CHAPTER 13

1.9K 47 0
                                    

"Mom!, Dad! Wake up... good morning na po" sabi ni Scarlet.

Naalimpungatan ako sa kanya. Nakita ko ring pinagmamasdan na ako ni Lowell.

Teka, kanina pa ba siya gising 0_0

"Bakit ganyan ka makatingin?" kunot noong tanong ko.

"Oh, good morning" nakangiting bati nito.

At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng bigla niya akong halikan sa harap ni Scarlet.

"How could---"

"Wow ang sweet niyo po Dad" nakangiting sabi ni Scarlet.

Tsk, anong sweet dun??? Ang manyak niya uyyy...

"Mom, kiss mo din po si Dad unfair naman po kung siya lang mag kiss sa'yo di po ba?" nakangiting sabi ni Scarlet.

-_- yung totoo sino kaya magulang nitong batang toh'?

"Baby, mala-late ka na sa school so, tara na mag prepare ka na" natatarantang sabi ko.

"Mom, saturday po ngayon kaya walang pasok" nakasimangot na sabi nito.

Narinig kong natatawa lang si Lowell sa tabi ko. Nilingon ko siya at agad naman siyang tumigil. Pero nakangisi pa rin siya.

Nakarinig kami ng katok sa pinto.

"Scarlet? Are you there?" tawag ni Kristine.

"Yes Ate Kristine, why?" sagot ni Scarlet.

"Kristine, C'mon kunin mo na dito si Scarlet at paliguan mo na may lakad kami ngayon" sabi ko na lang.

Napalingon naman sakin sina Scarlet at Lowell.

Problema nila? -_- agad namang pumasok si Kristine at sumunod na nga si Scarlet dito.

"Hmm... nakaligtas ka man sa anak mo, pero sakin hindi" nakangising sabi ni Lowell.

Napakunot yung noo ko.

At huli na ng ma-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin dun. Agad na niya ako niyakap at biglang bumilis yung puso ko ng mapagmasdan ko siya ng malapitan.

"Ang ganda mo pala sa umaga" nakangiting sabi ni Lowell.

Naramdaman kong nag iinit ang mga pisngi ko.

"Lalo na pag nag ba-blush ka" dagdag pang sabi nito.

And suddenly... bigla niya sinakop ang labi ko na wala man lang akong nasabi na kahit ano.

Sa sobrang inis ko tinulak ko siya at saka ko siya sinampal. Ang kapal naman niya para halikan ako.

Ngumisi lang siya sakin.

"Ang sweet mo naman, kakaiba ka talagang babae tsk..." nakangisi pa ding sabi nito.

Kinakabahan naman ako sa itsura niya.

"Ahm..." di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Pwede bang tanggalin mo na itong lintek na posas na ito?" napasigaw na ko.

Napakunot yung noo niya sakin.

"Hindi kasi ako makagalaw ng maayos eh kaya pwede??? Tanggalin mo na ito?" sabi ko pa rin.

Ngumiti lang ito sakin.

"Paano kung ayaw ko?" nakakalokong tanong nito.

"Tsk... paano ako maliligo aber?" masungit na tanong ko.

"Ah... problema ba yun? Eh di sabay tayo, wala ka na namang dapat itago nakita ko na yan at wala din akong dapat ikahiya sa'yo dahil magiging mag asawa na rin naman tayo" sabi pa nito sakin.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon