
"Lumayas ka na nga kung lalayas ka, tsk" >_< nakakainis lang eh.
"Ang init ng ulo mo, inaano ka?" tanong nito at saka muling bumalik sa harap ko at niyakap ako.
"Mamimiss mo ko no? Kaya ka ganyan ka sungit" natatawa pang sabi nito.
"Miss your face! Alis na" pagtataboy ko sa kanya.
Shit ang moody ko, bakit nga ba??? Di ko rin kasi alam eh...
"Mom???" tawag ni Scarlet.
Di ko namalayang nandito pala siya. Parehas kaming tumingin sa kanya.
"Are you two ok?" alanganing tanong ni Scarlet.
Natawa lang si Lowell at saka ito lumapit kay Scarlet.
"Yes baby, ok na kami ni Mommy mo, but kailangan ko muna umalis sandali lang naman ako, may aasikasuhin lang si Daddy and pagbalik ko magiging ok na ang lahat makakasama niyo na ko lagi" nakangiting sabi ni Lowell.
Niyakap naman ni Scarlet si Lowell, at habang pinagmamasdan ko silang dalawa naramdaman ko yung pagka sabik ni Scarlet na muling magkaroon ng ama.
Siguro nga, hindi ko nakita yung pananabik ni Scarlet sa isang Ama dahil busy ako sa buhay ko, para makalimot sa pagkawala ni Clark.
Pagka hiwalay ni Scarlet sa pagkakayakap kay Lowell, lumapit sakin si Scarlet.
"I love you Mom" naluluhang sabi ni Scarlet saka ako niyakap nito.
Napangiti lang ako at niyakap ko din siya.
"Happy?" tanong ko.
"Mejo po, kaso nalulungkot din po ako kasi aalis si Daddy" sabi nito.
"Promise Scarlet babalik ako sa inyo may Work lang na tatapusin si Daddy" nakangiting sabi ni Lowell.
Tumango na lang si Scarlet kahit nakayakap ito sakin.
"Sige po, puntahan ko muna si Sky" paalam ni Scarlet at saka ito kumalas sa yakap ko at tumakbo na papunta sa pinto.
Nagkatinginan lang kami ni Lowell at pagkatapos saka niya ko niyakap at muling hinalikan.
"I'll go ahead baby mag ingat kayo ah?" sabi ni Lowell at saka ito lumayo at tuluyan ng umalis.
Napaupo na lang ako sa kama.
Tama ba ang desisyon kong pagkatiwalaan si Lowell? Babalik nga kaya siya?
Napabuntong hininga ako, at saka ko nahiga. Iniisip ko kung ano na nga ang mabuting gawin para sa mga anak ko. Dapat siguro muli na kong bumalik sa trabaho, para naman malibang ako sa buhay ko.
Bumangon ako, at saka ako bumaba para sabihan ang iba na uuwi na kami. Ayoko na ring isipin lagi si Clark. At gusto ko na mag move on.
Pagbaba ko nakita ko yung tatlo na nag kukulitan sa sala.
"Anong meron???" tanong ko.
"Woah, tapos ka na mag drama sa taas?" tanong ni Briella sakin at tinaasan pa ko ng kilay.
"Ahaha what are you talking about?" natatawang tanong ko.
"Di ba kaya nga ayaw mo pa din kay Lowell dahil kay Clark?" si Lavi naman.
Nakita ko pang siniko ito ni Hailley.
Hahaha mga kaibigan ko nga sila ^_^
"Well, sort of??? By the way uuwi na tayo, asan na pala si Tim?" sabi ko.
"Kasama ni Lowell, kung ganoon tara na" sabi ni Hailley.
At nagsitayuan na sila para mag ayos ng mga gamit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa dami ng mga pangyayari sa buhay ko at sa sobrang busy ko eto... di ko matapos tapos tong mga story ko hahahaha...
Tingin ko kasi walang mga feedback ni walang nag cocomment kaya natatamad ako
BINABASA MO ANG
OPERATION: Wanted BaBy Maker?
Chick-LitKung mayaman ka na, at may anak na nanaisin mo pa bang magdagdag ng isa pang anak??? Sabi ng iba, kung kaya mo namang buhayin ang anak mo why not coconut??? Pero sa tulad kong single mother??? Paano ako magkakaanak ulit??? I mean... paano ko mab...